schemes to reign

569 16 0
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER FORTY-THREE
schemes to reign
━━━━━━━━━━━━━━━━

1 message from an unknown number.

Pinindot ko ang notification.

Today | 10/20 | 11:47 AM

From: Unknown Number
Message: L

Kunot na kunot ang noo ko sa bagong numero na nag-text pagkagising na pagkagising ko sa umaga. Ni hindi pa ko nakakapaghilamos o nakakabangon, tinignan ko lang ang oras sa cellphone at 'yun ang unang bumungad sa'kin.

Hindi ko lang din 'yun pinansin. Baka dumami nanaman iisipin ko gayong kay aga-aga pa para ro'n.

Bumangon na lang ako sa kama't nagligpit. Ako lang naman mag-isa natutulog do'n kasi boluntaryong natulog si Ashton sa sofa bed sa labas. Baka kasi maasiwa raw ako sa presensya niya kaya hindi ko na rin siya pinigilan.

Nang lumabas ako ay natutulog pa rin si Ashton gayong lagi naman siyang nauunang magising sa'kin pero nang makita ko 'yung palya ng nir-review niyang plates ay napagtanto kong may trabaho pala siyang hindi niya kayang iwan.

Hindi ko na rin siya ginising kasi baka pagod pa. Sa huli ay nagluto na lang ako ng simpleng adobong may pinya at nagsaing para pang-agahan. Doon ko na lang din nalamang magaalas-dose na pala kaya nang matapos ay simple akong nag-iwan ng note para kay Ashton kasi gusto ko maligo sa dagat.

Lumabas ako nang may tapis ng twalya sa may bewang at monokini na suot kasi medyo malayo 'tong chalet namin sa dagat at mas lalong wala pang van dito bukod sa chair lift na ayoko rin namang sakyan.

"Ma'am!"

Nilingon ko ang tumawag at nakita si Nigel, ang kahapong nag-offer na ilagay ang pictures ko sa brochure nila.

Nginitian ko siya, "Yes, Nigel? Magandang hapon."

"Magandang hapon po, Ma'am!" Napakamot sa ulo ang banyaga, "Magtatanong lang po sana ako kung gusto niyo ba mag-modelo para sa Glee Sands? Nagustuhan po kasi ni supervisor ang kuha niyo kaya nag-offer 'yung iba na kung maaari ay gawin ka raw model ng isla habang hindi pa pinapalitan ang pangalan nito."

Napaawang ang bibig ko, "May supervisor ang islang 'to? Akala ko secluded island lang 'to para sa mga turistang gusto mamalagi."

Umiling-iling siya, "Ganu'n nga po 'yun apat na taon na ang nakararaan. Nagbago lang dahil may naging kaibigan si Sir Novan na maalam sa pagmamando ng isla. Matalik pa nga po silang magkaibigan kaya rin napagpasyahan ni Sir na palitan na rin ang pangalan ng isla para pumatok din sa ibang gusto mamalagi."

"Oh. Then, can I reject your offer? Never pa kasi ako nag-model." Ngumiti ako.

Bumalatay ang pagkadismaya sa mukha niya. Hinarap niya ako ng may nguso sa mukha, "Ayaw din mag-model 'nung girlfriend ni Sir kasi. Sige na po, Ma'am, para may raise po ako sa sweldo. Bibigyan ka rin po ng pera sabi nila!"

At talagang pinapakonsensya pa ko ng banyagang 'to. Sa huli ay isang iling at buntong-hininga ang sagot ko bago ako pumayag nang magkaroon nga siya ng raise. Mahirap din naman kasi trabaho niya rito at alam kong hindi madali magsideline sa isang isla lang.

Nagpasalamat siya nang marami sa huli bago nagpaalam na ipapakilala niya raw ako kay Supervisor nila mamayang hapon. Ako naman ay tumuloy na lang sa may dagat para magpa-tan at mag-relax.

Naulinigan ko pang parang may pinapalibutan ang iilang turista sa counter kung nasaan ang mga tropical drinks. Nang lingunin ko ay isang lalaking nakatalikod 'yun. Baka isang artistang napunta rito pero hindi ko na lang inalam at nagpatuloy lang para magpahinga sa lounge chairs saglit.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon