30. Moon

12 3 37
                                    



Gabriel

Pagkababa at pagkabayad ko sa tricycle ay gulat na gulat akong tumingin sa kalagayan ng labas nina Evie. May mga bisita at hindi ko kilala kung sino ang mga ito. Pinapahiram pa sana sa 'kin ni Daddy 'yong kotse niya, pero tinanggihan ko. Baka sabihin dito na nagpapalakas lang ako.

Inihaba-haba ko pa ang leeg ko para makita nang maigi kung sino ang mga ito. Tumapat ako sa gate at mukhang wala namang nakakapansin sa akin, dahil na rin siguro sa madilim na sa labas.

Nang makita ko si Vin na kakalabas pa lang ng pinto ay agad ko siyang kinawayan ng kamay kong walang hawak. Ang isa kasi ay bitbit ang paperbag na pinaglalagyan ng pasalubong ko kay Evie.

Maski siya ay gulat din sa biglaan kong pagsulpot dito. Nakakunot ang noo pero nakangiti rin.

Lumapit siya sa akin at binuksan ang gate. Nakita ko na rin ang paglingon-lingon sa akin ng iba nilang bisita.

"In-invite ka ni Evie?" tanong niya kaya't napangiti ako nang pilit. Baka isipin nitong si Vin na napakakapal ng mukha kong pumunta rito nang walang invitation.

"Wala. Hindi. Akala ko wala kayong bisita, pare, sorry." Napasuklay ako sa buhok ko nang tuluyan nang makuha ko ang atensyon ng karamihan sa bisita nila. Nakakahiya.

"Okay lang. Nakakagulat ka lang talaga. Pero wala namang problema kung nandito ka, 'no." Tinapik niya ako sa likod at naglakad na rin ako kasabay niya.

Nag-bow lang ako nang kaunti sa mga taong nakatingin sa akin at ngumiti. Baka mamaya kamag-anak pa ito nina Evie, kailangan ko talagang magpalakas. Mukhang mga tito't tita niya dahil mga singkit din ito.

Magkakamukha man ang mga mata nila ay mas gusto ko pa rin ang kay Evie. They have similarities, but Evie has distinctions.

Dumiretso kami sa loob at naabutan kong may mga bata roong naglalaro. Kinawayan ko sila pero pagtitig lang ang ibinalik sa akin.

"Upo ka muna diyan. Mamaya may mini-party silang gagawin, sumali ka." Natawa ako at ipinatong muna ang paper bag sa lamesang maliit at saka umupo. "Kumain ka na pala?" pahabol niyang tanong.

"Oo, kumain na 'ko sa bahay bago umalis." Tinanguan niya ako at tuluyan nang umalis papunta sa kusina. Mukhang tinutulungan si Tita sa kung anong inaasikaso nila.

Napalingon ako sa itaas nila at hinanap si Evie. Sure ako na nasa kuwarto siya dahil sa napakaraming tao rito sa baba. Inilabas ko ang cellphone mula sa bulsa ko at agad na ch-in-eck ang message inbox ko kay Evie.

Hindi man lang niya ako hinanap sa tagal kong hindi nag-send ng message sa kaniya. Wala naman akong tampo, 'no. Ako pa? Minsan iniisip ko lang na ano kayang feeling ng siya ang unang nagme-message sa akin at hinahanap ako—pero gaya nga ng sinabi ko, wala naman sa 'kin kung hindi, okay na okay lang talaga.

Gaya ng laging ginagawa, ako na ang nauna. 'Hi, Evie, Merry Christmas. Sa'n ka?' Nakangiti kong pinindot ang send.

Napatingin ako sa batang mahinang humampas ng laruang hawak sa tuhod ko. Sa tingin ko ay mga nasa three years old ito. Lalaki siya at ito 'yong batang nakatulala lang sa akin mula nang makapasok ako. Nginitian ko siya at kumaway nang maliit.

Hindi pa rin natitinag ang pagtitig niya sa akin. Ngayon lang ata nakakita ng mukhang ganito, well, naiintindihan ko naman siya dahil sobrang gwapo ko.

Tiningnan ko ulit ang cellphone ko nang tumunog ito.

'Secret.'

Palihim akong natawa at tumayo. Pumunta ako sa kusina nila at nadatnan si Tita na nagluluto.

Your UniverseWhere stories live. Discover now