Ocho

77 6 0
                                    

Wala ako sa wisyo nakatulala sa pag-agos ng tubig habang naghihintay na mapuno ang basin, wala kase akong makitang balde dito.

Pangungunahan ko ng linisan ang sahig, mukhang wala din naman siyang balak maglinis no'n. Baka ako na naman sisihin niya kapag nadulas siya ulit.

Naghanap ako ng basahan dito at may nakita naman ako katabi ng mga panlinis niya sa banyo. Kumuha rin ako ng brush. Nilagyan ko ng sabon ang tubig at pinabula ito para maalis ang amoy ng dugo. Wala akong makitang mop dito kaya basahan na lang, dalawa ang kinuha ko, ang isa ay tuyo.

Binabad ko na rin kanina sa sabon ang binato niyang tsinelas kanina kase may mantsa na rin iyon ng dugo, isasabay ko na sa basahan na gagamitin ko na labhan ang mga ito.

Hirap kong binuhat ang balde kaya ginuyod ko na lang. Bukod sa hirap na akong makalakad ay nakadagdag bigat pa iyong kaperasong naputol na kadena sa paa ko, bala kase ang gamit niya at hindi susi kaya ang kaputol sa kadena ay nakakapit pa rin sa paa ko.

Pilit kong pinapakalma ang sarili, daig ko pa ang may anxiety sa mga oras na ito. Nalipat ang aking tingin sa doorknob dito sa cr. Inilock ko iyon kanina.

Ikinagulat ko na lang ang pagbukas nito at iniluwa doon ang presensya ni A. Hindi ko alam kung paano niya nagawang alisin ang lock nang walang katunog-tunog.

"Out" isang salita lang ang binanggit niya, ngunit naging dahilan iyon upang agad akong mapasunod.

Tumayo ako sa kinauupuan kahit muntikan na akong matumba, nakaramdam kase ako ng pagkahilo.

"Bakit po?" tanong ko pa.

Hindi niya ako sinagot at nilakihan lamang ang pagkakaawang ng pinto. Natatakot akong lumabas hangga't nandodoon pa siya nakatayo.

Pinagkunutan niya ako ng nuo dahil hindi pa ako kumikilos. Atras abante kase ako, sino ba naman kase ang gaganahan lumabas kung nakaharang siya ng ganiyan sa dadaanan ko, baka nakakalimutan niyang malaki siyang tao? Ang sama pa ng tingin niya parati. Sa tingin niya kase parang naging kasalanan pa yata ang pagtatanong ko.

"Don't make me wait"

Lunok.

Nanginginig ang mga tuhod kong naglakad papalapit sa kan'ya. Parang wala sa oras akong matutumba sa mga tingin niya. Naglinis na ako't tumulong ang lamig pa rin ng trato niya.

Malamang Elly, meron bang mamamatay tao/kidnapper na ubod nang bait?

Nang tuluyan na akong makalapit ay tumagilid pa ako naglakad palabas para hindi siya madikitan. Baka madagdagan ang init ng ulo niya kapag nadikitan ko pa siya, mahirap na nag-iingat lang.

Tuluyan na akong nakalabas, siya naman'g pagsarado niya ng pinto. Kaagad ko siyang hinarap, hindi ako pwedeng tumalikod sa masamang tao, malay mo baka biglang umatake ng patalikod.

Rumehistro sa mukha ko ang naramdamang sakit sa sunod niyang ginawa. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko saka ako walang awang kinaladkad.

"You're too slow" rinig kong reklamo niya.

Wala siyang pakialam kahit hirap na ako sa paglalakad, mukhang wala din siyang balak alamin kung nasasaktan ba ako sa paraan niya ng pagkakahawak sa akin.

Hindi sa pagiging OA pero pakiramdam ko parang mababalian ako ng buto sa braso. Ang laki ba naman ng kamay niya, hindi na rin ako magugulat na ganito siya kalakas. 'Yung size ng buong kamay niya parang matatakuban ang buong mukha ko kung ikokompara.

Mabilis kaming nakalabas mula sa kwarto bago niya pabagsak na sinarado ito. Saglit akong namangha sa paligid nang makalabas kami.

Hindi yata basta-basta bahay 'to. Palasyo na.

KIDNAPPED [GxG] Where stories live. Discover now