*Chase 24*

1.8K 48 30
                                    

A/N: Hi

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

A/N: Hi .. ito na ang update. Sorry kung ang tagal. Busy kasi ako sa paggawa ng thesis namin. Pasensya na sa paghihintay. Sana magustuhan nyo ang chapter na'to ^_^

Happy 55.5K reads at 1.7K votes para sa story na'to and Highest rank #13 in RIVAL . Thank sa walang sawang pagsuporta. Sana suportahan nyo ito hanggang sa huli.

Enjoy reading. ♥

Nica POV

Pagkatapos ng klase namin ay agad akong naglakad papunta sa sakayan ng jeep, pupuntahan ko si Nico, we need to talk about it. Hindi kasi ako makatulog ng maayos dahil sa mga sinabi ng babaeng yun, kung sino man sya lagot sya sakin pag nalaman kong gumagawa lang sya ng kwento para sirain ang relasyon namin ni Nico.

Tsaka lately, medyo di na kami nakakapag-usap ni Nico, lagi syang tumatawag sakin para kamustahin ako at sabihing medyo busy sya kaya di nya ako nasusundo at naihahatid sa bahay namin. Naiintindihan ko naman sya sa parteng yun dahil mahirap naman talagang pagsabayin ang pag-aaral, training sa basketball at pagtulong sa business ng pamilya nya. 

"Nica! Wait up! Nica!"- agad akong tumigil ng marinig ko ang boses ni Mika na tumatawag sa pangalan ko. Tumakbo sya papalapit sa akin.

"Bakit?"- tanong ko sa kanya ng makalapit sya sakin. Kunot-noo naman syang tumingin sa akin na tila di nya naintindihan ang sinabi ko.

"Diba magmomovie marathon tayo sa bahay? Dont tell me nakalimutan mo?!"- nakasimangot na sambit nito. Nakagat ko ang ibabang labi ko at napangiwi. Hehe.. takte, nakalimutan ko.

"Sorry.. nakalimutan ko."- 

"Saan kaba pupunta? Parang nagmamadali ka, susunduin kaba ni Nico?"- agad akong napaayos ng tayo dahil sa sinabi nya. Napabuntong hininga ako at umiling bilang sagot.

"Busy parin? Mag-iisang ling---"-

"Kaya nga pupuntahan ko na sya baka sobrang busy nya lang kaya di nya ako mapuntahan dito."- ngumiti ako ng pilit sa kanya.

Tinignan lang nya ako na parang may gusto nyang sabihin pero di naman nya ibinubuka ang kanyang bibig.

"Sige Mika.. next time nalang ha? Babawi ako sa inyo ni Angeline promise."- i kiss her cheek at tumakbo papunta sa sakayan ng jeep.

Pumunta muna ako sa school nila para tignan kung nandun pa ba sya, pinapasok ako nung guard dahil kilala naman ako nito bilang girlfriend ni Nico Yoshioka, pumunta ako sa gym para tignan kung nandun sila ng mga teammates nya,naabutan ko ang mga teammates nya na nagpapractice pero wala sya doon.


Nakita ko din sila  na common ng kasama ni Nico.

"Oh Nica.. ikaw pala, hanap mo si Nico?"- lumapit sa akin si Josh, isa sa mga ka-teammates ni Nico. Ngumiti ako ng konti sa kanya at tumango.

Chase By The Sex Addict (COMPLETED/UNDER REVISION)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt