Tres

80 8 0
                                    

Nanindig ang mga balahibo ko sa balat sa oras na narinig ko ang paraan ng kan'yang pagtawa. Gamit ng kaunting liwanag na pumapasok dito ay kitang-kita ko kung paano umikot ang dila niya sa loob ng bibig na parang hinahabaan ang pasensya, salungat naman iyon sa pagngisi niya.

Nag-uunahan na ang mga luha ko at hindi na ako nakakilos nang ganoon kabilis ang kilos niyang naglakad sa gawi ko at ang pagbukas ng kurtina kung saan ako nagtatago. Nanginginig ang kalamnan ko bago dahan-dahang nagtaas ng tingin sa kan'ya.

Kahit hindi ko na kayang igalaw ang sariling katawan sa takot na nararamdaman ay mabilis din akong kumaripas ng takbo, ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nang nahuli niya agad ang aking buhok at mabilis na binalibag sa sahig.

"Wrong move" wika niya na nagpapigil ng aking ginahawa.

"Ah!" napasigaw na naman ako nang sabunutan niya ako muli kahit hindi pa man ako nakakatayo sa pagkakasalampak ko sa sahig.

Mangiyak-ngiyak akong tinignan siya nang ilapit niya ang mukha sa akin upang silipin ako sa pagkakasabunot niya.

"ah.ah.ah.ah" Ngumisi na naman siya ng nakakaloko at iyon na naman ang tawa niyang pahinto-hinto pero tuloy-tuloy, mabibilang lang din sa daliri.

"P-parang awa mo na.. Pakawalan mo ako" hagulgol ko. Nagmamakaawa.

Ngumiti siya sa akin, akala ko madadala na siya sa pagmamakaawa ko pero nagsisisigaw ako at walang awat na umiiyak nang kaladkadin niya ako habang hawak niya pa rin ang buhok ko. Nakabulsa pa ang isa niyang kamay.

Hinahampas ko ang kamay niya at pilit inaalis ang pagkakasabunot sa akin ngunit napakalakas niya. Pinanghihinaan ako sa halo-halo kong emosyon sa mga oras na ito. Nasusubsob ako sa malamig na sahig sa pagkakaladkad niya.

Para akong hayop na inaalipusta at basta na lang binabalibag. Hanggang sa pabalya niya akong pinakawalan na. Lalo kong naramdaman ang sakit ng ulo at anit ko, ramdam ko ang pagkatanggal ng ilang hibla ng mga buhok ko at nasa kamay niya iyon.

"Please po 'wag... Gagawin ko lahat 'wag niyo lang po akong patayin, maawa ka"

Kinikiskis ko ang aking mga palad kasabay nang pagsalukap ko sa aking mga daliri na parang nagdadasal. Lumuhod na ako sa harap niya.

She looked like the daughter of Satan because of her aura when she looked down at me. She doesn't even have a double chin; she has a sculpted jawline.

Damn, kahit sinasaktan na ako bakit nagawa ko pang purihin ang appearance niya!? Isa pa ba't ako napapa-english na naman!?

Nanginginig ang mga labi kong sinundan siya ng tingin matapos niyang ipagpantay muli ang mukha namin. Ramdam ko ang init ng kan'yang hininga. Nagtiim ang kaniyang bagang, natigilan ako nang mabilisan siyang umiiling sa iisang side lang habang ang mga mata ay nanatiling nakatutok sa akin.

Parang katulad sa ginagawa ni the sacred riana sa America's Got Talent 'yung nanginginig ang ulo niya. Hindi naman nagtagal 'yun pero kasunod no'n ang ginawa niya na ikinagitla ko.

She slapped my beautiful face!

Feel ko bumaligtad mukha ko papuntang likod sa lakas ng pagkakasampal niya, naalog mundo ko. Naging dahilan iyon upang masubsob na naman ako sa sahig.

Nagsquat siya sa harap ko habang malayang nakapatong ang mga siko sa mga tuhod niya at napakalamig akong tinignan pailalim. Iyon na nan ang pakiramdam na para akong maiihi sa tingin niya palang na parang binabalatan na ako ng buhay.

"Did you miss me?" tanong niya na ikinagulo ng utak ko.

Kilala ko ba siya?

Hindi ako nakakibo. Wala akong nagawa kundi tignan siya ng may nagmamakaawang tingin at patuloy sa paghikbi. Ngumisi na naman siya bago tumawa ng nabibilang sa daliri.

KIDNAPPED [GxG] Where stories live. Discover now