*Chase 37*

985 25 21
                                    

A/N: HAPPY 100K READS. LOVELOTS GUYS💕

HERE'S THE UPDATE. SORRY FOR THE SUPER LATE UPDATE, BUSY KASI SA BAGONG BUSINESS E. KAILANGAN KUMITA, WALANG TRABAHO E.

KEEP SAFE GUYS. GODBLESS YOU ALL💕

.
.
Nica POV

Tahimik akong umiiyak sa waiting area habang nakatingin sa operating room kung saan dinala si Kiel. Natawagan na rin ng nurse ang magulang niya at nakakadagdag iyon sa kabang nararamdaman ko.

Kanina bago siya maaksidente, ang sabi ng mga dumukot sa akin ay kakausapin lang daw ako ng boss nila, pero nataranta sila ng bigla kaming habulin ni Kiel at hindi rin daw nila inaaasahan ang aksidente, agad nila akong pinakawalan at humarurot ng alis dahil sa takot na baka mahuli sila ng pulis.

"Where's my son!!"- agad akong napatayo sa gulat at kaba ng marinig ang pamilyar na tinig na iyon.

Nang dumapo sa akin ang paningin niya ay agad siyang lumapit sa akin at hinigit ang braso ko.

"W-what happen?! Where's my son?!"- nanginginig na tanong ng Mommy ni Kiel sa akin.

Naluluha ang mata niya at bakas ang takot at kaba sa maganda nitong mukha. Nasa tabi rin ang Papa ni Kiel na tahimik lang ngunit halatang galit.

"N-nasa operating room po--"-

"What?! What actually happen?! Bakit siya naaksidente?!"- tuluyan na siyang umiyak habang nakakapit ng mahigpit sa braso ko.

Umalalay sa kanya ang asawa niya at pinaupo siya sa waiting area. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya.

Ano kayang magiging reaksyon niya kung sasabihin kong dahil sa akin ay naaksidente ang anak niya? Paniguradong magagalit siya ng husto.. natatakot ako.

"Uhm---"-

"Are you the guardian of Mr.Yamamoto?"- biglang singit ng doctor galing sa loob ng O.R kaya di ko natapos ang sasabihin ko.

Agad kaming napatayo pero tumingin ng masama sa akin ang Mama ni Kiel kaya napahinto ako sa paglapit.

"Don't you dare cross the line. Hindi ka kasapi sa pamilya namin kaya makakaalis kana."- she said while glaring at me.

"P-pero po---"-

"Hija.."- biglang untag ng asawa nito kaya napahinto ako sa sasabihin ko at tinignan siya.

He looks calm but i know he's worried at the same time angry of what happen. Hindi ko naman sila masisisi kung pagbibintangan nila akong may kasalanan kaya naaksidente ang anak nila dahil ako ang kasama ngayon ni Kiel.

"You should head home, take a rest. We'll take care of it. We'll inform you once he's awake, we know he'll look for you. But for now, i want you to get out of here."- aniya sa mahinahon na tono.

Mahinahon iyon pero feeling ko sinigawan niya ako, ang bigat ng pakiramdam ko at ramdam ko ang pag iinit ng sulok ng mga mata ko. Suminghot ako at tumingin sa kanila pero naglalakad na sila palayo kasama ang doctor kaya di ko na napigilan ang pag iyak ko.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa amin ng hindi naaaksidente, pagkapasok ko ng pintuan ay bumungad sa akin si Mama na nag aalala. Agad siyang lumapit sa akin.

"Anak, anong nangyari sayo? Bakit namamaga ang mata mo? Sinong umaway sayo? May nanakit ba sayo? Sabihin mo!"- sunod sunod na tanong niya.

Lalo akong naiyak kaya di ko napigilang yakapin si Mama habang humahagulgol. Inalo alo naman niya ako hanggang sa di ko namalayang nakatulog pala ako.

Chase By The Sex Addict (COMPLETED/UNDER REVISION)Where stories live. Discover now