Shadow in the Lurking

3 1 0
                                    

Drago's POV

"Did I hear you right? You want me to take Virdjana away so that YOU can have Ruby for yourself?" pag-uulit ka sa 'napakatalinong' plano ni Ertune.

"That's right." he smilingly responded.

"Ertune, mahal mo pa naman ang buhay mo hindi ba?" tanong ko sa kaniya habang nakalagay ang kamay ko sa ilalim ng baba na animong isang detective.

Binigyan niya lang ako ng naguguluhan ekspresiyon bago tapikin ang balikat ko ng dalawang beses.

"You know the plan." sabi ni Ertune bago nag-dive sa isang palumpong (shrub) kaya naiwan ako ng mag-isa.

"Hey! Hindi ko ito gagawin! Mainit pa ang ulo sa akin ni Virdjana!" pahabol kong sigaw rito.

Iniisip niya ba talagang sasakyan ko ang trip niya? Nag-aalok ako ng lunch hindi ng kagaguhan.

Pinag-walang-bahala ko na lamang ang napag-usapan naming dalawa at nagsimula nang tahakin ang daan patungo sa cafeteria, nang makatanggap ako ng tawag.

Isinuot ko ang aking Elemental Headphone at tinanggap ang tawag na mula kay Master Yoto.

[Greetings boy. How's your investigation so far?"]

"Good noon Master. There hasn't been any suspicious activity, if that's what you're asking for. As for her identity, I'm still in the process of finding out who she truly is." magalang kong tugon.

[That and her identity is interesting, but would you like to be reminded about the deadline of your narrative report?]

"Don't worry Master, I'll have it sent this evening."

[Alright. Enjoy this Chronicle Play Event.] And with that she ended the call.

Mukhang wala rin pala akong pagpipilian.

Napabuntong-hininga bago pumihit sa kanan kung saan matatagpuan ang iba-ibang booths. Sasakay na rin siguro ako sa plano ni Ertune para makausap si Virdjana ng masinsinan.

Sa hindi kalayuan ay matatanaw ang mga bombilyang pabago-bago ng kulay, animong mga banderitas na tumatawid ng zigzag mula sa isang booth papunta sa isa pa.

Mayroon ring mga mabababang kawayang nakatanim sa mga paso na pinalilibutan ng mga led lights, maihahalintulad ito sa mga kumukutitap na mga bituin sa kalangitan.

Sari-sari ang disenyo, laki at hugis ng mga placard signs ng kada puwesto - may nagtitinda ng pagkain, damit, at laruan. Mayroon ring mga tanghalan kagaya ng magic shows, shadow plays at picture booth.

Sadyang abala ang mga estudyante na makabenta o hindi naman kaya ay masubukan ang kung ano mang inihanda ng kapwa nila estudyante sa araw ng Chronicle Play.

Kung hindi lang sana kami okupado ng responsibilidad namin bilang Enchanted Elite, malamang ay isa rin kami sa mga mag-aaral na tumatangkilik sa mga booth nito hanggang lumubog ang araw.

Naputol ang pag-iisip-isip ko nang maramdaman ko ang isang masamang aura na dumaan sa aking likuran. Agad kong ipinihit ang aking ulo ngunit tanging anino na lamang nito ang nasulyapan ko.

Isa na naman kaya itong ninja? Huwag mong sabihing may nakapasok na naman sa premises ng paaralan nang hindi natutuklasan ng mga Master at mga guro?

Sa tingin ko ay kailangang i-ulat ang bagay na ito sa mga Master upang agad nilang maagapan kung sakali mang tama ang hinala ko.

Nang isusuot ko na sana ang EHP ko ay bigla ko itong nabitawan dahil natabig ako ng dalawang naghahabulang estudyante. Hindi ko na ito nasalo dahil kahit ako ay muntik nang mawalan ng balanse.

"What the heck?" galit kong pagkakasabi, ngunit hindi man lang lumingon ang dalawa.
What timing to get this magical item broken. Lumuhod ako para pulutin ang basag kong EHP.

Eumythymn HunterWhere stories live. Discover now