10. Eccentricity

18 6 16
                                    



Evie


"Si James 'yon, ah," mahinang wika ni Gabriel habang nakatingin sa harapang puwesto sa bus.

Ipinaling ko ang ulo ko at sinundan ang tinitingnan niya. Maraming tao ang pumapasok sa loob ng bus kaya hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.

"S-sinong James?" bulong ko nang hindi inilalapit ang bibig sa tainga niya. Marami na rin kasing pasahero sa loob ng bus at baka makuha ko pa ang atensyon nila.

"Wala, wala. 'Wag mo na siyang intindihin, ako na lang ang intindihin mo." Ibinaling niya ang paningin sa akin at sumulyap naman akong muli sa harapan. "Nilalamig ka?" Itinapat niya ang kamay sa aircon na nasa taas namin at muli itong ibinaba upang hawakan ang mga kamay ko.

Malamig sa bus pero nag-iinit ang pisngi ko. Napayuko na lang ako at tiningnan ang mga kamay niyang nakahawak sa akin.

"A-ano, hindi naman." Umiling ako sa kaniya at muling binawi ang mga kamay ko. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa bintana ng bus. Nakikita ko sa repleksyon nito na nakatingin siya sa 'kin kaya hindi ko maiwasang gapangan ng hiya at kaba.

"Bakit kapag nasa labas tayo mahiyain ka sa harapan ko." Tumingin ako sa kaniya nang mahalata na nagtatampo ang boses niya.

Hindi ko mapigilang malungkot sa sinabi niya. Bakit ba kasi ako ganito, hindi lang ang sarili ko ang naaapektuhan kundi pati na rin ang ibang tao.

"Ahm . . . sorry." Naikuyom ko ang mga kamay ko sa hita ko habang nakayuko. Pakiramdam ko ay lumubog ang puso ko.

He is the least person I don't wanna disappoint. I knew him when I was in my first year of high school. And now that I am a third-year college student, andito na naman siya, and I am already destroying it.

"Huy." Pinisil niya ang magkabila kong pisngi gamit ang isa niyang kamay at iniharap sa kaniya. ""Wag ka na malungkot, joke lang. Alam kong hindi ka lang sanay sa PDA."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad kong inialis ang mga kamay niya sa pisngi ko at ibinaling ang tingin sa labas habang nagwawala pa rin ang mga paruparo sa sikmura ko.





Pinindot ko ang doorbell at naghintay na may lumabas na tao. Nasa tabi ko si Gabriel habang palinga-linga sa paligid, mukhang naninibago.

Nakita ko ang paglawak ng ngiti ni Kuya nang makita kaming nakatayo sa labas. Kinawayan ko siya at nagmadaling siyang makalapit sa amin.

"Astigin ka na ngayon, ha." Binuksan niya ang gate at agad na tinapik si Gabriel sa balikat. "May mga tattoo ka na" Parang mas masaya pa siya na makita si Gabriel kaysa sa akin, na naiintindihan ko naman dahil matagal na rin noong huli.

At hindi ko rin naman kasi alam kung ano'ng feeling ng pagkakaroon ng kaibigan na pwede mong balik-balikan. Nagkaroon ako ng high school friends, kaso nga lang hanggang high school lang. Nagiging awkward na kapag matagal ko silang hindi nakita at iniisip ko na feeling close ako kapag pinansin ko ulit sila.

"Madadagdagan pa 'yan. At sa susunod ako na ang magta-tattoo sa 'yo." Nilagpasan ko na sila at naglakad papasok sa loob. Kahit hindi ako lumingon ay rinig ko ang pagsunod nila sa akin.

"Andyan si Mama?" Natawa ako nang tawagin niyang mama ang mama ko. Gano'n ang ginagawa niya kapag kami lang ang kaharap niya, pero kapag si Mama na ay Tita na ulit ang tinatawag niya.

"Mama pa rin tawag mo sa mama namin."

Sa pagpasok sa loob ng bahay ay muli kong naamoy ang paligid rito. 'Yong wala naman talaga siyang amoy pero parang amoy siya na pamilyar sa akin. Hindi ko rin alam kung paano ipaliwanag, basta ang alam ko ay na-miss ko rito.

Naglakad ako sa hagdanan patungo sa taas kung nasaan ang kwarto ko. Binuksan ko ito at ganoon pa rin ang itsura nang iwan ko ito. Hindi na siguro ginalaw ni mama dahil malinis naman.

Iniwan ko itong hindi marumi para wala nang iba pang gumalaw. Ang kaibahan nga lang ay wala ang mga bituin sa kisame. Nandoon sila sa apartment malapit sa Uni, sa pagpasok sa loob ay makikita ang shelf ng libro sa gilid. May mga bakanteng space dahil nga dinala ko ang iba, lalo na ang mga hindi ko pa nababasa.

Inilapag ko ang bag ko sa higaan at umupo sa kama. Na-miss ko ang lambot at ang laki nito. I'm here in my own room, the first place where I built my first universe. Maybe Gabriel doesn't know that, but he was a part of it.

Isang pagkatok ang pumutol sa pag-alala ko sa mga dati kong memories dito.

"Pasok."

Sumilip si Gabriel na agad kong nginitian. Hinayaan niya lang na nakabukas ang pinto nang lumapit sa akin.

Kapag nandito kasi siya ay sinabi ni Kuya, kailangang nakabukas ang pinto, para raw masigurado niya na wala kaming ginagawang masama, though alam niyang mapagkakatiwalaan kami ni Gab, para na rin daw mabawasan ang pag-aalala niya.

"Na-miss ko ang kwarto ni Evie." Padapa siyang bumagsak sa higaan ko at halata ang pagkatuwa sa boses niya.

"Anong na-miss, hindi ka naman madalas dito." Pumapasok lang naman siya dito kapag nasa sala ako at nanonood. Minsan ay nakakasama ko siya rito kapag natapos na ako sa pinapanood ko sa baba.

"Bakit ba, at least nakakapasok pa rin ako sa kwarto mo. Minsan nga gusto kong isara 'yong mga bintana mo para malaman kung anong itsura nito habang may mga umiilaw na bituin sa taas." Gumulong siya mula sa pagkakahiga at tumingin sa kisame na wala na ngayong disenyo. Inilagay niya ang mga braso sa likod ng ulo niya.

"Bakit nga pala sa akin ka lang komportable noon at hindi sa iba naming kaklase?"

Pinaglaruan ko lang ang mga daliri ko habang nakayuko. "Sabi kasi ni kuya ikaw ang pinakamabait sa kanila," mahina kong saad na sana ay narinig niya.

"Naniwala ka naman." Bahagya akong natawa. Sa pagtambay ni Gabriel dito ay para naman siyang mabait. "Ang sabi kasi ni Kuya mo kailangan naming maging mabait kapag nasa bahay na ninyo kami dahil ayaw raw ng kapatid niyang babae sa magugulong tao."

Nilingon ko siya at nginitian. "Kaya ka mabait?"

Tumango siya habang tumatawa. "Sabi rin kasi ng kuya mo magaan ang loob mo sa mga taong mabait, kaya naging mabait ako sa'yo."

Yumuko na lang ako at pinaglaruan ang mga daliri nang maubusan ng sasabihin.

"I don't know why I always liked to be here back then. You were not talkative or loud, and I don't know why I liked your silence."

Your UniverseWhere stories live. Discover now