Dieciseis

77 5 4
                                    

"Sleep next to me" iyon ang mga salitang binanggit niya na nagpatinag ng buong sistema ko.

Lumipat ang tingin ko sa kamay niyang nakapatong sa bedsheet.

Ano ba talagang trip niya? Nakakapanibago na naman siya.

Urong-sulong ako sa kinatatayuan, sa huli ay napagdesisyunan kong umiling upang tanggihan ang alok niya.

"Hindi na, okay na po ako dito" pagtutukoy sa sofa rito sa kwarto niya.

Nang uupo na sana ako ay siya namang pagsalita niya ulit. "Are you sure?" pagpupumilit pa niya.

Wala rin namang kumot dito sa sofa kaya giniginaw na ako lalo pa at sinindi niya pa ang aircon, pero at least meron na akong unan.

Pilit akong ngumiti bago na siya tinalikuran at nagmamadali na humiga na sa sofa. Nakatalikod ako sa gawi niya, nakiramdam pa ako at inaantay kung magagalit ba siya sa kadahilanang pagtanggi ko na makatabi siya matulog.

Isa lang naman ang unan dito kaya hindi ko iyon ginamit para sa ulo ko, kundi para yakapin iyon dahil sobrang lamig! Parang sinadya niya pa yatang palakasin ang aircon kaganina.

Sapilitan kong pinikit ang mga mata, pinipilit ang sarili na matulog na. Nawala tuloy ang antok ko kanina sa naisip na nasa likuran ko lang si A na nakahiga na siguro sa malaking kama niya. Kahit sinisinat na naman ako ay mas naguumapaw ang kaba ko kaysa antok at pagod ng katawan ko.

Matulog ka na Elly! Ano ba, kung saan-saan na umaabot ang pago-overthink mo!

Nangasim ang mukha ko habang mas napadiin pa ako sa pagpikit nang maalala ko ang sinabi ni A kanina I'm not gonna do anything.

Humigpit ang yakap ko sa unan, lalo akong nilalamig sa kaba at sinisinat rin. Sinikap ko na lang na mag-isip ng iba, hanggang sa puro pagkain na ang iniisip ko.

Kumalam bigla ang tiyan ko. Nagugutom ako subalit wala naman akong ganang kumain dahil nga may sakit ako. Hindi naman ako binigyan ni A ng gamot o maski maligamgam man lang na tubig. Wala nga talaga siyang pakialam sa akin.

Nangangatog na ako sa lamig dito, tanging nag-iisang unan lang ang niyayakap ko para mabawasan ang lamig na nararamdaman, pero parang kulang pa rin.

Hindi ko na namalaya ang oras na lumipas at basta na lang akong nakatulog na.

____

Bigla na lang akong marahang napamulat ng mga mata. Sandali akong naalipungatan, pupungas-pungas pa ang aking mga mapupungay na mga mata.

Nakaramdam ako ng pagkakomportable sa pagkakahiga, nabawasan ang lamig na yumayapos sa aking balat, napalitan ito ng katamtamang temperatura na komportable sa pakiramdam.

Hindi lang iyon ang aking naramdaman. Bukod sa nabawasan ang sakit ng ulo ko at init ng temperatura ko ay ikinabigla ko ang aking natalos. Napanganga ako nang namalayan ko na hindi na ako nakahiga sa sofa.

Hindi lang iyon, katabi ko si A!

Parang gusto kong humiyaw nang matagpuan kong... magkayakap kami! Gusto kong magmura! Oo! Kaming dalawa talaga ang nakayakap sa isa't-isa, hindi lang ang kamay niya ang nakapatong sa bewang ko, kundi pati ang braso at binti ko ay nakayapos sa kan'ya!

Sobra yata akong giniginaw kanina kaya nagmistula tuloy akong butiki ngayon, kapit na kapit! Nakakahiya! Ayokona!

Kaagad kong inalis ang braso kong nakapatong sa kan'ya, daig ko pa ang napaso. Napaismid akong napatingin sa kamay ko bago bumaling ng tingin sa mukha niya, ngayon ko lang din napagtanto na ang lapit namin sa isa't-isa na kulang na lang ay magpalitan na kami ng hininga, buti na lang nakapag toothbrush ako kanina.

KIDNAPPED [GxG] Where stories live. Discover now