*Chase 36*

921 19 3
                                    

A/N: HAPPY 95K reads💕

Thank you for still supporting this story😊 sorry for the late update, the ending is near😊 lol

Happy reading. Please do vote and leave some comment. Thank you💕

~Ate_Ja🍀
.
.

Kiel POV

Panaka naka akong tumitingin kay Nica na nasa hanay ng mga babae sa kaliwa, nakapila kami ngayon dahil nagpapractice kami ng sasayawin sa graduation.. ewan ko ba kung bakit gusto pa nila kaming pasayawin magrereklamo sana ako pero ng tumingin sa akin si Nica ng nagbabanta ay tumahimik nalang ako.

'Shit! Di pa naman ako marunong sumayaw. Fvck!'

"Kiel! Move forward, ano ba?!"- sita sa akin ni Mrs. Santos, napangiwi ako at agad na umabante sa pila.

Tatawa tawa naman sila Lei na nasa likod ko kaya sinamaan ko sila ng tingin, may tinuturo sila sa gilid ko at ng makita ko kung saan sila nakaturo ay agad akong umayos ng tayo.

Pano kase.. si Nica, nakapameywang at masama ang tingin sa akin. Damn.

Sa sobrang lutang ko di ko na namamalayan kung anong nangyayari sa paligid ko, ilang araw din akong di makatulog ng maayos.. naalala ko kasi lagi yung sinabi ni Mandy, kaya di ko maiwasang mag isip. Lagi akong nakabantay sa kilos ni Nica, sinusundan ko siya kung saan siya pumunta.. ewan ko lang kung napapansin niya 'ko, daig ko pa stalker e.

2hours kaming nagpractice ng sayaw, inis na inis sakin ni Mrs. Santos dahil mali mali ang steps ko pero di ko siya pinapansin. Sinabi ko bang magaling akong sumayaw? Tsk. Bahala sila.

After the practice ay agad akong lumapit kay Nica, kunot ang noo niya na nakatingin sa akin.. mali sa likuran ko kaya bago pa ako makalapit sa kanya ay lumingon na ako sa likuran ko.

And there i saw him. Nico Yoshioka. What the fvck is he doing here?

"Hi Nics. Can we talk?"- nakangiting bati nito, tila di ako nakita.

Napatingin sa akin si Nica na nakataas ang isang kilay, tila sinasabing 'anong kailangan mo?' kaya di ko maiwasang umasim ang mukha ko.😒

"Let's eat together."- aya ko sa kanya, nakita ko si Nico na tumingin sa akin pero di ko siya pinansin.

Tumingin siya sa akin bago tumingin ulit kay Nico.

"Can we talk later? Nagugutom na rin kasi ako."- aniya na may ngiti sa labi.

Napasimangot ako at sinamaan ng tingin si Nico na matamis na nakangiti kay Nica. Nang tumingin siya sa akin ay ngumisi siya bago nagpaalam.

'Ano kayang ginagawa ng gagong yun dito? Don't tell me sumadya talaga siya dito para lang makausap si Nica? Tsk. As if naman na papayag akong--'

" Hoy Kiel. Ano na?"- napamaang ako ng marinig ang inis na tono ni Nica. Maka'hoy' tsk.

"Akala ko ba kakain tayo?"- iritadong sambit niya.

Napatango tango ako at nakangiwing ngumiti sa kanya.

"S-sorry baby--"-

"Shut up. Gutom na'ko!"- pagpuputol niya sa sasabihin ko kaya di ko maiwasang mapangiwi.

"Y-yes baby! Saan mo gustong kumain?"- nakangiting tanong ko, di alintana ang paghihimutok niya.

Nag isip isip muna siya kaya malaya ko siyang pinagmamasdan, kaso di ko maiwasang maikunot ang noo ko ng makitang nagkakamot siya sa tiyan niya habang nag iisip ng kakainin. Di ko masyado pinansin iyon dahil baka ganon lang siya pag gutom. Biglang lumaki ang ngiti niya ng makaisip ata ng kakainin niya.

Chase By The Sex Addict (COMPLETED/UNDER REVISION)Where stories live. Discover now