16. Asteroid

6 5 24
                                    



Evie

Mga mabagal at malalim na hininga ang ginagawa ko. Hindi lang naman ako ang nasa loob ng classroom, pero feeling ko ay mag-isa lang ako. Wala si Brent dahil may family emergency lang daw na kailangan siyang puntahan.

No'ng una ay nagpupumilit pa nga na kahit kaunting oras lang ay papasok siya para masamahan ako, kaso hindi pwede 'yon, mas importante naman ang familya niya kaysa sa 'kin.

Siguro ay kailangan ko na ring masanay. Pinagmasdan ko ang kamay ko at pingsaklop iyon. Kung kaya ko lang sanang kontrolin ang panginginig nito.

Huminga ako nang sobrang lalim mula sa ilong at mabagal na ipinalabas ang hangin sa bibig ko. Kung kaya ko lang sanang pakalmahin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Kung kaya ko lang na maging matapang sa mga bagay na ganito.

Collaborative fiction.

Isa sa activities na pinakaayaw ko. Working with other people? No way. Okay lang kung si Brent ang kasama ko, pero wala siya ngayon. Alam kong walang pipili sa akin dahil hindi naman ako gano'n kagaling.

Tiningnan ko sila na nasa kaniya-kaniya na nilang puwesto. And here I am, sa second to the last row ng mga upuan, mag-isa, parang mamamatay na sa kaba.

Kung pwede lang talagang gumawang mag-isa. Kaya isinusumpa ko talaga ang group activities.

"Kulang pa tayo isa, 'yon si Evie wala pa yata," rinig kong may nagsalita sa gilid.

Kahit ayaw kong gumawa na may kasamang ibang kagrupo, sana ay ako na lang ang piliin nila.

"Evie," tawag ni Chino sabay kalabit sa akin. Agad ko siyang tiningnan at nginitian. "May ka-group ka na? Sa 'min ka na lang." Halos sumayaw ang puso ko nang ayain niya ako. Sa pag-o-observe ko sa mga kaklase ko ay isa siya sa alam kong mabait. Hindi ko man siya ka-close ay magaan siya pagdating sa iba.

"S-sige." Naupo sila sa mga bakanteng upuan na nasa gilid ko habang dala-dala ang mga papel at ballpen nila. Muli kaming tumayo upang gawing pabilog ang puwesto ng mga upuan upang magkausap-usap kami nang maayos.

"So gagawa raw tayo ng short story, 'di ba?" tanong ni Chino na tinanguan ko lang.

"Oo, may ibibigay na prompt."

Ako lang ang tahimik sa grupo samantalang sila ay nagkukuwentuhan nang saglit habang may inaayos ang prof namin.

Ramdam ko ang unti-unting paghina ng mabilis na tibok ng puso ko. Hindi na gaanong nanginginig ang mga kamay ko, parang namamanhid na lang ito at may tumutusok-tusok na kung anong matulis dito. Pero 'yong raging thoughts, nandito pa rin, na no choice lang sila sa 'kin kaya ako ang napili, na baka wala akong maitulong.

Alam kong magagaling sila, at hindi ko kayang maabot 'yon.

"I have written prompts here." Itinaas ni Mrs. Ramona ang maliliit na papel na nakatupi. "I'll just give you thirty minutes. It's up to you how you will divide your time in planning and writing."

"Thirty minutes lang talaga?" reklamo ni Aiza kay Chino na tinawanan lang nito.

I think thirty minutes is okay for a short story—kung mag-isa nga lang ako. Hindi ko alam kung kaya namin ito ng thirty minutes, pero sa tantsa ko, kaya naman.

"The topics covered over here consist of different genres. Who among you has a forte in horror?" Iilan lang ang nagtaas sa kanila.

Hindi pa ako nakakabuo ng isang horror story, usually ay young adult and romance ang forte ko. Pero syempre, gusto kong mag-explore pa nang mas marami roon.

Your UniverseΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα