*Chase 2*

7.7K 159 4
                                    

Nica POV

"Hey... Nica .. you okay? Bakit dito ka sa sofa natulog?"- nag aalalang tanong ni Mika, tuluyan ko ng iminulat ang mata ko ng marinig ko ang boses niya.

"Yeah."- walang buhay kong tugon sa kanya at dahan dahang umupo sa kama ko. Inalalayan naman nila ako tsaka tumabi sa akin.

"May masakit ba sayo?"- tanong pa ni Angeline. Ngumiti lang ako ng konti... nanghihina ako, gutom na ako eh.

"Nagugutom ako."- nakasimangot na sagot ko sa kanila.

"Talagang magugutom ka eh 9pm na. Ano bang nangyayari sayo?"- nakasimangot na tanong ni Mika.

"Pagod lang ako."-

"Mapapagod ka talaga.. tinakbuhan mo ba naman kami at di kapa pumasok. Tell us, may iniiwasan kaba?"- tanong ni Mika ulit.

Napakamot ako sa aking ulo dahil sa sinabi niya.

"Wala... at sino naman ang iiwasan ko aber?"-mataray na tanong ko dito.

"Uhm.. yung mga manliligaw mo? I guess."- nakangiting sambit nito. Napailing iling nalang ako.

"Just give me food. Nagugutom na ako."- napasimangot naman sya dahil sa sinagot ko.

Wala akong balak sabihin sa kanila ang nangyari .. ayokong malaman nilang muntikan na akong marape ng demonyong Kiel na yon.

"Sige.. bibili nalang kami sa canteen ng pagkain mo. Alam mo namang hindi kami marunong magluto diba?"- nakangising saad nito kaya natawa kami.

"Whatever... sige na.. nagugutom lang ako lalo eh."-

"Demanding ah, pasalamat ka mabait kami!"- nagmamalaking saad ni Mika.

"Edi thank you."- pang aasar ko sa kanya.

"Heh! Lagot ka sakin pagbalik namin."-

"Hahahaha! Biro lang, sige na bilhan nyo na ako please?"- sabi ko at nagpacute pa nga na ikinatawa ng mga ito.

"Heh! Ampanget mo, papacute kapa."- pang aasar nito sa akin. Akmang babatuhin ko na ito ng unan pero natatawa silang tumakbo palabas kaya natawa nalang din ako sa reaksyon nila.

Ang kukulit.

Napabuntong hininga ko ng ako nalang mag-isa ... kahit ayokong magsinungaling sa kanila ay kailangan kong gawin. Alam ko namang hindi nila ako pandidirihan sa nangyari pero kasi ..... AKO MISMO ay nandidiri sa sarili ko.

That son of a b*tch. Walangya sya!

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng marinig ko ang katok sa pintuan. Kumunot ang noo ko dahil imposibleng sila Mika yun.

Ang bilis naman nilang nakabalik samantalang ilang building pa ang pagitan ng dorm namin mula sa canteen, at isa pa.. hindi naman nila kailangan kumatok pa dahil may susi naman sila sa dorm namin.

Hindi kaya..

"Sandali lang."- asar na tugon ko ng muling kumatok ang nasa pintuan. Kinakabahan man ay dahan dahan kong binuksan ang pinto na sana hindi ko nalang ginawa.

Tumambad sa akin ang nakangising mukha ni Kiel.

"Sabi ko naman sayo. Hahanapin kita."- napasinghap ako sa gulat ng bigla nyang itulak ang pinto. Nanginginig ang buo kong katawan sa takot.

"Let's go."- di ako nakapalag ng hilain nya ako palabas sa dorm room ko at kinaladkad ako papunta sa emergency exit.

"Bitawan mo 'ko! Tulong--hhmmpp!"- agad nyang nilagyan ng panyo ang bunganga ko.

Chase By The Sex Addict (COMPLETED/UNDER REVISION)Where stories live. Discover now