Once

84 9 1
                                    

Tanging ang pagbuhos ng ulan at kulog ang maririnig sa aming katahimikan. Nanatili siyang nakatitig sa akin, iyon ang tingin niya na para bang kinasusuklaman ako. Hindi ko alam kung kanina pa ba siya nakatayo sa may pintuan bago pa ako magising.

Umawang ng bahagya ang aking labi, tila nagising ng buo ang diwa ko ngunit hindi ako makapagsalita, dahil sa nakita kong bakas ng dugo sa pisngi niya. Mahigpit akong napalunok nang mag-umpisa siyang humakbang papalapit.

Nilibot ko ang mga mata ko sa kan'ya sinusuri kung may dala ba siyang baril o patalim. Wala akong maaninag ng maayos dahil sa dilim at kaunting liwanag mula sa kidlat. Sinusubukan kong umatras sa kinauupuan pero parang hindi ako gumagalaw sa pwesto ko.

Wala na palang espasyo para makaatras pa ako. Hindi maayos ang paglalakad niya, sa bawat hakbang niya ay mapaghahalataan ng lunod na siya sa alak. Lasing na lasing na ni hindi na makatuwid ng lakad. Pagewang-gewang siya kung maglakad habang patuloy nilalagok ang laman ng bote. Wala siyang pakialam kahit ilang beses pa siyang nakatama ng kagamitan, kulang na lang matumba siya sa kalasingan.

Naka-ilang bote na ba siya ng alak para malasing siya ng ganito? Ano na naman bang ganap?

Palapit siya ng palapit at bigla na lang akong napaigik nang muntikan na siyang matumba at madaganan ako, mabuti na lang at nakakapit siya sa kung saan.

Nakaangat ako ng tingin sa kan'ya dahil sa nasa ibabaw ko lang ang uluhan niya, mukhang hirap na siyang makatayo pa. Taranta akong umusog kase nga nasa uluhan ko ang mukha niya may kalapitan ang distansya namin, kaya nababahala ako na baka mamaya ay sukahan niya ako diretso sa mukha.

Sinundan niya ako ng tingin sa pag-urong ko papalayo bago siya matunog na ngumisi. "ah.ah.ah.ah" sinabayan niya ng bilang niyang tawa.

Tumatawa pa rin siya na halos manlambot na ang mga tuhod niya dahilan para mapaupo na siya sa tabi ko. "ah.ah.ah.ah" walang humpay siyang humalakhak hanggang sa hindi ko na matiis na magsalita.

"A-anong nakakatawa?" kabado kong tanong, lalo akong nilalamig nang dumating siya.

Naging dahilan ng pagtatanong ko ang paghinto niya ng pagtawa. Naglaho ang pagkakangisi niya bago ako nilingon muli, kaagad akong nag-iwas ng tingin.

"Finally" aniya, halos hindi na siya kumukurap kung makatingin sa akin. Sa isang salita na iyon ay para bang sinasabi niya na sa wakas ay kinausap ko rin siya.

Teka... 'wag niyang sabihin naglasing siya ngayon kase hindi ko siya kinausap sa nakalipas na isang linggo? Assuming ka Elly, napaka OA na yata no'n ni hindi ka niyan type.

"Huh?" naguguluhan kong saad.

Wala na siyang ibang binanggit, uminom ulit siya mula sa hawak niyang bote. Halos lumuwa ang mga mata ko nang sunod-sunod niya iyong nilunok hanggang sa wala ng natira bago ako napatili nang basta niya na lang ibinato ang bote sa kung saan. Tumalsik ang mga bubog nito. Mabuti't hindi ako natamaan.

Nagulat na lang ako lalo nang umalingawngaw na naman ang tawa niya at ngayon mas lumakas pa ito. Napakaweird niya, aakma na akong pasimple pang uurong upang layuan siya nang mabilis niyang dinakip ang palapulsuhan ko.

Kaagad ko siyang nilingon, tumigil na siya sa pagtawa. "I k illed someone earlier" napamaang ako sa pagbabalita niya na para bang ipis lang ang napatay niya kanina.

"Did you like what you heard?" inosente niya pang pagtatanong na lalo kong ikinatigil.

Sinong abnoy ang matutuwa sa narinig na may nakapatay ng tao? Sino naman'g 'someone' ang tinutukoy niya?

Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa akin pero napakunot ang nuo ko sa sakit nang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Malakas niya akong hinila papalapit sa kan'ya dahilan upang muntikan na akong masubsob sa leeg niya, mabuti at kaagad akong napalayo.

KIDNAPPED [GxG] Where stories live. Discover now