*Chase 5*

5.7K 135 9
                                    

Nica POV

Malaki ang ngiti ko habang papalapit kila Nico para batiin ito sa pagkapanalo. Di ko maiwasang di kiligin dahil sa excitement sa date na mangyayari after ng game na'to.

I can't wait to be with him.

"Nico--ouch! Ano ba?!"- angil ko ng may humablot ng braso ko.

It's him again. Tinignan ko sya ng masama pero di man lang sya natinag. 

"Let go! What do you want?!"- gigil na wika ko at pilit na inaalis ang kamay nya sa braso ko.

Napapangiwi na ako sa sakit dahil kada hawak ko sa kamay nya para alisin ay humihigpit ang hawak nya dito.

Ano na naman bang problema ng ungas na'to!

"Nasasaktan ako.. Ano ba!"- sigaw ko sa kanya pero di parin sya natinag... nginisian nya ako at biglang kinaladkad na muntikan ko ng ikatapilok.

"Move your pretty ass for me, can you."- tila nang aasar na saad nito na ikinapula ng mukha ko dahil sa hiya.

"A-ano ba! Bitawan mo ako! Nico! Nico!"- sigaw ako ng sigaw hanggang sa makita ko nalang ang sarili ko na lumulutang.. binuhat nya ako .... na parang sako. 

Lalo akong nagpumiglas dahil sa ginawa nito, alam kong pulang pula na ngayon ang mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan.

"Uggh! I-ibaba mo 'ko! N-nahihilo ako! Aaaaahh! Nico!!"- damn .. asan na ba yung magaling kong boyfriend. Arrgh!

"Shut up."- saway nya sa akin tsaka pinisil ang pwet ko kaya napaigtad ako sa gulat. 

"B-bastos!"- 

"Yamamoto! Bitawan mo sya!"-rinig kong sigaw ng boses ni Nico.

Nag-angat ako ng tingin para tignan kung nasan na ba si Nico at nakita ko na syang papalapit sa amin.

"Let me go!"- I scream in annoyance and still try to get down and move away.

"Gago ka!"- 

"Aaaaaah!"- sigaw ko sa gulat ng bumagsak kami ni Kiel sa sahig.

"Fvck!"- 

"Gago ka! Hayop!"-

Napadilat ako ng mata para tignan ang nangyayari. Ohmygod!

"Hoy!  Tumigil kayo! Ano ba! Nico.. tama na!"- pag aawat ko sa kanila ang kaso di man lang nila ako pinansin at itinulak pa ako ng magaling kong boyfriend at nagpatuloy sa pakikipagsuntukan kay Kiel.

"Tama na! Kiel!"- sigaw na awat nila Captain Klaze at lumapit na sa mga ito dahil nasa court na sila at nagsusuntukan.

Dali dali naman akong bumangon kahit na masakit parin yung pwetan ko dahil sa pagkakabagsak ko kanina.

"Pare tama na."- nakahinga lang ako ng maluwang ng makitang nakiawat narin yung mga teammates nila. Buti naman akala ko tutunganga lang silang lahat doon eh.

"T*ngina mo! Hayop ka, I told you to stay away from her! Damn you!"- sigaw ni Nico kay Kiel.

Agad akong lumapit dito at niyakap sya kaya naman natigilan sya saglit.

"Tama na..please.."- naramdaman ko nalang ang yakap nya sa akin at paghalik nya sa ulo ko.

Unti unti narin nagiging normal ang paghinga nya senyales na humihinahon na sya.

"Ano bang pumasok sa utak mo at kinakaladkad mo si Nica? Saan mo sya dadalhin?"- tanong ni President Zairon at masama rin ang tingin kay Kiel. 

Hindi sya sumagot at nakatingin lamang sa amin ng masama.

Chase By The Sex Addict (COMPLETED/UNDER REVISION)Where stories live. Discover now