5. Barycenter

22 5 14
                                    



Evie



"Evie!" Halos manginig ang buong sistema ko nang may tumawag sa akin habang naglalakad sa loob ng university. Sigurado akong maraming nakatingin sa akin dahil sa malakas na pagtawag na iyon.

Lumingon naman si Brent sa likod namin habang nakatingin lang ako sa sahig at nakayakap sa libro ko.

"Evie, ikaw yata ang hinahanap." Tinapik niya ako sa balikat at napahigpit ang pagyakap ko sa libro. Sumasakit na naman ang tiyan ko.

"Evie." Hinawakan ako ni Brent sa makabilang balikat at inikot ako paharap.

"Hi, Evie. Pupunta ka sa Magayon?" Nang iangat ko ang paningin ay nagpalinga-linga muna ako bago ko ibinaling ang paningin kay Gabriel.

"A-ano. . . ." Tiningnan ko si Brent na nakataas na ang isang kilay sa akin. "Hindi . . . hindi ko alam," mahina kong saad, nakangiti pa rin siya sa akin habang ako ay kabadong-kabado na.

Hindi ko alam kung saan na lang lagi nanggagaling ang kaba ko.

"Pupunta siguro kami mamaya. Kaibigan ka ni Evie?" tanong ni Brent. Napabuga ako ng hangin nang sagipin niya ako.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing kaming dalawa lang ni Gabriel ay komportable naman ako sa kaniya, pero sa tuwing nasa labas na kami, feeling ko ay hindi siya pwedeng makita ng ibang tao na kasama ako.

"Oo, classmate ko 'yong kuya niya noong high school kaya kapag nagpupunta kami sa bahay nila ay nakikita ko siya. We are close back then."

Komportable ako sa kaniya pero hindi kami ganoon ka-close. Kaso, ilang taon na rin ang nakalipas.

"Sige, text ka na lang namin kapag pupunta na kami," sagot ni Brent. Kinurot ko ang braso niya kaya agad na napabitaw siya sa balikat ko.

"Phone number ko." Itinapat ni Gabriel sa amin ang cellphone niya kung saan nakalitaw ang number niya.

"Type it, Evie," bulong ni Brent sa akin kaya wala na akong nagawa.

Halos nanginginig na ang kamay ko habang nagta-type.

"May pagkamahiyain si Evie, nagsasalita lang kapag kinakalabog ko 'yong likod." Halos mamula na ako dahil sa pang-aasar niya. Ipinakita ko kay Gabriel ang phone ko para ipakita na nakuha ko na ang number niya.

"See you later. Ingat kayo." Tumingin lang ako sa kaniya habang naglalakad palayo. Para akong natanggalan ng tinik sa dibdib.

"Sino 'yun ha, Evie?" Nagpatuloy na ulit kami sa paglakad.

"Sinabi na niya, 'di ba?" Bigla niya akong tinusok sa tagiliran kaya napatalon ako palayo sa kaniya.

"Baka ipagpalit mo na ako, Evie." Ngumuso siya kaya agad kong hinila ang laylayan ng shirt niya para mabaling sa akin ang atensyon niya.

"Hindi, 'no. Paano ako makakapgsalita kung walang kakalabog sa akin?" Natawa siya at ipinatong ang kamay sa ulo ko

Pagkatapos ng lahat ng klase namin ay nag-away na kami kung sino dapat ang mag-text kay Gabriel.

"I-message mo na, Evie. Ikaw ang sinabi ko kaya ikaw na." Naupo kami sa upuan sa cafeteria habang nakatitig pa rin ako sa cellphone ko.

"Ikaw na, please. Malakas naman ako sa'yo, 'di ba? 'Di ba?" Nginitian ko siya at sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Wala kang mauuto, Evie. Amin na nga 'yong number, ako na." Napangiti ako nang malawak bago ibinigay sa kaniya ang cellpgone ko.

Sinilip ko ang tina-type niya.

'This is BRENT, Evie's Friend. Otw to Magayon.'

Napangiti ako nang makitang disente naman pala, ang nakakapagtaka nga lang ay ang capitalized niyang pangalan.

Agad naman naming nakita ang reply nito.

'Already here.'

"Sino ba 'to? Bakit parang atat na atat na makita ka?" Hinablot ko sa kaniya ang cellphone ko at pinatay ito.

Napakagat ako sa labi ko dahil hindi ko alam ang isasagot sa kaniya, at para na rin hindi na madagdagan ang galit sa tono niya.

"Tara na." Tumayo na siya na agad kong sinundan.

Habang naglalakad ako sa likuran niya ay sinabayan ko ng dasal na sana ay kaunti lang ang tao, o kaya ay sana wala talaga at kami lang ang naroon.

Medyo kalayuan pa lang ay nakita na agad namin siya na nakaupo sa isang gilid mag-isa habang kinakalikot ang cellphone niya. Agad na gumaan ang pakiramdam ko nang makitang kaunti lang ang tao ngayong araw.

Nang makapasok ay agad siyang lumingon sa amin at napangiti. Naupo ako sa harapan niya at tumabi sa akin si Brent na kanina pa walang imik.

"Treat ko na—"

"No need to. Ako na, pang-welcome na rin sa 'yo." Napatingin ako sa katabi ko nang sabihin niya ito. Ni minsan ay hindi niya ako nilibre dahil sabi niya ay kaya ko naman daw magbayad, pero bakit ngayon ay kung kailan dalawa ang kasama niya ay manilibre siya?

"Hindi, hindi. Okay lang, ako dapat ang mag-welcome sa inyo dahil ngayon na ko na lang ulit nakita si Evie at ngayon lang kita nakilala." Ngayon lang daw? E, nailibre na nga niya ako no'ng nakaraan.

"Ganito na lang, ang ilibre mo ay ako, at ang ililibre ko ay si Evie." Halata ang pagtataka sa mukha ni Gabriel, na ganun rin naman sa akin.

"Ganito na lang, ang illilibre ko ay kayong dalawa," sagot naman ni Gabriel. Nagtitigan lang sila, hindi malaman kung ano ba talagang point ng mga sinasabi nila.

"Ganito na lang, ilibre mo ako, tapos si Evie ay siyang magbabayad ng sarili niya." Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil sa pagtawa mula sa sinabi ni Brent.

"O-okay." Wala nang nagawa pa si Gabriel at lumingon sa akin. Binigyan niya ako ng isang masamang tingin kaya't nginitian ko lang siya imbes na tawanan.

"Ako na rin ang o-order." Tumayo si Brent na sinundan ko ng tingin.

"Hindi, ako na." Ito ang mga oras na gusto ko na lang maging kabute na tumutubo kung saan-saan.

"Ako na lang, maiwan na kayo rito," pangungulit ni Brent na hindi nagpatalo.

"Si Evie na lang kaya?" suggestion ni Gabriel na nagtapos ng kalmado kong araw.

Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon