33. Spaghettification

8 2 0
                                    



Evie

"Maglalaro tayo ng read or pass based on the book's cover." Napangiti ako at naalala na naman ang unang beses namin na pumunta sa isang bookstore. Muntik na ako noong umuwi nang walang nabibili dahil sa dami ng tao. Para akong sinasakal at hindi makahinga.

Nang makarating kami sa sinasabi niyang lugar ay binasa ko ang pangalan ng bookstore na nasa labas. 'Ind. Books.'

Binuksan ni Gabriel ang pinto at nauna kong tiningnan ang loob. Tama nga siya sa sinabi niyang kaunti lang ang tao. Hindi kalakihan ang loob. May tatlong bookshelves sa gitna. Tig-dalawang bookshelves sa magkabilang pader ng shop, at dalawang bookshelves sa likod. Mayroon ding wooden tables and chairs sa pagitan ng mga shelves at sa likuran ay may dalawang pares nito na nasa pinakasulok, pwedeng-pwede sa 'kin.

"Good morning. Welcome to Ind. Books. If you want to read the history of this bookstore, you can read it in the book The Underrated and Mainstream, first book shelf, first book at the top." Nginitian lang namin siya at lumingon sa itinuro niya.

Inayos ko pang muli ang suot kong shirt at tiningnan ang suot kong tsinelas. Para talaga akong nasa bahay.

Dumiretso ako sa sinabi ng babae sa unahang shelf at tumingin sa itaas. Nakita ko ang librong sinasabi nito na agad kong inabot.

"Babasahin mo talaga 'yan?" tanong niya na tinanguan ko sabay bukas ng libro sa unang pahina. Binuklat ko ulit iyon at pumunta sa table of contents.

"Gusto mo umupo?" muli niyang tanong at tumango ulit ako. Idinampi niya ang kaamay niya sa likod ko at bahagyang umalalay sa paglakad ako. Pumuwesto ako sa kanang sulok na may wooden table at dalawang wooden chairs at saka naupo.

Hindi ko na napansin si Gabriel dahil natuon na ang atensiyon ko sa libro.

'Why do we prioritize underrated stories?'

Page ten. Agad ko iyong binuklat dahil sa pagkuha nito sa interes ko. Bumungad sa akin ang title nito na naka-bold sa itaas.

Underrated stories are voices that can't be heard loudly. Just like what's in the mainstream, these books also want to say something, but... are you willing to listen?

Isinara ko ang libro at tuwang-tuwang tumingin kay Gabriel. "I'm gonna buy this," mahina kong sabi sa kaniya.

"Hindi nila 'yan binebenta. Didn't you hear her? Pinapabasa niya 'yan sa mga customers na dumarating." Bagsak ang balikat kong tumingin sa babaeng nasa harapan. Napangiwi at malungkot na tiningnan ang cover ng book. "But . . . we'll ask later kung may kopya silang binebenta." Hindi ko na ulit napigilan ang pagngiti at mahigpit na hinawakan ang libro habang palihim na pumapadyak ang mga paa sa ilalim ng lamesa.

"May iba pa pala akong game na naiisip na gagawin dito," mahina lang ang pagbigkas ko ng mga salita dahil may iba rin namang tao ang nandito kahit kaunti lang sila.

"Ano 'yon?"

"Kukuha tayo ng book, tapos titingnan ng player ang cover at babasahin ang title, tapos huhulaan niya kung tungkol saan ang kuwento," pagpapaliwanag ko at magkalapat ang mga labing ngumiti.

"Okay, sino mauuna?"

"Ako." Mababa kong itinaas ang kamay ko na parang iniiwasang may makakita sa akin.

"Go."

Maingat lang akong tumayo sa kinauupuan ko at tiningnan ang taong nasa kabilang table. Nang makitang hindi naman siguro ako mapapansin ay naglakad na ako papunta sa bookshelf na nasa tapat namin, sa pinakagilid dahil walang tao. Pumunta ako sa isang romance section dahil alam kong hindi siya palabasa ng mga ganitong genre.

Itinaas ko ang kamay ko habang nakaturo at itinapat iyon sa mga librong madaraanan ko.

'Parallel Universe's Traveler'

"Wow," mangha kong kinuha ang aklat at tiningnan ang cover nito. It is a universe with circles or earthlike design na parang nagbubungguan. May mga square, like thin lines na naka-curve sa pagitan nito. Isa lang ang masasabi ko, at ito ay 'wow' ulit.

Mabilis akong lumapit kay Gabriel at ipinakita ang cover sa kaniya.

"Hmm, 'Parallel Universes' Traveler. Interesting title." Inilagay ko ang mukha ko sa gilid ng aklat at pinakatitigan ang mukha niya. Isiningkit niya ang mga mata niya at humawak sa baba niya habang nakatitig sa libro. "I think . . . sci-fi genre, at ang ginagawa niya ay nagta-travel siya sa iba't ibang universe para lang mag-explore, hanggang sa hindi na siya makabalik at ang kailangan na niyang gawin ngayon ay hanapin ang solusyon sa problema niya."

Muli ko nang iniharap ang libro sa akin. Hindi niya nakuha ang romance part ng book na ito. "I'm gonna read the description."

Itinalikod ko ang libro at tingnan ang nasa likod nito. "Kaki is a traveler in parallel universes who can transfer himself by dying. When he dies, he will just carry on living in another world and will still be dead in the dimension he died in. Falling in love is part of his nature as a human, and when his partner dies, he promises himself that he will find her again in an alternate universe where she is alive. But everything may alter in a parallel universe, she might still be alive, but at the same time, not in love with him."

Nakaramdam ako ng lungkot. Mabagal kong isinara ang libro at dahan-dahang tumingin kay Gabriel. Bahagyang nakabukas ang bibig niya, at nang mapansing nakatingin ako sa kaniya ay nataranta.

"It could fall into the sci-fi genre."

"Who's the author?"

Muli kong ibinaliktad ang libro. "Mason Labo."

"Itabi mo 'yan, bibilhin ko." Hindi ako ngumiti dahil baka mag-assume lang ako na para sa akin ito, pero secretly akong umaasa na ireregalo niya ito sa akin. Lumalakas na ata ang loob ko sa mga bagay na ganito. Kumakapal na rin siguro ang mukha ko. But it was a good sign, right? Ibig sabihin, mas nagiging close na ako kay Gabriel.

"So, nakuha ko nang tama, ano reward ko?"

Tinaasan ko siya ng isang kilay nang wala naman sa kontrata namin na may premyong matatanggap "You get to buy the book."

Umiling siya at ibinukas ang mga braso niya. "Ang premyo ko ay yakap."

Parang dinampian ng mainit na tubig ang mga pisngi ko. Lumingon ako sa harapan at nakitang wala roon ang babae kanina. Sumilip din ako sa likuran ni Gabriel at nakitang nakatalikod sa amin ang nasa kabilang table. Sumilip din ako sa pagitan ng mga shelf at nakitang walang tao sa pangatlo, at ang iba ay mga nakaupo na sa kadulu-duluhan sa gilid.

Napahawak ako sa labi ko at dahan-dahan lang na tumayo. Nang ngumiti siya ay mabilis akong lumapit sa kaniya at yumakap sa leeg niya samantalang siya ay sa baywang ko. Ilang segundo lang 'yon na hinigpitan ko ang yakap sa kaniya. Tinapik ko ang ulo niya at umalis na sa pagkakayakap at hiyang-hiyang bumalik sa upuan ko.

Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon