31. Universe

11 3 33
                                    



Gabriel

Umalis ako sa harapan nang may hindi maipaliwanag na nararamdaman. Disappointed? Pwede. Malungkot? Oong-oo. Ito 'yong mga pakiramdam na inaayawan ako ni Evie kapag nasa harapan na kami ng ibang tao. Totoo na mas palagay pa ang loob ko kapag kami lang magkasama, mas masaya, mas totoo.

Pilit ang ngiti kong tumabi sa kaniya. I want to show and hold her like every other relationship does. Kaso ano nga ba'ng magagawa ko kung ang relasyon lang namin ay magkaibigan.

"Mag-start na tayo sa palaro natin." Imbes na magpakalungkot ako ngayong gabi, isinantabi ko na lang ang nararamdaman ko at itinuon ang pansin kay Vin na nasa harapan. "Trip to Jerusalem, at ang mga maglalaro ay ang ating mga dalaga't binata."

Inayos nila ang pagpapaikot ng mga upuan nang talikuran sa tulong ng isang babae. "Tatawagin ko mga pangalan, ha." Tumuro siya sa mga taong nasa harapan. "Si Bianca, si Natalia, si Seb, si Lio, si Lex." Napalawak ang ngiti niya nang tawagin ang huling pangalan.

"Bakit kasama ako! Hindi na ako dalaga!" nagrereklamong tumayo ito. Hindi nagsalita si Vin at tumawa lang sa pagkainis ng girlfriend niya.

Ang saya nila, 'di ba? Ganiyan ang gusto kong maranasan kasama si Evie. But I can't blame her. Palagi kong sinasabing kaya kong maghintay kapag comfortable na siya sa akin, pero hindi ko lang talaga maiwasang malungkot at mainggit sa mga oras na gaya nito.

"Tapos si. . . ." Lumipat ang direksyon ng paningin niya sa amin. "Si Evie 'tsaka si Gab."

Napatingin ako kay Evie at magkasalubong na kilay ang ibinigay niya sa kuya niya sabay iling. Napakapit siya nang mahigpit sa braso siya habang tumatanggi sa tawag ng kapatid.

"Please, Evie, samahan mo lang si Gab." Napilitan itong tumingin at tumango sa akin na halatang ayaw talaga sa plano ni Vin. Pinauna ko na siyang lumakad at sumunod ako sa kaniya. Kahit hindi ko tingnan ay ramdam ko ang pagsunod ng mga mata ng bisita sa amin.

Nang makarating sa harapana ay magkatabi lang kami ni Evie na nakahilera kasama ng iba pa naming maglalaro. Sinilip ko si Evie at tipid na nakangiti siya sa mga taong nasa harapan namin. Pero hindi makakatakas sa paningin ko ang pahigpit na pahigpit niyang paghawak sa mga kamay niya. She's nervous.

Gusto ko sanang hawakan ang kamay niya, pero ano nga bang magagawa ko kung kaming dalawa nga lang ang magkasama ay nag-aalangan pa siya, dito pa kaya sa harapan ng mga kamag-anak niya. I just want to give her the comfort she needs. Comfort na nararamdaman niya kapag mag-isa lang siya, kapag nanonood lang siya ng mga bituin at buwan sa langit, that's her comfort.

"Paki-play na nga 'yong music," utos ni Vin sa taong abala sa nagma-manage ng music.

Nagsimulang tumugtog ang Finnese ni Bruno Mars na parang nag-inject ng energizer sa dugo ko. Mga tao lang sa university ang may alam na kaya kong sumayaw. Dance ang naging talent ko no'ng sumali ako sa pageant, pero of course hindi ako nanalo, ang nanalo ay 'yong contestant na kumanta habang naggigitara. Multitasking daw kaya nanalo at walang binatbat ang pagsayaw ko ng hiphop.

Nagsimula silang umikot sa paligid ng upuan kaya't napasunod na rin ako. Sa una ay malalamya ang mga sayaw namin dahil sa hiya. Si Evie naman ay bahagyang tumatawa sa harapan ko, literal na naglalakad lang paikot sa upuan.

"Napakawalang-kwenta naman ng mga dancers na 'to, parang hindi pasko." Nagtawanan ang audience sa sinabi ni Vin.

"Sure ka? Gusto mo ng dance moves ko?" Nag-thumbs up pa ako sa kaniya kung talagang hinahamon niyang ipakita ang natatago kong dancing skill. Tinawanan niya lang ako at tumango-tango.

Your UniverseKde žijí příběhy. Začni objevovat