Trece

69 7 1
                                    


Are you really that scared of me?

Paulit-ulit iyong sumasagi sa isip ko at parang paulit-ulit ko ring naririnig ang boses ni A kahit saan ako pumunta. Mahina kong sinapok ang sarili ko para magising na ako, paano kase para akong nananaginip ng gising magmula nang mangyari iyon.

Hindi ko makalimutan ang mukha ni A habang sinasabi niya ang tanong na iyon. 'Yung mukha niya kase.. parang iyon ang ikatlong beses na nakitaan ko siya ng tunay na expression sa mukha niya. Napapansin ko kase na parang sa t'wing may makakaharap na siyang tao ay pinipeke niya expression niya sa mukha.

Nag-aalala ba siya sa'kin?

Napa-iling ako sa tanong ko na iyan sa isip, ayokong lokohin ang sarili ko at napakaimposibleng mangyari iyon. Siya nga ang rason bakit bugbog sarado ang katawan ko at naririto ako sa lugar na ito.

Nanumbalik sa ala-ala ko ang pangyayaring iyon. Matapos niyang hugasan ang sugat ko sa kamay sa araw na iyon ay napanood ko na siyang maigi na ginamot ang sugat ko. Talagang napamaang ako habang pinapanood siya, hindi talaga kapani-paniwala. Kaya napapaisip din ako hanggang ngayon na baka naglu-lucid dreams na ako.

Hanggang ngayon, tinatampal ko pa rin ang pisngi ko, hindi ako makapaniwala na hindi na ako nakakulong sa basement na iyon sa lumipas na dalawang araw. Dalawang araw ko na ring hindi nakikita si A. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ako o talagang may pinagkakaabalahan siya.

Hindi ako nagpaalam sa kan'ya kase hinabilin niya sa akin na sabi niya pwede ko daw gawin ang gusto ko rito except sa hindi niya gusto at alam ko na iyon. Ang tumakas sa lugar na ito.

May isa pa siyang sinabi sa akin noong nakaraang araw sa last naming kita, hindi daw ako allowed pumasok sa mga rooms na nandidito.

Hindi ko talaga alam anong nakain ng babaetang iyon at nahiya pa yata ang anghel sa langit sa pagkaubod niya ng bait ngayon. Lalo akong kinakabahan sa kan'ya.

Hindi ako pwedeng matulog sa kahit saang kwarto dito kaya natutulog na lang ako sa sala ng walang kumot, pero at least malambot na ang tinutulugan ko na sofa, wala nga lang unan.

Napapaisip na naman ako, kung saan-saan na talaga umaabot ang isip ko. Kung hindi ako pwedeng pumasok sa mga rooms dito.. bakit pinatulog niya ako n'on sa kwarto niya?

Ilang beses na akong napapailing upang matigil na kakaisip. Kapag wala akong ginagawa ay nagtutulala na lang ako bigla saka mag-o-overthink sa mga nangyari.

Oo, wala akong ibang ginawa dito kundi tumunganga. 7am pa lang at kagigising ko lang. 2 hours lang yata ang tulog ko magmula kagabi, hindi talaga ako makatulog.

Magmula nang makidnap ako, hindi na maayos ang sleeping schedule ko. Well, hindi naman talaga ako nakakatulog ng maayos sa school pa lang pero lumala lang ngayon kahit wala na akong ginagawa at wala ng nang-iistorbo sa tulog ko.

Nananatili akong nakahiga dito sa couch sa napakalaking sala niya. May tv naman pero walang magandang palabas ang boring. Naisipan ko ng bumangon at dumiretso patungong kusina na para bang pag-aari ko lang ang bahay na ito, feel at home kase wala si A. Dalawang araw ba namang ang lumipas at hindi pa rin siya nagpapakita, mas mabuti na iyon.

Hindi ko pa balak tumakas dito, naghahanap pa ako ng magandang timing upang makatakas at makita ko na ang pamilya ko. Mukhang hindi pa ngayon ang tamang oras para makalabas, baka kase mamaya palabas lang ito ni A at isa ito sa mga patibong niya. Sa ngayon ay sasakyan ko muna siya.

Kinatok ko lang itong napakalaking ref niya at awtomatiko itong bumukas, maski ang pagsindi ng ilaw dito matik na rin bumubukas gamit ang boses.

Puno na ng laman ang ref mukhang kagogrocery lang.

KIDNAPPED [GxG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon