Cuatro

71 7 0
                                    

Mga huni ng mga ibon ang nagmistula kong alarm clock. Lalo akong bumaluktot sa pagkakahiga nang maramdaman muli ang panlalamig.

Hindi ko pa tuluyang nabubuksan ang aking mga mata nang isang basa at malamig na bagay ang tumama sa aking balat. Napabalikwas ako ng bangon dahilan para maumpog ako sa kung saan.

Uubo-ubo akong nililibot ang paningin. Maliwanag na ang paligid at may araw na rin, ngunit nilalamig pa rin ako. Inayos ko ang mga buhok kong tumatakip sa aking mukha at basa na ngayon. Napaatras ako ng makita ko muli siya, kahit wala na akong maaatrasan nang maalala kong nakakulong pala ako sa hawla ng walang saplot.

Naka squat siya sa harap ko. Napalunok ako at nagising ang inaantok ko pang diwa kanina. Pilit kong tinatakpan ang sarili nang unti-unting naglibot ang paningin niya sa katawan ko paibaba sa may paanan ko bago muling ang paningin sa mga mata ko.

Bago pa man magtama ang aming paningin ay kaagad na akong dumuko sa sarili kong katawan. Napuno ako ng kagat ng mga insekto at mga sugat mula sa mga kalmot niya kanina. May kaunti akong mga pasa at sugat na naman, sa pagkaladkad niya siguro ito at paulit-ulit akong nadadapa pati na rin sa mahigpit niyang pagkakagawak sa akin. Kita ko rin ang marka sa pagpaso niya sa akin ng sigarilyo.

Mas lalo kong naramdaman ngayon kung gaano kahapdi ang isang side ng mukha ko sa pagpapaulan niya ng sampal sa akin kaninang madaling araw.

Lalo kong isinuksok ang sarili ko nang  simulan niya ng buksan ang ang hawla. Marami siyang susi na bitbit sa iisang lagayan niyon na pabilog. Wala pa man siyang ginagawa ay pinangungunahan na naman ako ng takot sa kan'yang presensya.

Parang sa tuwing tatama ang paningin niya sa akin ay nagbibigay siya ng senyales para tumakbo na ako.

"H-huwag po... m-maawa ka-" kaagad ko ng pagpupumiglas nang tuluyan niyang mabuksan iyon at pilit akong hinihila palabas matapos rin tanggalin ang pagkakasukbit ng mga nakatali sa akin muka sa hawla.

Mukhang naubos agad ang pasensya niya kaya napalakas ang pagkakahila niya sa akin. Ikinagulat ko ang sunod na nangyari, mukhang hindi lang ako ang nabigla. Napanood ko kung paano nanlaki ang mga mata niya nang aksidente akong nasubsob sa itaas niya. Namudmod pa ang ngusto ko sa leeg niya.

Nagkatinginan kami ng ilang segundo, nadagdagan ang kaba ko kase baka lalo ko siyang nagalit. Ang pangit pa ng posisyon ko kase nakabukaka ako napapatong sa ibabaw niya. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam din ako ng hiya gayong pareho naman kaming babae.

"S-sorry po, I-" hindi niya na ako pinatapos nang marahas niya akong itulak.

Kaagad akong napasalampak sa madamong lupa. Muli niya akong hinawakan sa braso at napangiwi ako sa higpit ng pagkakahawak niya. Nakatali pa rin ang mga paa at kamay ko kaya nagmukha akong tipaklong na tatalon-talon.

Hanggang sa muli niyang binuksan ang pintuan sa bahay kubo. Marami pa kaming nilakaran bago niya ako dinala sa isang kwarto na bago sa aking paningin. Hindi ito ang unang kwarto kung saan niya ako itinali paitaas. Mas maliit at mas masikip ito, wala akong mga butas na nakikita sa kawayan na hunahaligi dahil nakatakip ang bawat sulok ng makakapal na kurtina. Walang pumapasok na liwanag.

Napadaing ako sa sobrang sakit na ng katawan ko, binitawan niya na kase ako at wala pa ako sa balanse ko kaya diretso akong nasubsob na naman sa sahig na magaspang at maalikabok, parang may lamok din dito.

Basa na nga ako't walang matinong suot, mukhang magkaka-dengue pa yata ako. Iyon na naman ang pa squat posisyon niyang pagkakaupo iyong hindi dumidikit ang pang-upo niya sa sahig nang pantayan ako. Kahit pinantayan niya ako ay napakatangkad niya pa rin, nakatingala pa rin ako ng tingin sa kaniya.

"Did you enjoy your punishment?"

Sino'ng gago ang matutuwa kapag naparusahan?

Nagbaba na lamang ako ng tingin sa mga nakasarado kong mga hita. Mukhang nasiyahan pa siya sa reaksyon ko dahil iyon na naman ang tawa niyang bilang sa daliri. Wala na siyang sinabi at tumayo na.

KIDNAPPED [GxG] Where stories live. Discover now