35. Light-year

6 2 0
                                    



Gabriel


Inip na inip akong nakatayo sa harapan ng apartment ni Evie habang nakatingin gate, naghihintay sa kaniya. January three na at hindi pa rin ako naliliwanagan sa sinabi niya noong bagong taon.

Gusto ko nga sana siyang puntahan pero naunahan niya na akong mag-message at sinabing kapag pumunta ako sa bahay nila ay babawiin niya ang sinabi niya. Magkahalong excitement 'tsaka kaba ang naramdaman ko dahil do'n.

Sabi ni Vin ay hapon daw makakarating dito si Evie kaya kahit na may client si Sir Dexter mamayang alas singko ay pinilit ko munang dumaan dito. Sana nga lang ay makauwi na siya bago mag-five para hindi ako mapagalitan sa tattoo studio.

Napangiti ako at napatuwid ng tayo nang makita siyang pumapasok sa gate, nakasimpleng shirt na kulay peach na naka-tuck in sa jeans niya. Nakasukbit ang backpack at bitbit ang travel bag na itim.

Napataas pa ang balikat niya nang mapatingin sa akin dahil sa gulat. Naglakad na ako upang salubungin siya, palaki nang palaki ang mga ngiti ko habang iniisip kung ano talagang meaning ng sinabi niya. Hindi naman ako tanga, okay? Gusto ko lang malinaw, baka mamaya nag-a-assume lang ako.

"Hi," bati ko sa kaniya sabay kuha sa travel bag niya na ayaw pa atang ibigay sa akin dahil sa nakakunot niyang noo.

"Bakit ka nandito?" mahina niyang tanong at sinabayan ang lakad ko.

"You don't want me here." Sanay na ako sa tuwing sinasabi iyon ni Evie kaya madalas ko na lang siyang binibiro na ayaw niyang nandito ako. Hindi naman kasi siguro siya sanay na laging may bumibisita sa kaniya rito, maski nga iyong kaibigan niya ata, hindi rin.

"Hindi, 'no," pagtanggi niya. Napatingin ako sa kaniya nang bahagya siyang nauna sa paglalakad sa gilid ko at tumingala sa akin. Guilt forming all over her face.

"Joke lang." Binuksan niya ang pinto at diretsong tinanggal ang sapatos niya. Kinuha niya ito at pumasok na sa loob. Sunod ay ako namana ang nagtanggal ng sapatos at sumunod sa kaniya.

Kumurba ang mga labi ko sa isang ngiti nang mapansin muli ang maliliit niyang paghakbang. Para siyang penguin, sinabayan pa ng little 'tap' 'tap' ng mga paa niya sa sahig.

"May pag-uusap tayong gagawin," banggit ko. Bigla niyang binilisan ang paghakbang sa hagdan at nauna nang nakarating sa kwarto niya. Normal lang ang bilis ng lakad ko at maingat lang na binitbit ang travel bag dahil baka may mabasag na kung ano rito.

Nang makapasok sa kwarto niya ay nakahiga siya sa kama niya habang nakalaylay ang mga paa sa gilid.

"Sa'n ko 'to ilalagay?" Idineretso niya ang braso niya papunta sa kaniyang gilid at tinapik-tapik iyon. Lumapit ako sa kaniya at inilagay ang bag sa direksyong sinabi niya.

Pagkapatong ay tinitigan ko siyang nakatingin sa kisame. Nang mapansin ang titig ko ay itinaas niya ang kamay niya at iniharang sa paningin ko para hindi makita ang mukha niya.

Lumakad ako sa harapan niya habang isinusunod pa rin niya ang kamay niya. Natawa ako at dahan-dahang ibinaba ang katawan ko. Itinukod ko ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ng ulo niya at lumapat nang tuluyan ang kamay niya sa mga mata ko.

Nanatiling nakabukas ang mata ko kaya nakikita ko nang kaunti ang mukha niya mula sa siwang ng mga daliri niya. Nang ibuka niya nang kaunti ang daliri niya ay nakita ko nang mas maigi ang mukha niya. Pinipigilan niya ang pagtawa sa ginagawa niya sa 'kin ngayon.

"Alam mo kung ano'ng kailangan mong gawin ngayon?" Umiling siya. "Magbihis ka na at mag-uusap tayo." Itinaas niya ang isa pang kamay at tuluyang tinakpan ang mga mata ko. Alam na siguro niya kung ano'ng pag-uusapan namin. Hindi ko man tingnan ang mukha niya ay alam kong nahihiya siya.

Your UniverseUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum