43. Nuclear Reaction

8 2 0
                                    



Gabriel


"Gusto mo pa bang maging tattoo artist? If you don't want, 'wag ka nang pumunta rito. Sinasayang mo lang ang oras ko." Alam kong darating sa punto na ito na hindi na tatanggapin ni Sir Dexter ang excuses ko. "Tingnan mo nga, 'di ka makasagot."

Napapitlag ako at umayos ng upo. "I'm still interested," mahina kong sagot. Mabuti na lang at nakatalikod siya sa akin at inaayos ang gamit niya, habang ako ay nakaupo sa isang tattoo stool.

I can't prioritize tattooing right now dahil gusto ko munang makasama si Evie. At hindi ko naman pwedeng idahilan 'yon kay Sir Dexter, baka masampal niya lang ako.

"Next week, mag-i-start ka na mag-tattoo sa human skin. May nakuha na akong isang tao. Pumayag na libre. Kaya ayusin mo," may pagbabantang wika nito.

"Opo."

Siguradong hindi matutuwa si Evie kung ibabalita ko sa kaniyang napagalitan ako mula sa mga pagtakas ko. Ang sasabihin ko na lang ay pwede na akong mag-tattoo sa human skin, siguradong matutuwa siya roon.

I've been with her every day. Minsan lumalabas kami, pero madalas lang na nasa loob lang kami ng apartment niya. Stressed out pa rin siya sa kondisyon ng manus niya, at may mga bagay pa rin siyang hindi sinasabi sa akin kaya mas gusto kong pinupuntahan siya araw-araw. Hindi ko rin naman kasi siya nakakausap sa chats dahil baka nga siguro busy siya.

"Hindi mo ba 'ko kakausapin, Jay?" Dahil nasa university pa naman si Evie, at maagang nag-off si Sir Dexter ngayong araw, dumiretso ako kay Jay. Hindi niya man lang ako pinapansin mula pagdating ko rito.

"Bakit pa tayo mag-uusap. Kung mag-uusap tayo baka sermunan lang kita gaya ng ginawa sa 'yo ni Sir Dexter." Umupo siya sa isang tattoo chair at nag-sketch sa isang papel. Halos magdikit ang mga kilay na alam kong dahil sa kagagawan ko.

"Next week naman daw, magta-tattoo na 'ko." Hindi na siya sumagot pa. Hinihiling ko na lang na dumating si James at hindi si Morgan.

Napatingin ako sa sliding door at nakita ko ang pagsulpot ni Morgan. Anak ng tokwa, kakasabi ko lang na sana ay 'wag itong lalaki na 'to ang dumating.

"O, nakapag-tattoo ka na?" tanong ni Jay sa kaniya kaya napakunot ang noo ko.

"Ano'ng nakapag-tattoo ka na?" takang tanong ko.

"Human skin."

"Ha? Ang aga mo naman." Kung next week ako magta-tattoo, dapat ay siya rin.

"Hindi mo siya masisisi kung hindi siya panay takas nang hindi nagpapaalam." Sinamaan ko ng tingin si Jay dahil hindi naman siya nakatingin sa akin.

"Dahil kapag nagpaalam nga ako, hindi niya rin naman ako papayagan." Aanhin ko pa 'yong pagsasabi kung hindi rin naman pala mangyayari 'yong plano ko.

"Sa'n ka ba kasi pumupunta?" Hindi ko alam kung matutuwa akong kinakausap na ako ni Jay, o pipiliing tumahimik na lang siya ulit dahil sa tanong niya.

"Basta," tipid kong sagot. Sa 'min na lang iyon ni Evie, ngayong wala pa siyang sinasabing pwede ko siyang ikuwento sa iba.

Tinaas-baba ko ang mga kilay ko nang magawi ang tingin ko kay Morgan na naupo malapit sa akin. Halata ang pagtataka sa mukha niya. "Nakapag-tattoo ka na? Kinabahan ka?"

"Yeah," tipid niyang sagot. Naglabas ako ng hangin sa ilong ko dahil sa kaniya.

Tingnan mo nga, sino'ng tao ang makikipag-usap sa lalaking ito na ganiyan sumagot? Pa'no mapapahaba 'yan? Gumagawa na nga ako ng effort para makilala ko siya pero parang isang butil ng bigas lang 'yong sagot niya.

Your UniverseWhere stories live. Discover now