Cinco

61 7 0
                                    

Panay ang takbo ko hanggang sa tuluyan akong makalayo sa bahay kubo na iyon. Ilang beses akong nadarapa. Kahit hindi ko naman makitang sumusunod siya sa akin ay pakiramdam ko hindi niya inaalis ang tingin sa akin kahit nakalayo na ako.

Pakiramdam ko rin ay paulit-ulit niya'ng tinatawag ang pangalan ko. May kung ano sa aking nagsasabi na mali yata ang pagsabi ko sa babaeng iyon ang aking tunay na pangalan. Nakakapraning sa dami ng iniisip ko.

Tiniis ko ang sakit ng aking mga paa. Ito 'yung feeling na tumatakbo ka pero feel mo rin hindi ka umaalis sa iisang lugar lang.

Parang nangyari na ito sa panaginip ko ah?

Malagubat rin ang paligid. Tahimik, madilim at mapuno, ni hindi ko na naisip kung gaano kadelikado ang lugar na ito gayong gabi pa naman.

Hindi pa rin maawat ang mga luha kong nagtatatakbo, hindi ko alam kung saan na ako nakarating. Ang tanging nasa isip ko lang ay makita ko ang pamilya ko. Para akong batang naliligaw at hindi alam kung saan papatungo, nawala sa isip ko ang pagmemoryado ko ng dinaanan namin.

Hindi ako makasigaw ng tulong, kase baka isa 'yun sa dahilan para malaman ng babae'ng iyon kung nasaan ako ngayon.

Naghahalong galak at takot ang naramdaman ko habang patuloy ako sa pagtakbo. Masakit ang mga paa ko ngunit, balewala na lang iyon sa akin sa mga oras na ito.

London Bridge is falling down,

Falling down,

falling down,

Nahinto ako sa pagtakbo at natalisod sa nakaharang na bato dahilan para muli na naman akong madapa. Narinig ako ng grupo ng mga kalalakihan na kumakanta ng nursery rhyme.

London Bridge is falling down,

My fair Lady.-

Pag-angat ko ng tingin ay siyang pagkatigil nilang apat. Apat na lasing na lalaki ang nasa harap ko. Gamit ang mga nakatali kong mga kamay ay binuhat ko ang sarili patayo.

"Mga manong, t-tulungan n'yo po ako... Please, kinidnap po ako.. N-nakatakas lang ho ako, parang awa niyo na. Tulungan niyo po ako"

Kaagad akong napaluhod sa harap nila at pinagsalikop ang mga daliri ko sa kamay. Humahagulgol pa rin ako habang paulit-ulit sinasabi iyon. Wala silang imik, mukhang nagugulat pa sila sa kanilang nakikita at naririnig.

Ilang minuto akong kinakausap sila pero doon ko sila maayos na inobserbahan. Nagbaba ang tingin ko sa sarili, suot ko pa rin ang sira kong isang strap ng bra at naka panty lang din. Sa katawan ko sila nakatingin, nanumbalik ang nararamdaman kong takot.

"Ah ganoon ba iyon miss? Halika tulungan ka na namin. Hayaan mo at dadalhin ka namin sa presinto para sila na bahala tumulong sa'yo" gumaan naman ang pakiramdam ko at umaliwalas ang mukha sa narinig.

Hindi ko alam saan pa ako nakakuha ng lakas para masiglang tumayo na. Sa kanilang apat, isang lalaki ang lumapit sa akin upang alalayan ako saka tinanggal ang tali sa aking kamay. Nakakailang lang dahil kailangan ko pang takpan ang sarili dahil pakiramdam ko titig na titig sila sa akin, hindi man lang ako inalukan ng pansamantalang masusuot.

"Gusto mo ba buhatin na kita?" tanong ng ikalawang lalaki sa akin na may mapupungay ang mga matang nakatingin sa akin.

Amoy na amoy ko ang tapang ng alcohol sa kanila. Napansin niya sigurong hindi ko nailalakad ng maayos ang mga paa ko. Kaagad akong umiling, sapat na sa aking alalayan nila ako. Nakakahiya na kung may magbubuhat pa sa akin.

Isa pa, parang mula kanina ay iba na ang kutob ko. Hindi lang dahil sa hindi ko pa nakikitang nakasunod ang babaeng iyon, kundi sa presensya ng apat na lalaking lasing na todo makalapit sa akin. Nadagdagan tuloy ang pagkailang ko.

KIDNAPPED [GxG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon