Quince

66 7 0
                                    

Pikitmata kong pinapakiramdaman ang mainit na hininga niyang dumadampi sa labi ko. Hininga niya pa lang ay parang nanlalambot na ang mga tuhod ko.

Ano na Elly!? Anong nangyayari sa'yo!

Ilang segundo ang lumipas ng nakakaramdam na ako ng pangangawit sa pagkakaupo ko rito. Segundo lang naman ang tinagal pero parang pakiramdam ko ay oras na kaming nananatili sa ganoong posisyon.

Lalo akong naistatwa nang marinig ko ang pagpipigil niya ng tawa hanggang sa tuluyan ko ng idilat ang aking mga mata.

Ang laki ng nakalolokong ngisi niya. Pinagtitripan na naman ako!

Talagang wala na siyang matinong magawa sa buhay at dinadamay ako sa mga kalokohan niya!?

Ilang segundo pa nagtagal ang pagpipigil niya ng tawa hanggang sa tuluyan na siyang humagikhik sa pagtawa. Napahawak pa sa tiyan niya.

"ah.ah.ah.ah" hindi ko alam kung totoong tawa niya ba 'yan, sa lahat ng mga tumatawa siya ang nakakairitang pakinggan. Nakakainsulto tawa niya ah!

Hindi ako nagdalawang-isip na pagkunutan siya ng nuo sabay salubong ng mga kilay ko. Halos walang kurap ko siyang tinitigan hanggang sa mahinto siya sa

Patuloy ko siyang pinagmamasdan, talagang tawang-tawa siya sa katarantaduhan niya hanggang sa atakihin siya ng tics niya. Hindi naman malala ang tics niya ngayon.

Marahas akong napabuga ng hininga, hindi talaga ako umimik at cold lang siyang tinignan. Hindi ko alam ba't napahiya ako sa ginawa niya na dapat ay matuwa pa ako kase hindi niya tinuloy.

Patuloy na gumigilid ang leeg niya sa tuwing nakokontrol siya ng tics niya. Sa pagkakaalam ko sa mga taong may TS ay sa oras na kontrolin o pigilan nila ang tics nila ay mas masakit iyon kaysa sa hayaan nila ang tics nila na kontrolin sila.

Kaya napapaisip ako kung minsan ay aksidente ba siyang nakakapatay ng tao dahil sa nakokontrol siya ng tics niya kapag lumalala ito. Nag-o-overthink na naman ang lola niyo.

Hindi ko na lamang siya pinagtuonan ng pansin at kusa ng tumayo upang layuan siya, baka totohanin niya na ang ginawa kanina kapag may nasabi pa akong hindi niya magugustuhan. Ang taray noh? Siya na nga 'tong may atraso, ako pa tong laging nag-aadjust para 'di siya magalit. Nakakapraning!

Hindi pa ako nakakahakbang nang kaagad niyang nahuli ang kamay ko. Awtomatiko akong nagbaba ng tingin sa kan'ya, humihina na ang tics niya.
Siya naman ang nagkunot ng nuo sa akin dahilan upang mapabuntong-hininga akong napaiwas ng tingin.

"Where do you think you're going?" ayan na naman ang linya niya kapag namamalayan niyang nilalayuan ko siya.

"I'm talking to you, young lady"

"Are you deaf?"

"Ano ba talagang kailangan mo?"

"Bakit ka ba nandidito? Hindi ba kinukulong mo ako? Paparusahan mo na naman ba ako? Gugulpihin? Pwede bang bukas na?" nag request pa ng schedule.

"Punish you? I thought you wanted me to kill you." walang pasubili niyang sambit bago lumabas muli ang ngisi niya. Pinangingilabutan ako sa smile niya na yon, ang creepy.

Kunware akong hindi nagpatinag sa sinabi niya at walang emosyon siyang diretsahan siyang tinignan. Parang meron talagang relasyon sila ni Ella, kase kung wala ay matagal niya na sana akong pinaslang at hindi niya rin ako gagamutin o papakainin pa. Wala na sana ako ngayon, kaya medyo tumatapang ako sa mga oras na ito, baka pinagkakamalan niya lang talaga akong si Ella.

Muli akong napahugot ng hininga at mabigat na binuga iyon, nagbaba ng tingin. Nagkunware na walang pakialam sa kan'yang sinabi "okay" walang gana kong tugon.

KIDNAPPED [GxG] Where stories live. Discover now