Dos

72 8 0
                                    

Paiba-iba ako ng pwesto sa kinahihigaan ko. Hindi ako makatulog ng maayos kahit alam ko sa sarili kong tapos ko na ang dapat na gawin na mga school works.

Sumasagi sa aking isipan ang malakapre na height ng lalaking 'yun, hindi ko nga sure kung lalaki ba talaga 'yun. Iba kase ang shape ng shoulder niya. May kalaparan kase ang mga balikat ng mga lalaki sa kaniya hindi. Wala naman sa kilos o pananamit niya na babae siya.

Sino ba 'yun ba't bigla akong na curious? Baka na attract lang ako kase sa height niya.

Madali kase akong humanga sa mga taong matatangkad at natutuon ang atensyon ko agad pangit man o hindi, gaya na lang ni Harvon.

____

"Elly, ba't parang nangingitim na naman 'yang ilalim ng mga mata mo ha? Nagpuyat ka ba kagabi?" rinig kong pagkausap ni kuya sa akin habang sabay-sabay na kaming kumakain'g apat.

Hindi ko pa rin naaalis ang tingin sa pagkain ko kahit nabalik n ako sa wisyo mula sa lalim ng iniisip ko kanina.

"Tignan mo 'tong batang 'to lutang na naman, huy!" pagpukaw ng atensyon ni kuya sa akin matapos alugin ang balikat ko.

Marahan kong nilipat ang tingin sa kaniya. Inaantok ko pa siyang tinignan dahilan para pitikin niya ako sa tainga.

"Aray! Mama si kuya oh! Namimitik!" sumbong ko agad, paniguradong pula na naman niyan 'yung tainga ko. Kung hindi pipingutin ni mama pipitikin naman ni kuya.

Hinanap ko si mama pero mukhang nagsasampay pa yata sa labas. "Papa! si kuya oh!" lipat kong pagsusumbong kay papa na tinawanan lang kami. Puro na lang siya tawa kapag nag-aasaran kaming dalawa ni kuya hindi niya agad ako kinakampihan.

Dumila lang sa akin si kuya na ikinangiwi ko. 25 years old na siya pero isip bata pa rin. "Kinakausap ka kase ng kuya mo, wala ka na naman sa sarili mo. Ayos ka lang ba talaga anak?" tanong ni papa.

Agad akong tumango, ayaw kong mag-alala pa sila sa kalagayan ko sobra na sa akin 'yung lagi nila akong pinoprotektahan.

"Sus sabihin mo lang hindi ka nakatulog dahil si Harvon ang naghatid at sundo sa'yo kahapon" asar naman ni papa na ikinakunot ng nuo ni kuya, napayuko ako agad at pinamulahan.

Bilang lang kase ang oras ni kuya ang pananatili niya dito sa bahay dahil sa trabaho niya kaya hindi niya alam na si Harvon ang naghatid sundo sa akin.

"Ano? bakit 'yung lalaki na 'yun papa? Bakit hindi ikaw naghatid sa kan'ya?" wala pa man nakalukot na agad mukha ni kuya nang silipin ko mukha niya.

Umawang ang labi ni papa at akmang magsasalita na ulit pero hindi natuloy nang magsalita ako "Pa, kumusta nga pala work mo? ayos lang ba?" pag-iiba ko.

"Ayos lang naman anak, iyong anak na lang muna ng kompanya ang in charge sa pagpapatakbo ng kompanya nila" napatango-tango na lang ako.

Seryoso na sana nang pitikin ulit ni kuya ang tainga ko "Aray! kuya masakit!"

"'Wag mong ibahin usapan, ako unang nagtanong kay papa" pakikipagprotesta niya.

Napailing na lang si papa sa aming dalawa, hindi ko ma gets bakit parang ayaw niya si Harvon para sa akin, mabait at masipag naman ang tao. Lagi lang talaga niya akong bantay sarado kahit sa iba kong manliligaw noon kaya ambilis sumuko dahil kay kuya e inaaway niya kapag hindi ako nabantayan ng maayos dahil sa kalampahan ko.

Lagi kase akong nadadapa o kung ano pang aksidente kaya lagi rin niya akong pinagagalitan, daig niya pa si mama. Nakakainis.

Kay Harvon ko lang talaga napansin na mas humigpit siya sa pagprotekta, sa pagkakaalam ko kase kababata ni kuya si Harvon kaya mas matanda rin sa akin ng ilang taon si Harvon.

KIDNAPPED [GxG] Where stories live. Discover now