*Chase 19*

2.8K 76 17
                                    

A/N:  Dedicated to @jethle  and  @mikaelarian .. salamat sa flood votes guys tsaka sa comments . And kung sino man yung gustong magpadedicate ng isa sa mga chapter dito.. feel free to comment to my updates and i'll dedicate the next chapter to you. Happy 26.2K reads and still going up.. thank so much for reading my story.

Keep reading and support my stories ^_^ 

Feel free to comment and please hit the vote or star on the right side.

~Ate_Ja ♥

.

.

Nica's POV

Tulala akong naglalakad papasok sa school, di ko pinapansin ang mga tingin na ibinibigay sa akin ng mga kaeskwela ko kasi abala ang isip ko sa nangyari sa amin ni Nico.. nag-away kami dahil lang sa Kiel na yun. Hayst.

Napabuntong hininga ako at inis na sinipa ang batong nakita ko, nakakapanggigil ang Yamamoto na yun. Ako namang itong gaga, bumibigay.. Aish! Nakakabwisit ako! Arrggh!!

"Tanga tanga mo Nica.. ano bang nangyayari sayo? Di kaba nag-iisip?! Ang bobo mo!"- inis na kausap ko sa sarili ko at muling sinipa ang batong nakita ko.

"Aray!"- napahinto ako sa paglalakad at agad na nag-angat ng tingin para tignan kung sino yung sumigaw.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Klaze sa di kalayuan sa pwesto ko at nakahawak sa binti nyang may sugat. Napamaang ako ng mapatingin sya sa akin. Nakajersey lang sya ay may hawak na bola. 

Napano kaya sya? O.o 

"Anyare sayo?"- wala sa sarili kong tanong. Napatakip nalang ako sa bibig ko ng marealize ko yung sinabi ko.

Uhm.. di naman nya siguro mamasamain yung tanong ko diba? Im just curious kung bakit sya nagkasugat dun.. mukhang malaki pa naman yung sugat nya. O.o 

"Hmmp."- napasinghap sya at napahawak sa binti nya kaya naman napatakbo ako papalapit sa kanya, napansin ko pa na may bato malapit sa kanya at may bahid ng dugo.

Sino naman kayang siraulo ang bumato sa kanya? Lagot sya kung sino man sya..

"A-aray..."- ungot nya pa at napaupo na sa lupa. Pinagtitinginan na kami ng mga kaeskwela namin pero wala namang naglalakas loob na lumapit.

Bakit kaya? Ayaw ba nilang tulungan si Klaze? Kawawa naman sya... di ko sya kayang alalayan kasi maliit lang ako kumpara sa katawan nyang malaki dahil banat na banat sa training sa basketball. 

"A-ano bang nangyari sayo? Sinong bumato sayo?"- nag-aalalang tanong ko, kasi naman.. medyo malaki yung bato na nasa tabi nya at nagdurugo pa yung sugat nya sa binti at nangingitim na yung paligid.

Pinagpapawisan ako ng malamig at sunod sunod ang paglunok ko tsaka ako nag-iwas ng tingin sa sugat nya.

Nangingiti sya na napapangiwi kaya di ko maiwasang di sya pagtakhan. Nababaliw na ba sya? May sugat na sya lahat lahat nakukuha nya pang ngumiti sarap batukan eh. 

"Anong nginingiti ngiti mo? Sinong nagbato sayo nyan?"- tanong ko sa kanya at sumimangot ng tignan lamang nya ako. Kaya naman pinitik ko ang noo nya kaya napangiwi sya sa sakit.

"Di ka sasagot?"- mataray na tanong ko sa kanya.

"Walang bumato sa'kin pero... may sumipa nyan at tinamaan ako sa binti ko."- kumunot ang noo ko sa sinabi nya... ilang segundo pa ang nagdaan at nakatingin lang ako sa kanya... napaawang ang labi ko at nanlalaki ang aking matang nakatingin sa kanya. Napasinghap pa ako ng ngumiwi sya ulit.

Chase By The Sex Addict (COMPLETED/UNDER REVISION)Where stories live. Discover now