Diez

72 8 0
                                    

"Talkative..." banas niya.

Nanlalaki ang mga mata kong napakurap ng ilang beses bago nagbaba ng tingin. Hindi maabsorba ng utak ko, hindi talaga ako makapaniwala na magagawa pa akong gamutin ni A, puno rin kase ng bandage ang ilan sa mga sugat at pasa ko, nabawasan rin ang pamamaga ng ilan at mukhang nalinisan na.

Anong nakain niya?... Ba't marunong siyang manggamot sa malalang sugat? Sanay na ba siyang gamutin ang sarili niya kaya niya nagawa sa akin 'to?

Kung saan-saan na lumilipad ang isip ko. Naalala ko ang bala na tumama sa kan'ya. Hindi pwedeng magtagal ang bala sa loob ng katawan niya. Napaka-imposible na lang talaga kung kaya niyang operahan ang sarili kase baka kapag nagpagamot pa siya sa doktor ay makilala ang tinatago niyang lihim sa kan'yang pagkatao.

O baka naman talaga, may kasabwat siya sa t'wing gagawa siya ng krimen.

Baka panaginip lang talaga 'to. Tama, panaginip lang nga ito, Elly! Napaka imposible pagkatapos niya akong gulpihin, pahirapan at paiyakin... Ito lang din naman ang gagawin niya? Ano bang trip niya sa buhay at nadadamay ako?

Pinilit ko ring burahin sa ala-ala ang nangyari kanina pati ang pag-o-overthink ko na. Masyado lang yata siguro akong nadala sa panaginip ko na iyon at aksidente ko lang siyang nayakap ng ganon!

Mas lalo akong nakaramdam ng hiya sa mga pinagsasabi ko kanina. Hindi lang hiya ang naramdaman ko kundi sa takot na madamay pa ang pamilya ko dahil sa binanggit ko sila, lalo na si Harvon na napatanong pa siya kung sino daw si Harvon.

"S-sorry... hindi ko talaga sinas-sadya. Sorry s-sa mga pinagsasabi ko, n-napagkamalan lang kita.." sunod-sunod akong nautal sa pagsasalita.

Umiinit ang mukha ko, paniguradong sasabihin niya na naman na nagbablush ako kaya nakayuko na ako agad. Wala na akong sinabi kase baka mairita na siya, maiksi pa naman ang pisi.

Parang gusto ko ng lumubog sa kinauupuan dahil kahit hindi ko tignan ay nagbaba ang tingin niya sa suot ko nang ayusin ko ito na para bang kulang ang saplot ko. Feel ko kase wala akong bra tapos naka boxershort lang sa panloob habang black na polo itong suot ko sa panlabas.

Binihisan niya ako?...

Napatakip ako sa sarili kong katawan. "What are you hiding? There's nothing there" kaagad niyang napansin ang kilos ko na iyon at para bang nababasa na ang isip ko.

Kaagad napataas ang kilay ko nang hindi ko sinasadyang malditahan siya ng tingin, parang saglit kong nakalimutan kung sino ang nasa harap ko.

"I've seen it all" saad niya na ikinatigil ko, parang binawi niya pa ang sinabi niya. Ngumisi siya ng nakaloloko, umawang ng bahagya ang labi ko.

Sumagi sa isip ko na pinunit niya nga pala ang damit ko noon kaya pinagpyestahan ako ng mga insekto at muntikang... magahasa. Pero hindi naman literal na hubad na ako nung time na iyon, may suot pa rin akong sira na bra at panty para sabihin niyang nahita niya na lahat ng dapat itago sa katawan.

Halos lumuwa na ang eyeballs ko sa naisip. Posibleng hinubaran niya ako ng tuluyan habang ginagamot ako.

A-ano naman kung ganon, Elly?... Pareho naman kayong babae... pero bakit pakiramdam ko napaka illegal ng ginawa niya... Dahil ba sa alam kong lesbian siya?..

Napapaoverthink tuloy ako sa sinabi niya. Ako na nagaral ng nursing, hindi naman siguro kailangan alisin ang undergarments ng isang pasyente maliban na lang kung kailangan talaga.

Eh wala naman akong sugat doon para hubaran niya talaga ako ng buo!

H-hindi kaya...

Napahigpit ang yakap ko sa sarili.

KIDNAPPED [GxG] Kde žijí příběhy. Začni objevovat