*Chase 15*

3.2K 79 8
                                    

A/n: Hi @cessieyappy16.. this chapter is dedicated to you... thank you voting and commenting to my story.. i hope you'll like my work.. hehehe ^_^ thank you. :* 

Enjoy reading .. ♥ 

---------------

Nica POV

Agad akong napabalikwas ng bangon ng makarinig ako ng mga kalabog mula sa labas ng kwartong kinalalagyan ko. Mabilis kong pinahid ang mga luha sa mukha ko at huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng sunod sunod parin ang mga kalabog mula sa labas. Alam kong nanggagaling iyon mula sa paligid ng bahay na'to, may problema ba? Ano kayang nangyayari sa labas?

*BANG BANG*

"AAAAHHH!"- agad akong napatakip sa ulo ko ng makarinig akong putok ng baril mula sa kung saan.

Nagsimula na namang tumulo ang luha ko dahil sa takot. Sigurado akong putok iyon ng baril... pero bakit? sinong may gawa nun?

Napatalon ako sa sobrang gulat at takot ng makitang bumukas ang pintuan ng kwartong kinalalagyan ko. Pinagsiksikan ko ang sarili ko sa gilid ng cabinet para magtago, baka kasi kung sino yun eh... natatakot ako.. lalo na't may naririnig parin akong mga putok ng baril at may mga kalabog sa baba.

"Nica?! Asan ka?!"- sigaw ng pamilyar na boses, natatakot man ay unti unti akong sumilip para tignan kung sino iyon.

Parang gusto ng lumabas ng puso ko sa sobrang kaba, takot, at kung ano ano pang emosyon na nararamdaman ko ngayon. 

"Nica? Andito ka ba?!"- nang makumpirma kong SYA nga ang sumisigaw ay agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at tumakbo palapit sa kanya.

 Agad ko syang dinamba ng yakap at napapikit habang yakap ko sya, nanginginig ang mga tuhod ko sa takot na baka imahinasyon ko lang sya.. na baka bigla nalang syang maglaho kapag idinilat ko ang mata ko para tignan sya.. ayokong dumilat... gusto ko ng umalis dito..

"Hey... ayos ka lang ba?"- malumanay na sambit nya at pilit akong inilalayo sa pagkakayakap ko sa kanya pero di ako pumayag, mahigpit ko syang niyakap habang unti unting dumadaloy ang mga luha ko sa magkabila kong mata.

"No..please.. dito ka lang.. w-wag mo 'kong i-iwan  i-iuwi mo na ako.. p-please... Z-zairon... iuwin mo n-na ako.. a-ayoko na d-dito.."- i said between my sobs.. hinagod nya ang likod ko para patahanin ako.. di ko alam kung paano nya nalaman na nandito ako pero.. di bale na.. ang mahalaga ay matutulungan nya akong makaalis dito.

"Sshh... tahan na.. iuuwi na kita.. promise.. i won't leave you here.. hush now.."- mahigpit kong hinawakan ang t-shirt nya para siguraduhing di nya ako iiwan.

Natauhan kaming pareho ng makarinig kami ulit ng mga putok ng baril kasabay ng mga kalabog na nanggagaling sa baba.

Napalingon kaming pareho sa pintuan ng makarinig kami ng kalabog galing dito. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isa sa mga kaibigan ni El at may hawak syang baril.

Nagulat din sya ng makita nya ako at kasama si Zairon... itinutok nya ang baril sa amin kasabay ng pagtutok din ni Zairon ng baril sa kanya. 

Napaawang ang aking labi sa gulat... t-teka.. di ko nakitang may baril na hawak si Zairon aah... s-saan galing yun?

"Give her to me.. before i shoot you."- nagtaasan ang balahibo ko sa buong katawan dahil sa lamig at tapang ng boses ni Lero... yung kaibigan ni El.. parang kanina lang ang lungkot at normal naman ang boses nya.

Nakakatakot sya ngayon dahil seryoso ang mukha nya habang nakatutok parin ang baril kay Zairon.

Agad akong tinago ni Zairon sa likod nya at matapang na hinarap si Lero habang nakatutok din ang baril na hawak nya dito. Mas lalong nagwala ang puso ko dahil sa nangyayari, kinakabahan ako... paano kung magbarilan sila sa harap ko? Di ko ata kakayanin yun.

Chase By The Sex Addict (COMPLETED/UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon