as they recollect

1K 25 12
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER FIVE
as they recollect
━━━━━━━━━━━━━━━━

"I want to get an abortion. I don't want to keep this baby." Aya cried again.

And those are her last words as she fell asleep beside me.

Napangiti na rin ako ng makatulog na siya sa kwarto kung saan namin napagdesisyunang mag-stay muna bago tumakas mula rito sa probinsya.

Mugto ang mata niya at mukhang hindi rin masyadong maayos ang lagay niya kasi pumayat din siya, parang hindi na kumakain. Alam kong nakaapekto talaga sakanya 'yung nangyari kaya nga abot-langit ang galit ko for that man.

Halatang ring ayaw niya talaga dalhin 'yung bata pero hindi sang-ayon si Tito, wala rin siyang kakampi kasi wala na si Tita. Wala ring magagawa parents ko bukod sa pangaralan si Tito kasi alam nilang hindi naman na magbabago isip niya. Nakakainis at nakakairita pero kahit ako ay wala rin namang magagawa bukod sa itakas si Aya.

Napahinga ako nang malalim at napatingin sa relos ko, may limang na oras pa naman bago 'yung susunod na bus papuntang airport kaya may oras pa para maghanda. Need ko munang pagpahingahin si Aya kasi baka mapasama pa siya.

Wala rin naman akong planong matulog kasi baka makatunog sina Tito na pumunta si Aya sa'kin at sundan nila kami rito. Sa totoo lang din ay wala pa rin akong plano once na bumalik kami ro'n sa Manila pero alam kong maaagapan ko siya.

Tumayo ako mula sa kama atsaka hinagilap ang wallet ko, nabuksan ko rin 'yung picture namin nina Mama't Papa noong bata pa ko kaya medyo gumaan din ang pakiramdam ko.

Napatingin ako sa lapad ng ngiti namin at napangiti rin ako dahil do'n.

Medyo kamukha ko rin pala si Mama.

Medyo sirena ang mata ni Mama, maliit din ang ilong niya, at medyo plumpy din lips niya katulad na katulad ng akin. Sakanya ko rin nakuha pagkamorena ko pero morena naman talaga ang mga Tolliedo. Wala naman akong nakuha kay Papa bukod sa wavy niyang buhok siguro. Medyo kulot kasi ako.

'Yung ugali ko naman ay nakuha ko kay Tita Avara kasi siya nag-aalaga sa'min ni Aya noon, mabait kasi si Mama tsaka Papa tapos ako naman, medyo maldita nga raw pero may prinsipyo tsaka morals.

May mga nagsasabi rin na mas kamukha ko pa si Tita Avara pero dahil magkapatid sila ni Mama ay parang normal na lang 'yun sa'kin. Though, it really sounds like a compliment kapag naririnig ko na kamukha ko si Tita kasi likas na maganda talaga siya. Maraming manliligaw nga rin sumubok sakanya pero walang may nanalo kung hindi ang nakakatandang kapatid ng mga Madrigal.

Napaipit ako ng labi bago tinago 'yung larawan sa wallet ko na halos limang libo na lang ang laman, hindi ko alam kung kakasya pa ba 'to pero may pera naman daw sa vault sabi ni ate Vivi kaya 'yun na lang siguro aakuin ko muna.

Pero doon din, namroblema ulit ako kasi pakiramdam ko hindi ko kakayanin 'to pero winagli ko 'yung ideya bago tumayo at lumabas. Sariwang hangin lang din naman 'ata kailangan ko para makapag-isip ako nang tama.

"Still awake?"

"Puta!" I exclaimed in surprise as soon as I opened the door, my eyes went towards that voice and I immediately straightened up when I saw Gazer in his pajamas.

He's wearing a pair of his spectacles as he was looking at me, and he's holding a cup of hot coffee by his hand, too. Seemed like he has works to do before sleeping kaya mabilis akong umayos.

"Don't talk to me." Mataray kong saad bago siya tinalikuran para pumunta sana sa may baybayin pero hindi pa man ako nakakahakbang ay bumalik ulit ako sa pwesto bago siya tinignan sa mata, "By the way, thank you for tending to my wounds. I don't owe you now, do I?"

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Where stories live. Discover now