Catorce

76 7 1
                                    

Mabigat ang aking paghinga sa pagpipigil ng hikbi ko. Pinapakita sa harap niya na hindi naman ako umiiyak, tutal madilim naman dito at hindi niya siguro maaaninag ang mukha ko ng maayos.

Hindi ko man matanaw ng maayos ang mukha niya ay ramdam ko naman ang titig niya sa mga mata ko.

"You.." panimula niya.

Naging dahilan upang pigilan ko ang paghikbi ko kahit nahihirapan akong kontrolin iyon maski ang mga luha kong hindi na naman maawat.

Ilang segundo pa ang lumipas at nananatili siyang tahimik. Parang may ibig siyang sabihin ngunit hindi niya maisatinig.

"Stop crying..." pagpatuloy niya, naging rason ng biglaang pagkislot ng puso ko sa hindi ko mawaring dahilan.

Sinong hindi matitigilan sa tono ng boses niya habang sinasabi iyon, may halong lambing. Hindi siya creepy pakinggan, hindi tulad sa pagpapanggap niya na magbait-baitan kapag galit na talaga siya. Ramdam ko ang pagiging malambing niya sa pagbigkas niya pa lang.

Me ganon ba siyang side?

Akala ko ba gusto niya akong nakikitang umiiyak at nahihirapan? Bakit parang....

"You're annoying" dagdag niya pa. Umurong luha ko. Nagbago ang tono niya, para bang iritang-irita na siya sa akin.

Naririnig ba ang pagtatangis ko hanggang sa kwarto niya...?... o nasa labas pa rin siya ng pinto sa silid na ito mula kanina?

Ibinaling ko muli sa kan'ya ang tingin ko nang marahas siyang napabuga ng hininga animo'y de oras mawawalan ng pasensya.

Nagbaba muli ako ng tingin at pinilit ang sari na huwag gumawa ng tunog kahit patuloy sa pag-agos ang mga luha ko, kahit kailan ang hirap kong patahanin daig ko pa ang sanggol.

Para na naman akong tuta na walang kalaban-laban at basta na lang sumusunod dahil wala akong ibang choice. Natatakot na baka magulpi.

"Shut the f uck up" hindi pasigaw iyon, nananatiling mahinahon ang boses niya ngunit may diin sa tono.

Kahit nagpipigil ako ng paghikbi ay maririnig pa rin dahil sa nahihirapan na akong huminga lalo pa't hindi pa rin siya umaalis at nakaawang pa rin ang pinto na binuksan niya. Para bang pinapahatid niya na hindi siya aalis hangga't hindi niya ako nakikitang tumatahan.

"S-sorry" pabulong kong saad, hindi ko alam kung narinig niya ba sa hina at nangunguna kase itong pagsinghot ko dito ng sipon.

Pinunasan ko ang mga luha gamit ang likurang kamay ko na parang batang naligaw sa palengke.

"This motherf ucker gets on my fucking nerves" madiin niyang bulong ngunit naririnig ko pa rin bago siya napabuga muli ng hininga.

Ba't ka pa kase nand'yan kung pwede mo naman akong iwan? Nagsorry na nga ako, galit ka pa rin.

Napanguso akong nakayuko at patuloy na tahimik na lumuluha. Muli lang akong napabaling ng tingin sa pwesto niya nang marinig ko ang pagsarado ng pinto. Inakala ko pang tuluyan na siyang umalis at nilock-an ako ulit nang mamilog ang mga mata ko sa aking namataan.

Pumasok siya bago sinarado ang pinto. Lunok. Pinasadahan ko siya ng tingin mula paa hanggang ulo. Kinabahan ako.

Awtomatiko akong napaatras sa pagkakaupo nang humakbang siya papalapit. Nahinto naman siya saglit nang makita ang reaksyon ko sa paglapit niya, ngunit nagpatuloy siya sa paglalakad palapit ng palapit sa akin nang walang maririnig na tunog ng yapak niya.

Hanggang sa tuluyan siyang makalapit at nagmistula akong parang butiki na nakadikit sa dingding sa takot na baka masampal ulit. Wala pa man siyang ginagawa ay hinahanda ko na ang sariling mga braso upang protektahan ang sariling ulo.

KIDNAPPED [GxG] Where stories live. Discover now