queries for the other

1.8K 21 27
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER TWENTY-FOUR
queries for the other
━━━━━━━━━━━━━━━━

Pabalik-balik ang lakad ko sa opisina namin ni Gazer habang hinihintay siya. Punong-puno ng kaba ang dibdib ko at sobrang sikip pa huminga.

Alas nwebe na kasi ng gabi pero simula 'nung magwalk-out ako palabas ng conference room ay wala pa ring Gazer na dumating dito. Patay na rin ang iilang ilaw dahil mukhang may main switch 'to sa kung saan, ang tanging liwanag dito sa pwesto ko ay ang ilaw ng buwan.

Sinilip ko rin kanina ang iilang floor 'nung maburyo ako kakahintay at halos mapapalatak ako sa inis nang makitang wala ng tao 'yung mga cubicle, marahil dahil nagsiuwian na ang employees.

Doon na ako kinabahan na baka hindi siya aakyat dito gayong alam niyang sobrang dami kong dapat itanong sakanya patungkol sa ginawa niya at sa pinalabas niya ro'n.

Patay na rin ang phone ko, saktong namatay siya 'nung nag-text ako kay Aya na mal-late ako sa pag-uwi at sa kamalas-malasan pa ay wala akong charger at wala rin akong nahita kahit saan man dito. Hindi ko man lang siya maipadalhan ng text! 

Sobrang delikado ng ginawa niya sa conference room. Una, bukod sa hindi ako nag-invest at hindi ako stockholder ay wala akong pera! 'Pag nalaman 'yun ng mga board members ay tiyak na hindi lang ako ang mapapahamak, maging ang buong kumpanya na 'to kaya nakakainis! Nag-iisip ba siya?!

Pangalawa, pinagmukha niya akong walang alam do'n at kung hindi ko nakita ang note ay baka nawindang lang ako sa harap ng mga makapangyarihan myembro niya.

Pangatlo, ni hindi niya pinaalam sa'kin ano ang plano niya't basta basta nalang niya akong inimbitahan du'n!

Huli, magkano ba ng ininvest ko kuno rito at gano'n na lang ang alala nila?!

I groaned loudly.

Gusto ko siyang sapakin!

Tumunog ang elevator kaya napalingon at napatakbo ako do'n. Hindi magkamayaw ang puso ko sa kaba nang bumukas 'yun at bumungad si Gazer na may...

My eyes widened. 

May kahalikang babae...

Ang kamay niya ay abala sa pagtatanggal ng butones 'nung babae hanggang sa bra na lang ang suot nito. Kulay gatas ang kutis ng babae kaya kitang-kita mula rito kung paano kinuyom ni Gazer ang malaki niyang kamay doon sa dibdib ng babae, which somehow elicited a filthy moan from her while he's kissing her torridly.

Abala silang dalawa habang ako naman ay nakatayo lang du'n at parang sasabog ang pisngi sa init at kaba. 

Nalaglag ang dalawang kamay ko sa magkabilaang gilid. Hindi lang pisngi ko ang sumabog, ramdam kong may kung anong kumirot sa dibdib ko pero hindi ko hinayaang mabuhay 'yun.

Tumayo lang ako ro'n hanggang sa lumipat ang halik ni Gazer sa leeg ng babae. She gave him more access by looking up, her eyes opened - only to meet my eyes midway whilst she's enjoying his kisses.

Her eyes widened. Naitulak niya si Gazer sa gulat habang ang isa naman ay halatang napatiim-bagang sa ginawa niya, ngunit nang mapansin nito ang reaksyon ng babae ay napalingon siya sa'kin. 

Nagtama ang mata namin pero pinalis ko ang kahit anumang reaksyon sa mukha't dibdib ko. Wala siyang emosyon, wala rin ako. Ginawa naming blangko ang lahat at pinakita ang walang pakialam namin sa isa't-isa. Ang pinanatili lang namin ay ang tinginang parang tinatantya namin kung sino ang unang bibitaw ngunit wala.

Nilulukob ako ng poot, unti-unti pero nakakapanlait lalo na't naiisip kong sa kumpanya at opisina namin mismo mangyayari 'to. Ang masaklap pa ay unang araw ko pa lang at ganito agad ang bubungad sa'kin.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon