Diecisiete

130 8 4
                                    

Wala sa sarili ko lang pinaglalaruan ang kutsara na hawak ko. Tulala sa pinggan'g nakalapag sa hapagkainan.

Katatapos ko lang maligo kanina at nakabihis na rin ng maayos na pananamit. Simpleng maluwag na tshirt at sweatpants.

Gumising ako kanina na wala siya sa tabi ko. Imposibleng panaginip lang ang nangyari kagabi kase pagmulat ng mga mata ko ay sa kama ako nakahiga at hindi sa sofa. Nakakumot pa ako ng maayos habang yakap ang malaking unan niya.

Pagbaba ko ngayon dito sa Dining room ay nakaamoy agad ako ng nakakagutom na niluluto ni A. Hindi lang isang putahe kaya siguro natagalan siya sa kusina.

Nagdadalawang-isip nga ako kanina na tulungan siyang magluto kaso baka uminit pa ulo niya sa kalampahan ko at mang-insulto na hindi ako marunong magluto. Kaya naisip ko na lang na manatili dito tutal iyon lang din naman ang sabi niya sakin kanina.

Kanina pa kumakalam ang tiyan ko magmula nang bumaba ako rito. Nakakatakam na kase ang amoy ng niluluto niya. Hindi ko alam kung bakit unti-unti na akong nagiging komportable sa pagkain na niluluto niya.

Wala rin namang kataka-taka sa mga kinikilos niya. Wala rin akong kakaibang nararamdaman matapos kong kainin o inumin ang mga inaalok niya sa akin. Kase sa mga napapanood ko sa mga palabas, kadalasan sa mga nabibiktima ay nakakainom sila ng sleeping pills, pero iba 'yung sakin, hirap pa rin makatulog.

Nabalik ako sa ulirat nang sumulpot ang presensya niya sa harap ko naglapag ng isang malaking mangkok, puno iyon ng masarap na ulam na hindi ko pa natitikman. Kakaiba talaga ang mga pagkain ng mga mayayaman. Wala na akong balak alamin kung anong pangalan ng pagkain na ito. Ganon naman ako palagi, diretso kain at hindi na tinatanong kung anong pangalan ng pagkain. Wala akong pili kahit pa allergy na ako.

Hindi ko maiwasang makafeel ng awkward, sumagi kase bigla sa ala-ala ko ang tungkol kagabi. Hanggang ngayon ay naninibago rin ako sa inaasta niya. Kahit bumait siya bigla ay hindi dapat ako magpadala, baka mamaya isa lang ito sa mga patibong niya.

Nagmistula akong mannequin sa kinauupuan ko. Hindi ako makagalaw at pinagpapawisan ako, daig ko pa yata ang natatae na nagugutom. Ewan, hindi ko maintindihan ang sarili ko kapag alam kong naririto ang presensya niya, hindi ako mapakali.

Urong-sulong na naman ako kung tutulungan ko ba siyang ilipat ang mga niluluto niya. Tumingala ako, hindi naman siya nakatingin. Abala siya sa pag-aayos ng mga pagkain.

Sinilip ko ang kusina kung meron pa ba siyang kukunin sa loob, mukhang madami-dami pa iyon, hindi na ako magtataka kung maaga siyang gumising para magluto. Hindi ko alam may oras pa pala siya para sa mga ganito e pansin ko napakabusy niya palagi.

Paglingat ko ng tingin sa kan'ya ay siya namang paglingon niya. Nahagip ko ang aking hininga at kaagad napaiwas ng tingin.

"What?" panimula niya. Hindi ko alam ba't nagagandahan ako sa boses niya ngayon e isang salita lang naman ang sinabi niya.

"Need help?" napakagat ako sa sariling labi nang hindi ko napigilang sabihin 'yon.

Sumalimpat ako ng tingin sa kan'ya, kita ko ang pagkatigil niya sandali sa paglapag ng serving spoon. "What do you think?" balik niya namang tanong sa akin, napakamot batok na lang tuloy ako. Kahit kailan ang hirap niyang intindihin.

Nilapag ko ang kutsara kong nilalaro kanina bago tumayo sa kinauupuan at aakma ng pupunta sa may kusina nang harangan niya agad ako. Nag-angat ako ng tingin, nangunot naman ang nuo niyang nagbaba ng tingin sa akin.

"Where the hell are you going?/Where the hell are you going?" sabay naming sambit na ikinataas ng parehong kilay niya.

Natawa ako sa isip kase nahulaan ko ang sasabihin niya, ang babaw naman ng kaligayahan ko. Napaismid siya sa narinig.

KIDNAPPED [GxG] Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu