Nueve

63 7 0
                                    

Hindi ko na alam kung anong uunahin, ang pagluha o ang pagtakbo. Nakakasagabal kase ang pagluha ko, nagiging malabo ang nakikita ko at hindi na ako makapag-isip ng maayos.

Humahagibis sa pagtakbo na parang wala ng katapusan. Bukod sa pakiramdam ko ay may naghahabol na sa akin ay habol ko rin ang aking paghinga. Dumodoble na ang aking paningin, nilalabanan ko na huwag akong mahimatay.

Luminga-linga ako sa bawat direksyon na aking madadaanan, pinapamiliar ko ang bawat daan. May hinahanap akong isang bagay hanggang sa tuluyan ko itong matagpuan.

Ang telepono.

Umaliwalas ang aking mukha nang tumama ang aking paningin doon. Nagmamadali akong lumapit sa mesa kung saan nakapatong iyon bago nagtutuplok sa mga numero. Emergency number agad ang tinawagan ko at hindi sa myembro ng aking pamilya kase baka madamay pa sila dito, ayaw kong mangyari iyon.

Mali-mali pa yata ang napipindot kong number sa sobrang panginginig ng kamay ko isa pa wala pa ring sumasagot sa tawag, ni hindi ito nagri-ring.

Hindi ba ito gumagana? Ano 'to display lang?

Binabaligtad-baligtad ko na ito, hinanap ko rin asan ang battery o saksakan nito.

Wala namang saksakan. De baterya lang. Binuksan ko ang lalagyanan ng battery nito at natakitang walang battery?

"I knew it" nahagip ko ang aking hininga nang may boses na nagsalita sa likuran ko, ramdam ko ang malaking rebulto niya at mukhang malapit siya sa akin.

Naririnig ko ang nanginginig kong paghinga kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng aking luha. Katapusan ko na.

Hinarap ko siya agad sabay tutok sa kan'ya nitong hawak ko. Nagbaba siya ng tingin doon, akala ko matalim na bagay ang hawak ko, telepono pala.

"What? You want me to call the police?" hindi ko alam kung nagbibiro pa ba siya sa mga oras na ito habang ako luhaan na, nginingisihan niya lang ako.

Mukha kase akong nag-aabot lang ng telepono habang marahan pang napaatras palayo. "P-Please... " pagmamakaawa ko. Lumalakas na ang paghikbi ko.

Hindi naman siya gumagalaw sa pagkakatayo niya pero hindi ako napapanatag kahit pa nakakalayo na ako sa kan'ya sa pag-atras ko, dahil alam kong malakidlat sa bilis ang bawat kilos niya.

Sa isang kisip-mata baka gumugulong na ngayon ang ulo ko sa sahig. Nakapamulsa lang ang mga kamay niya, animo'y walang nararamdaman na sakit sa katawan matapos kong sipain kanina ang tama niya.

Alam kong hindi siya titigil hangga't walang dumadanak na dugo ko, gano'n siya kahayop. Ang halimaw na laging laman ng balita, mukhang ako pa lang yata ang natitirang buhay na alam ang tunay niyang mukha.

May sumagi sa isip ko, naalala kong nawala si A kanina habang nagluluto ako. Naisip ko na baka siya ang may pakana kung bakit walang battery ito.

Ganon ba talaga siya kalakas makasense para malaman niyang kanina pa ako may balak gamitin ang telepono?

"No one will save you here" saad niya na parang pinapaalala nito bago humakbang. Awtomatiko akong umatras pa at napapakapit sa kung saan.

Kung sakaling may aksidenteng napadpad sa lugar na ito na kabilang sa grupo ng mga polisya o tagimbestiga, kailangan maghabilin ako ng fingerprints dito o ano pang palatandaan na nadidito ako sa teritoryo ni A.

"No matter what you do, you'll never gonna escape this sullen mansion..." patuloy niya.

"not until I let you flee.." note the sarcasm.

"This hellish place is untraceable" sa huli niyang binanggit ay naging dahilan iyon upang tuluyan akong mawalan ng pag-asa. Ibinaba ko na ang hawak na telepono.

KIDNAPPED [GxG] जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें