nothing changed

914 21 9
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER THIRTY-ONE
nothing changed
━━━━━━━━━━━━━━━━

Calm, composed, and wise. That's the trait that Gazer wanted to see now that I agreed to work with him in order to bring down his Father and finally take back what's mine. He wanted to see the woman he once served and because I pledged to work with him, then I'll be that woman with his help.

My friends will eat me alive but nobody should get me wrong. I am still that woman. Problema lang ngayon ay binalot ako ng galit sa mundo pero alam kong mawawala rin 'yun kapag nawala na rin ang ama ni Gazer.

Nakatanggap na rin kasi ako ng iilang text kung nasaan ako mula sa mga kaibigan ko at bakit hindi ako umuwi pero dahil wala na akong load ay hindi ako makareply sa kahit isa sakanila. So then, Alessa texted that she'll file a search operation if wala pa ako sa bahay ni Paris mamayang hapon.

Mahina kong tinulak ang walang laman kong plato palayo sa'kin bago taimtim na ininom ang cucumber drink na dinala ni Marcus na ngayon ay kasalukuyan ding minamatahan ang bawat galaw ko. Nandoon sa tingin niya ang suspisyon at pagtataka kung ano ang ginagawa ko rito at mas lalong bakit ako nakakandong sa kapatid niya.

Pagkasabing-pagkasabi kasi ni Gazer na ako lang daw ang mahal niya mula pa noon, binalot ako ng sangkaterbang tanong na hindi ko rin naman nasagutan kasi napaayos ako ng upo sa kandungan niya - siya ring rason bakit nakita ako ni Marcus at bakit niya naisipang sumabay ngayon sa'min.

Ngayon ay nasa kusina kami. Si Gazer ay tahimik na kinakain ang dinala ni Marcus habang si Marcus naman ay nasa harap ko't walang-hiya na tumitingin pa rin sa'kin.

"Mind explaining?" Sarkastiko niyang tanong kay Gazer na halatang nasa good mood dahil kahit ngumunguya ay hindi maalis ang ngiti sa labi niya.

The latter cleared his throat. Tinignan niya ako saglit at lumapad ang ngiti niya pagkatapos.

"Explain what? Do I even need to explain anything? You're smart enough, kuya. Atsaka, did you feed Whisker?" Maang-maangan niya pagkatapos mainom ang juice.

"Whisker's with Autumn. Now, explain why is she on top of your lap." Dinuro ako ni Marcus kaya agad na tinabig ni Gazer ang kamay niya.

"Don't point at her like that." He groaned.

"We fucked." Agad kong sagot bago pa may sabihin si Gazer na hindi dapat malaman ng kapatid niya.

"We made love." Ani Gazer na parang sinasabing mali ang sinabi ko base sa tono niya.

"It's the same." Giit ko.

"No, it's not, love."

"Basta pinasukan ka niya. Oh, ano? Ano mayroon sa inyo? At anong pinaplano niyong dalawa, ha?" Sabat ni Marcus habang nakahalukipkip. I even had to stop myself from kicking his leg under the table dahil sa bulgar ng pagkakasabi niya.

Does this man really love ate Autumn? Ngayon pa lang ay ayoko na sakanya.

"Like I said, I love Astra. I'll settle things with Quince then I'll finish Papa's greed. Tuloy ang plano na pababain siya sa kung nasa'n siya ngayon." Gazer, without looking at us, said seriously.

Napatikhim ako para itago ang panandaliang kilig dahil sa sinabi niya. Tinignan naman ako ni Marcus ulit at walang pinagbago sa tingin niya.

"How about you?" Gazer's brother raised a brow at me, "Do you love my brother?"

"Don't ask her like that. She'll tell me she loves me if she wants to. I don't want anyone asking her like it's an obligation for her to love me back." Agad na saway ni Gazer na pinagpapatuloy lang ang pagkain. Wala na rin 'yung ngiti na kanina'y nasa labi niya.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon