Diecinueve

60 4 1
                                    

"Stubborn"

Hindi mahahalata ang panggagalaiti niya sa kan'yang nakakalokong pagngisi, ngunit makikita iyon sa pagkuyom niya ng kan'yang mga kamao. Animo'y sasabog ang cold compress na bitbit niya.

Nakakakilabot pakinggan ang pag-alingawngaw ng kan'yang tawa sa bawat sulok nitong silid.

"What the f uck are you doing here!?!" malutong niyang bulyaw. May kalayuan man ang distansya namin ay pakiramdam ko napakalapit niya sa mukha ko habang dinidiin ang bawat salita niya.

Wala pa mang lumalabas na salita mula sa bibig ko ay tuloy-tuloy ng umagos ang mga luha ko sa takot. Kaunting galaw lang niya ay napapaatras ako kahit wala ng aatrasan sa kinauupuan ko.

Nanumbalik sa isipan ko ang mga pictures na nakita ko sa board, mga taong karumaldumal na pinaslang niya. Naalala ko pa lang ang mga itsura nila ay parang nasusuka na naman ako. Lalo lang akong natatakot sa presensya niya nang maalala na kasali doon ang babaeng palagi niyang binibigkas ang pangalan. Si Ella.

_____

Tulala na naman ako sa kawalan habang hawak ang cold compress na ibinigay niya. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko pa ba na wala siyang ginawa sa akin matapos na naman niyang magalit sa akin kanina.

Nakakapanibago, sinigawan at minura niya lang ako. Wala na talaga siguro para sa akin ang tratuhin ng ganon, mukhang swerte pa nga ako dahil hindi ako nagulpi.

Maingat kong idinidikit ang cold compress na hawak ko sa pisngi ng pang-upo ko. Bahagya akong nakadapa ngayon dito sa couch. Hindi ko na nga namalayan kanina na iginaya niya ako dito pabalik sa sala.

Hindi sa paraang pag-alalay sa akin kundi binuhat niya na pala ako na parang bagong kasal. Kaya ko pa naman maglakad, nainip siguro kanina kase daw ang bagal-bagal ko daw.

"You're doing it wrong" nabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses niya sa may likuran ko. Lutang na naman kase ako.

Hindi na ako makapagsalita magmula kanina. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nakita kong pictures, bukod doon ay napag-alaman ko pang pinapanood niya ako palaging naliligo o sa t'wing gagamit ng banyo. Gusto ko siyang sapakin, pero mukhang ako ang makakatulog kapag ginawa ko iyon. Wala na naman akong laban.

Napuno ako ng pagtataka kung bakit normal na lang siyang umasta ngayon na para bang hindi nagalit kanina sa panghihimasok ko sa room na iyon. Simula kanina ay siya lang din sa amin ang nagsasalita. Hindi ko siya iniimik, 'di ko mawari kung bakit nawalan ako bigla ng boses.

Ikinagulat ko na lang ng agawin niya sa akin ang hawak ko at siya na mismo ang nagdampi niyon ng maayos sa buttock ko. Napakagat ako sa ibang labi nang makaramdam ng sakit sa bandang iyon, napasinghap pa ako sa sakit at nalamukos ang unan na pinagpatungan ko sa pagkakadapa.

Bahagya rin akong umusog nang dumampi sa balat ko pati ang daliri niya, mukhang hindi naman sadya ang pagkakadampi, pero naiilang na talaga ako. Pakiramdam ko kase hindi babae ang kasama ko ngayon.

Nililibang ko na lang ang sarili sa paglalaro ng sariling mga kuko upang mabawasan ang sakit na nararamdaman.

"Do I make you feel uncomfortable?" nahinto ako sa paglalaro ng sariling kuko nang sabihin niya iyon.

Gusto ko siyang sagutin, subalit mukhang ayaw makipagcooperate ng bibig ko ngayon na magsalita. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ramdam niya sigurong panay ang iwas ko sa t'wing idadampi niya sa akin ang cold compress. Isa pa, pilit kong binabawi sa kan'ya iyon upang ako na mismo bahala sa sarili kong idikit iyon sa may pwetan ko.

Paglunok lang siguro ang maitutugon ko sa kan'ya sa mga oras na ito. Tuluyan kong naibawi ang cold compress, dahilan para tumayo siya at lumipat ng mauupuan.

KIDNAPPED [GxG] Where stories live. Discover now