*Chase 39*

655 11 1
                                    

Nica POV

"Hey, careful. Hindi pa magaling ang tahi mo."- nag aalalang sambit ni Nico at inalalayan akong makatayo.

"Ang O.A ah, ayos lang ako hindi naman masakit ang tahi ko."- natatawang sambit ko na ikinasimangot naman nito kaya di ko maiwasang hindi matawa.

"Ang cute mo talaga sumimangot, isa pa nga."- biro ko pa na sinunod naman nito kaya di ko napigilang tumawa ng malakas.

"Uto-uto."- natatawang pahayag ko na ikinagulat niya.

"Ikaw ah, nang aasar ka na naman. Pag ako..."- anito na parang nanghahamon kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"May problema ka Mister?"-

"Wala po Misis, di naman papalag e."- nakangiwing sambit nito. Pinisil ko naman ang ilong niya, ngumiti lang sya sa akin at kinindatan ako.

Nakuuuu.. nagpapacute na naman siya hahaha

Inalalayan niya ako paupo sa wheelchair, nang makaupo ako ay agad naman niya akong itinulak papuntang ward kung nasaan ang anak ko.

Kagat labi akong naghihintay habang inaayos ng nurse ang damit ng anak ko bago niya ito ipakita sa amin. Nang buhatin ito ng nurse at ilapit sa salamin na pumapagitna ng distansya namin ay di ko maiwasang maiyak.

'Ang ganda niya.. ang ganda ng anak ko.'

"Hey, don't cry.. look at her, she's so beautiful. Just like you."- nakangiting puri niya sakin.

"Y-yeah.. gusto ko siyang mahawakan."- ani ko habang nakatingin pa rin sa prinsesa ko..

"Later. Anyway, have you gave her a name already?"- tanong ni Nico sa akin.

"Yeah.. Kiella Zabrielle."- wala sa sarili kong sagot.

Hindi man ako nakatingin sa kanya ay alam kong sumimangot ito dahil sa sinabi ko.

"Really? You're naming her just like him--"-

Sinamaan ko siya ng tingin kaya hindi na niya itinuloy ang sinabi. Ngumisi siya sa akin at nag peace sign.

"Joke lang. Ang ganda naman ng name niya."- halata sa boses nito ang sarcasm pero ngumiti lang ako habang nakatingin pa rin kay Kiella.

She's indeed a beauty.

From her long eyelash, down to her little but pointed nose and those lips.. ang ganda ganda ng anak ko.

Hindi ko maiwasang maluha, di ako makapaniwalang may anak nako at kasing ganda pa niya.

Nagising ako sa pag iisip ng marinig ang iyak nito. Nag aalala akong tumingin kay Nico pero nakangiti lang ito sa akin.

"Let's go, its time for breastfeeding, I think she's hungry."- anito na ikinabigla ko.

So, mahahawakan ko na siya? Omygod! I don't know what to say.

"Relax Nics.. I know it's your first time."- pagccheer up nito sa akin.

Dinala ako ni Nico sa room kung saan ako galing kanina, hindi naman kami nag antay ng matagal dahil maya maya lang ay dinala na ng nurse si Kiella sa kwarto ko.

"Hi Ma'am, it's time for breastfeeding po."- nakangiti nitong sabi.

Madami pa syang sinasabi, kung paano ang gagawin ko sa pagpapadede. Lutang na lutang ako sa sobrang saya, nakatingin lang ako sa anak ko na nasa dibdib ko na.

Gusto kong umiyak pero pinigil ko ang sarili ko. Maya maya pa ay ipinalabas na sa akin ng nurse ang right breast ko. Natawa ako ng biglang umubo si Nico, pag tingin ko ay iwas ang tingin nito at namumula ang tenga.

Chase By The Sex Addict (COMPLETED/UNDER REVISION)Where stories live. Discover now