17. Dark Matter

13 5 25
                                    



Evie

"Collaborative fiction lang," sabi ko at nginitian si Brent. Nasa cafeteria kami at kumakain ng lunch. Matamlay ang mga mata niya at hindi ganoong madaldal ngayon. Nakakapag-alala talaga kapag isang araw ay bigla na lang nagbabago ang ugali ng isang tao.

"Sorry talaga kung wala ako kahapon," mahina niyang paumanhin kaya agad kong tinapik ang kamay niya.

"Ano ka ba." Hinila ko ang upuan ko papuinta sa tabi niya. "Dapat nga maging proud ka sa 'kin kasi nagawa ko 'yon nang wala ka. Proud ka sa 'kin?" Ngnitian ko siya nang pagkalaki-laki habang nakaharap sa kaniya.

"Alam mo. . . ." Pinaglaruan niya ang pagkain niya gamit ang tinidor at tumitig doon. "Minsan natatakot ako . . . na masanay ka na wala ako." Tiningnan niya ako at tumawa nang pilit.

Hindi ko alam kung saan siya nanggagaling mula sa sinabi niya. Sabi niya dati gusto niyang maging confident ako, na hindi na ako natatakot, pero bakit ngayon. . . .

"Dati ayaw na ayaw kong uma-absent kasi alam ko kung anong nangyayari sa 'yo kapag sobrang natatakot ka. I feel so special, alam mo 'yon." Kinuha niya ang dalawang kamay ko at kiniskis niya 'yon sa isa't isa. "Gustong-gusto kong nagiging dependent ka sa 'kin."

Tahimik lang akong nakinig sa kaniya. Hindi ko alam kung ano'ng sumanib sa kaniya, o baka may nangyari sigurong sobrang lala sa pamilya niya.

"You okay?" Palihim kong binawi ang kamay sa kaniya at nag-thumbs up. Baka kasi nakatingin na ang ibang estudyante sa amin at kung ano pa ang isipin.

"Cutting tayo mamaya?"

Napaatras ako sa pagkakaupo at mabilis na umiling. "No, I can do everything you'll request, pero hindi ito." Tinaasan ko siya ng isang kilay.

That's one of the worst things I can do as a student. No'ng high school ako, naranasan ko nang mapagalitan diyan dahil akala ko ay cut na ang klase sa buong school, sinundo pa nga ako ni Kuya noon, pero kinabukasan, exemption pala 'yon sa teacher ko. Ayun, napagalitan ako.

"I know, I know, alam ko namang mabait ka kaya hindi mo magagawa 'yon." Tinawanan niya ako, pero halata pa rin ang tamlay sa boses niya.

"Oy, Brent." Lumingon siya sa akin. "Magayon cafe mamaya?"

At sa wakas, nakita ko na ang malaking ngiting kanina ko pa hinahanap sa kaniya.

Tinapos namin ang two hour class sa hapon kaya't two p.m. na rin kami nakalabas ng klase. Ngayong araw ay parang ako ang naging cheerer niya. Gusto ko talagang malaman kung ano'ng problema niya kaso about family, too confidential.

"Cheesecake 'tsaka cola," bulong ko sa tenga ni Brent dahil siya ang o-order ngayon para sa kakainin namin. Kaunti lang ang tao dahil nga nasa alas dos o alas tres pa lang ng hapon. Hindi pa uwian ng mga estudyante.

Naramdaman ko naman ang pagtulak niya sa akin habang hawak-hawak ang table number at naupo kami sa puwesto sa harapan ng glass wall. Hindi rinig sa loob ang busina at pag-andar ng mga sasakyan. Hindi rin namin ramdam ang init mula sa sinag na dala ng araw. Pinagmamasdan lang namin ito.

"Kumusta 'yong dating kaklase ng kuya mo? Lagi pa rin nakabuntot sa 'yo?" Napangiti ako nang maalala ang nangyari nang makasama ko si Gabriel pauwi sa amin, lalo na doon sa stargazing.

"Okay lang . . . okay lang naman." Wala na akong naidugtong dahil alam ko namang wala naman masyadong problema sa amin.

"Kapag masydado ka nang ginugulo sabihin mo sa 'kin," seryoso niyang sabi habang nakahalukipkip. Bahagya akong natawa at tumayo upang tumabi sa kaniya. Isinanday ko ang ulo ko sa balikat niya.

Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon