Veinte

52 3 0
                                    

"Why did you kill tita Denise?" garalgal ang boses kong tanong sa kan'ya.

Nangunot ang kan'yang nuo. Mukha siyang naguguluhan. Binigyan ako ng nagtatanong na tingin, nangangapa sa itutugon. Sinusuri ko ang reaksyon niya, salungat sa inaasahan ko. Inaasahan ko kaseng wala siyang ipapakitang emosyon, magiging cold, ngunit taliwas iyon sa nakikita ko ngayon.

"Who?" taka niyang pabalik na tanong.

Hindi ko mawari kung anong magiging reaksyon ko sa isinagot niya, umakto siya na parang walang alam sa pinagsasabi ko.

Bigla akong napaisip.

May nabanggit ba si mama tungkol sa pagkamatay ni Tita Denise?

Dakila nga pala akong chismosa pero hindi ako updated sa pagkamatay ng best friend ni mama. Tsaka sa pagkakaalam ko ay hindi ko naitanong kung anong ikinamatay ni tita, kung may sakit ba siya o nabiktima ni A.

Para kaseng pinaslang si tita Denise base lang naman sa reaksyon ni mama nong late akong umuwi.

Kahit mukha siyang walang alam sa pinagsasabi ko ay pinangingiliran pa rin ako ng mga luha sa naalala. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang wala na si tita Denise at kaharap ko lang naman ang kumitil sa kan'yang buhay.

Ang bait-bait ni tita Denise, para ko na rin siyang pangalawang ina. Ganoon na nga siguro kapag mabait, mabilis kunin ni Lord, char lang.

Humakbang papalapit si A, siya namang pag-atras ko. Nahinto siya sa kinatatayuan bago ako pinagmasdan, nagbaba ako ng tingin sa mga paa ko. Napaangat lang muli ako ng tingin sa kan'ya nang may i abot siya sa akin. Panyo, iyon na naman ang panyo niyang mamahalin ang tatak, nakakahiyang dumihan.

Nagdadalawang isip pa akong tanggapin iyon, kataka-taka kase ang kabaitan niya, parang napipilitan lang.

Hanggang sa ako ang natigilan nang kunin niya ang kamay ko at maingat na inilapag iyon sa aking palad. Sinenyasan na gamitin iyon.

Pinunasan ko na lang ang luha ko, yun lang, nakakahiya pa singahan 'yon ng sipon.

Wala na siyang imik matapos ko siyang tanungin about kang tita Denise. Pinagmasdan niya lang ako, kanina niya pa ako pinapanood na para bang ang lalim ng iniisip, ang hirap talagang basahin kung anong tumatakbo sa isip niya, napaka misteryoso.

Tumikhim ako nang tumahan na "May kinalaman ka ba sa pagkamatay ni tita Denise?" panunumbalik ko sa tanong na hindi niya nasagot kanina.

Diretso lang siya nakatingin sa akin. Wala akong nababasang reaksyon maski sagot sa mga mata niya. Napaka blanko niya tignan. Nanatili siyang nakapamulsa.

Napapatanong rin ako sa sarili kung bakit walang litrato ni tita Denise ang nakakabit sa board, kung saan mga pictures na naging target ni A.

Hindi man gaanong napagmasdan ang mga pictures ay nakakasiguro akong walang larawan ni tita Denise ang napabilang doon. Ang sakit sa ulo!

So, anong kinamatay ni tita?

o baka naman parte lang ito ng plano ni A. Baka sinadya niya rin na iwan ako para madali akong makapasok sa hidden place na iyon. Sa talino ba naman ng isang 'to, hindi na ako magtataka na may rason ang lahat magmula nong makatapak ako rito sa teritoryo niya.


Nabalik ako sa wisyo nang mapansin kong wala na siya sa harap ko, ang lalim na pala ng iniisip ko. Nagpalinga-linga ako ng tingin hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa kinauupuan niya ngayon. Nakapandekwatro, napakachill niya tignan matapos ko siyang akusahan na pinatay niya si tita Denise, pinapakita na ganoon siya ka walang pakialam, parang nasanay na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KIDNAPPED [GxG] Where stories live. Discover now