40. Void

7 2 0
                                    



Evie


"Tapos ka na sa Cosmos Starr?" Makulimlim pa sa labas ng classroom. Seven a.m. ang klase, at six thirty pa lang ngayon, kakaunti pa lang kami.

"Hmm, may ending na, editing na lang." Napahinga ako nang malalim.

Kailangang maging maayos ng manus para mapili iyon. Hindi naman hundred percent ang tiwala ko na makukuha iyon, pero gagawin ko na lang din ang best ko. Hindi ko naman isinulat 'yon para mapili ngayon, isinulat ko iyon dahil gusto kong isulat, ma-publish man o hindi.

"Galingan mo. Kasama ba sa rules na pwedeng magpa-edit o proofread sa mga professionals?"

"Pwede raw."

"Ba't di ka na lang mag-hire?"

"A-ayoko." Isipin ko pa lang na nakikipag-usap ako sa ibang tao tungkol sa mga plano at kailangang baguhin sa novel na isinulat ko, parang hihimatayin na ako. I can't talk that long. Baka wala rin siyang makuhang ideas sa 'kin, wala ring kwenta.

Nang tumapat na ang oras sa seven a.m. class ay nagdatingan na rin ang mga kaklase at prof namin.

"Good morning, BAL-3," bati niya sa amin na ginantihan namin ng kalmadong bati.

She's not a terror, I think. Okay lang, approachable naman na medyo istrikto. Hindi naman ako close sa mga prof kaya hindi ko talaga alam ang ugali niya. Pero kung ide-describe ko ang nararamdaman ko sa klase niya, medyo kabado, sana ay matapos agad ang oras.

"I have given you readings about Southeast Asian Literatures, right? We'll be having a group discussion about it."

Nagsimula na namang kumalabog ang puso ko. I hate group discussions, lalo na kung hindi ko ka-group si Brent. Hindi ko gamay 'yong mga ugali nila.

Pano kung ayaw nila akong ka-group kasi mahina ako, kasi hindi ako magaling magsalita sa harapan? Baka mapilitan lang sila sa akin. Pa'no kung may sinasabi na silang masasama sa 'kin?

"Count to five." Itinuro niya ang mga nasa harapan para simulan ang pagbilang. Mukhang wala na nga akong magagawa.

Naramdaman ko ang pagtayo ni Brent sa tabi ko.

"Wala nang lilipat," matigas na utos ng prof namin habang nakatingin kay Brent. Nalipat lahat ng paningin sa kaniya. Nakangising umupo siya ulit at nagsimula na ulit ang pagbilang.

"Sayang," bulong niya at tumingin sa akin. "Kaya mo 'yan. Basta, 'wag ka lang mahihiyang magbigay ng ideas mo, walang maling ideas, okay? At isipin mo lang na wala silang sinasabing masama sa 'yo dahil wala ka namang maling ginagawa," pagpapagaan niya ng loob ko.

Tumango na lang ako kahit na napakahirap ng sinabi niya. Kahit utusan ko ang sarili ko na 'wag nang isipin ang sinasabi ng iba, hindi naman gagawin ng utak ko iyon. Sa tingin ko, andami kong maling ginagawa. Parang . . . deserve ko lahat ng iniisip nila.

Group one ang napunta sa akin at group two naman si Brent. Nang maglipatan ay nakita kong kagrupo ko si Aeven na hindi nakapagpaambag ng kakalmahan sa loob ko. Nagta-tumbling na 'yong sikmura ko.

Nagsimula na rin kaming bigyan ng topic at ang napunta sa amin ay The Spirit of Buddhist Mainland Literature.

Sinabihan din kami na ang ilalagay sa presentation ay mga words lang at ipapaliwanag lang. Bakit ba napakasama ng araw sa akin ngayon, ang gusto ko ay magsulat, hindi maging public speaker.

Noong pinili ko ito, akala ko ay ligtas na ako sa pagsasalita, pero hindi pala. Sinasabi rin ni Brent na mahalaga pa rin ang public speaking sa isang writer, makakatulong iyon sa marketing. Ang sinabi ko na lang ay magiging anonymous writer na lang ako gaya ni Bob Ong, mas tahimik ang buhay.

Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon