the twain changes

639 19 1
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER TWENTY-TWO
the twain changes
━━━━━━━━━━━━━━━━

Napatingin ako sa table na iniwanan ni Gazer mga ilang minuto na ang nakakaraan. Nandoon ang pangalan niya't nakaukit sa crystal clear glass na plaka, sa ilalim nu'n ay nakalagay ang pinakamataas na pwesto sa kompanyang 'to na siya ring nagsasabi na siya ang namamahala nito; Chief Executive Officer.

Sa likod naman ng lamesa niya at katabi ng wall clock ang certificate kung saan nakahayag ang pangalan niya bilang nagmamay-ari sa Avar Publishing - ang kumpanyang pagmamay-ari ko dati.

Binalot ako ng lungkot at galit habang nakatingin do'n. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na talagang nasa kanya na 'yung kompanyang nasa pangalan ko pa noon at hindi ko alam pero lahat ng nakikita ko rito sakanya ay tama na para maalala ko lahat ng nangyari apat na taon na ang nakakaraan.

"Gazer, I believe in you so tell me the truth. Did you steal my business framework and gave it to the Vuerreros?" Nanginginig kong tanong pagkatapos matanggap ang tawag ni Farrah at kung paano niya ipinaalam sa'kin na si Gazer nga 'yung kumuha ng framework ko.

Tinawagan ko siya para pumunta sa condo kahit na walang klaro 'yung huli naming pagkikita kasi gusto kong malaman 'yung totoo. 

"Ma'am..." Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero hindi ko alam ano ang nagtulak sa'kin para ilayo ito. Pareho kaming nagulat pero mas humigit 'yung sakanya dahil kitang-kita kung paano siya nasaktan sa ginawa ko.

He just confessed to me yesterday, and I almost did aswell if he didn't run away after confessing. We both liked each other at malalaman ko na lang bigla na siya pala 'yung kumuha ng framework ko na ngayon ay nasa mga Vuerreros na?


"Gazer, sagutin mo ko. Please, magtapat ka sa'kin." Pagsusumamo ko pero wala siyang may ibang ginawa kung hindi ngumiti at humingi ng paumanhin bago lumabas.

Sinubukan ko siyang habulin pero mas mabilis siya kaya wala akong ginawa kung hindi palipasin ang gabi at bigyan siya ng oras para magpaliwanag sa'kin. Nagpatuloy ako sa pagt-trabaho, umaasang babalik siya isang araw pero wala akong may natanggap kung hindi tawag mula sa mama ko na nabaon daw sa utang si papa dahil sa sugal.

Binenta niya lahat ng asset na nasa kamay nilang dalawa ni Mama dahil sobrang laki na pala ng utang niya. May iniwan siyang pagmamay-ari ng Madrigal pero mahabang process ang aabutin nu'n para ibenta kaya wala silang ibang ginawa kung hindi tawagan ako sa gitna rin ng pam-mroblema ko.

At that time, I craved for solace. I still wanted to talk to Gazer and let him explain everything.

Pero wala, walang may dumating na Gazer para magpaliwanag. Sa halip ay bigla akong sinugod sa opisina ng isang abogado at may warrant of arrest daw sila patungkol sa pagnanakaw ko ng business framework ng isang kompanya.

Sobrang bilis ng pangyayari. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng interrogation room. Halos magmakaawa sa harap ng lalaking kamukha ni Gazer dahil wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari at mas lalong hindi ko ninakaw ang business framework nila na sa'kin mismo nanggaling.

Nakatingin lang sa'kin si Isaiah Vuerrero, kinikilatis ang mukha ko habang nakangisi. Para siyang gago.

Sa oras na 'yun ay tinatanggi ko pa ring may kinalaman si Gazer sa nangyari. Ayokong maniwala kasi malaki ang tiwala ko sakanya pero nasira lahat ng pag-asa ko nang may pinapasok ang lalaking kamukha ni Gazer.

It was him. It was Gazer. And unlike how his eyes sparkles whenever he sees me, his eyes now are void of any emotion.

"Gazer..." Bulong ko sa hangin pero ni hindi niya ako matignan sa mata.

"My son here reported your crime, Miss Madrigal. I just didn't expect that you of all people will going to be responsible for something I didn't expect you to be." Mahinang tumawa ang nakakatandang Vuerrero bago ginulo ang buhok ng anak niyang nakayuko.

Nawalan ako ng sasabihin nu'n. Gulat na gulat ako at mas pinuno ng sakit ang dibdib ko sa narinig. Hindi ako bigla makapaniwang magagawa niya 'yun sa'kin.

"Gaze-."

"Let me get this straight, Miss Madrigal." Tumikhim ang lalaki bago binuksan ang isang classified file kung saan nakalagay ang isang exclusive na kontrata.

Binasa ko 'yun at hindi-makapaniwala ko silang tinignan dahil sa lahat ng kondisyon nila na gusto nilang gawin ko para hindi ako ikulong.

"I heard your father is in a huge debt right now. Getting locked up in prison won't help so you have choices, Miss Madrigal. Will you sign and sell some of your assets?" Ngumisi siya pero hindi sakanya napokus ang tingin ko.

Napunta lahat ng atensyon ko kay Gazer na walang kibo at tahimik lang.

"You said you like me..." I whispered into thin air, waiting for his reaction but none. Wala siyang may sinabi o ginawa kung hindi tignan lang ako ng walang kahit na anong emosyon sa mata niya.

Nabalot ako ng poot pero hindi ako pumirma. Hindi ako tanga para ibigay sakanila lahat ng pagmamay-ari ko. Naghanap ako ng ebidensya sa mga panahong binigyan ako ng oras ng nakakatandang Vuerrero.

Sinubukan ko ring tawagin si Farrah para makumpirma ang nangyari pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Sinubukan ko ring kunin ang CCTV footage sa condominium ko pero kahit 'yun ay barado rin. Doon ako nawalan ng pag-asa kasi wala na akong may kahit na isang patunay na hindi ko ninakaw ang framework at akin 'yun.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon