beneath our souls

647 17 10
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
FORTY-NINE
beneath our souls
━━━━━━━━━━━━━━━━

I'm almost seven weeks pregnant. I showed symptoms kaya naisip na lang nina Paris na ipacheckup ako to know what should I do.

Pagkatapos nu'n ay nagpaalam na lang ako sakanila na pupunta rito sa isla. Hindi pa sila pumayag 'nung una pero wala na silang may magagawa kasi planado ko nang bumalik dito.

Malamyos ang hangin na dumampi sa balat ko habang naglalakad ako sa dalampasigan ng Glee Sands o kilala na ngayon sa pangalang 'Las Enamorada'. Pinalitan na 'to at the same time na pumunta ako rito sa tulong ni Paris.

Tutok na tutok lang ang mata ko sa hampas ng alon sa dagat at sa asul na langit, pilit inaalam sa sarili ano na nga bang gagawin ko pagkatapos ng lahat ng 'to. Sasabihin ko bang buntis ako? Babalik ba ko sa pagm-manage ng kumpanya gayong buntis ako? Or should I ask for leave and then fly out of the country to hide? What do I do to Gazer?

Wala akong mahitang sagot kaya isang buntong-hininga na lang ang nailabas ko bago ko napagdesisyunang bumalik sa may lounge chair at buksan ang cellphone ko't magliwaliw.

Naalala ko 'yung pinaalam ni Quince 'nung nakaraan kaya binuksan ko ang instagram ko at chineck kung mayroon ba akong dapat makita.

Nag-scroll lang ako nang nag-scroll. Ang dami ko palang followers gayong hindi naman ako nagp-post dito o nags-story. At dahil bored ako, I decided to take a picture kahit wala akong makeup at ang tanging suot ko lang ay isang puting spaghetti sundress.

I took a quick photo in my preferred angles. Dinamihan ko ang pagkuha bago pumili ng nagandahan ko. Hindi ko na inabalang lagyan ng filter kasi hindi ako marunong bago ko 'yun pinost.

For a second there, I didn't expect any reaction since I've been inactive for years. Mula pa noong college ako itong instagram account na 'to kaya halos isang dekada ko na sigurong hindi nabubuksan pero naaalala ko pa naman ang password.

Frankly telling, I don't like social media at all. I don't like publicly posting anything related to my life either. May mga bagay akong gusto kong pribado lang atsaka gusto ko ng tahimik na buhay na malayo sa mga taong nakakasalamuha ko lang behind the screen. After all, only use social media when I want to contact my friends from the outside.

Kaya nagulat ako na sa sandaling nag-post ako ay may nag-like agad nu'n. Hanggang sa dumami nang dumami. In only a span of minutes ay naka-500 hearts na ako. May mga nagcomment pa! Sa kaaliwan ko ay binasa ko 'yun.

@tatakae 3s

wala po ba kayong makeup? holy shet, ang ganda-ganda mo po!

@c4tslovr

hala, ang gandaaaa. pinoy po ba kayo?

@prudenii

Batchmate ko to noon hala! Ang ganda pa rin kahit 30+ na tayo!

@22mien

OMG YOU LOOK LIKE TAYLOR HILL

Natawa ako sa iilang comment. Ang ganda ko raw, ano raw sikreto ko sa kagandahan, bakit ang bata ko pa rin tignan, at bakit sobrang blooming ko. May iilan ding nag-follow pero may isa pang notification na nakapukaw ng pansin ko dahil sa profile picture niya't username.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon