41. Nuclei

6 2 0
                                    



Evie


"Ilang chapters na?" tanong ni Brent. Hindi ko itinaas ang paningin sa kaniya at patuloy lang na nag-type sa laptop.

Sa sobrang pagkapako ng atensyon ko sa laptop ay halos hindi ko na marinig ang mga ingay ng estudyante, parang si Brent lang ang kasama ko.

"Fifteen," mahina kong sagot.

"Fifteen? By midterms kailangan napasa mo na 'yan, 'no? Kaya yan." Sinilip ko ang ginagawa niya at nakitang kumakain lang siya ng sandwich. Kakatapos lang naming kumain ng lunch at hindi ko alam kung bakit may kinakain na naman siya.

"Hindi ko alam," halos maiyak kong sagot sa kaniya.

I've been anxious the past week. Natakot akong gumawa ng mga bagay kaya nakatulala lang ako sa kuwarto at nakahiga. Pakiramdam ko, ang dami kong nasayang na oras sa panahong iyon. Tumigil ako sa mga ginagawa ko kasi parang mamamatay na ako sa pagod at takot na nararamdaman, hindi ko na lang sana ginawa 'yon.

"Alam mo, kung hindi mo na kaya mentally and physically, you can stop," malumanay na wika niya.

Tumigil ako sa pagtipa at tumingin sa kaniya. "What do you mean?"

"This, listen." Hinawakan niya ang pareho kong kamay at tumingin nang maigi sa akin. "Hindi mo kailangang i-rush 'yong gawa mo para lang ma-meet 'yong deadline. Hindi maganda 'yong kalalabasan ng Cosmos Starr kung tinatapos mo lang 'yan for the sake of it."

Umiling ako. "Gusto kong ma-publish ang Cosmos Starr." This is a chance and an opportunity na 'di ko dapat palagpasin. Matanggap man o hindi, at least I tried. Kahit na parang kinain ko lang 'yong sinabi ko noon.

"Pwede mo naman 'yang mai-publish in the future nang mas pulido pa kaysa sa minamadali mo ngayon."

"I won't let this opportunity go." 'Yong opportunity nga ba talaga, o gusto ko lang may mapatunayan? Na hindi na ako duwag, na kahit isang beses sa buhay ko, nagkaroon ako ng lakas ng loob?

Itinaas niya ang dalawa niyang kamay. "Okay, go, edit."

Bagsak ang mga balikat kong ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Habang nagre-review para sa midterm exams, kailangan ko ring isabay 'to.

Editing is not that easy, we were taught that it is like rewriting, but not a one time work. Ilang edits ang mangyayari para maging maayos. May mga dagdag, may mga bawas, may hidden errors. Sinabi naman nilang may professional editors 'pag nakapasok, pero maninigurado na rin ako sa ngayon.

Sa mga oras na 'yon ay tinapos ko ang tatlong chapters. Pagkatapos ng klase ay diretso na rin akong umuwi dahil may midterm projects pa akong tatapusin. Sa saglit kong pagpapahinga mula sa screen ng laptop ay tumawag si Gab.

Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko dahil baka mahalata niya na nasa frustrated mood ako ngayon, pero baka iba ang isipin niya kapag hindi ko siya pinansin.

"Hello," malamya kong sagot at isinubsob ang mukha ko sa braso kong nasa ibabaw ng study table.

"Hi, Evie. Akala mo ba, hindi ko nahahalatang may problema ka?" May pag-iingat ang boses niya. "I know you're not okay. Pwede mo sa 'king sabihin."

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Pumikit ako nang mamasa ang mga mata ko, nagbabadya ang pagluha. Huminga ako nang dahan-dahan nang mamigat ang dibdib ko.

"I don't know," halos pabulong kong sabi. "It's been a week, something's wrong with me." Isang hikbi ang kumawala sa bibig ko at pinigilan ko na ulit 'yon, pero hinayaang tumulo ang luha ko nang tahimik.

Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon