*Chase 7.1*

5.4K 102 2
                                    

A/N: Hi guys ... may eexplain lang ako about this chapter . bale karugtong ito ng Chase 7 ..  sana di kayo malito ... side POV ito ni KIEL ... it's about his PAST with Mandy girl ... since may reader ako na gustong malaman kung anong relasyon ni KIEL kay MANDY kaya ko ito ginawa. Sana di kayo maguluhan .. please... :( thank you.

Kiel POV

FLASHBACK

5 years ago ... 

"H-hi?!"- pagpapapansin ko kay Mandy pero tinarayan lang ako nito.

Nakita ko naman sa di kalayuan ang pagtatawanan ng mga gago kong kaibigan. Aish! Bakit ba ito pa ang naisipan nilang dare sa akin .. eh kita naman nilang pipi itong Mandy na 'to.

Medyo malayo na sya sa akin kaya naman mabilis ko itong sinundan at sinabayan sa kanyang paglalakad. 

Akala ko sisinghalan o kahit titignan man lang ako nito pero wala akong nakuha kahit na ano. 

Pipi talaga.

"M-mandy... saglit lang."- habol ko pa at hinawakan ang braso nya para mapahinto sya sa paglalakad.

Tumigil naman ito at nakatingin sa kamay kong nakahawak sa braso nya.

"Bitaw."- malamig at mahina nyang sambit pero sapat na para marinig ko.

Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase ko dahil sa paglapit at paghawak ko sa isang WEIRDO.

"Ayy.. hehe.. sorry."- sambit ko at ngumiti pa sa kanya ng sobrang tamis.

Ang dare kasi sa akin ay mapapayag ko ang weirdo na 'to na maging kaibigan ko and just like a movies, make her my friend ... up to be my girl .. and eventually ... break her heart.

Well, ayoko man sa idea na yun dahil she's not my type at parang ang layo na mapasakin sya at mapaiyak ko sya.. dahil.. dahil... ano nga ba? Uhm... weirdo sya? Aish... basta. 

Well, i don't have a choice kundi ang sumunod sa dare dahil di naman sila nagreklamo ng ako ang magdare sa kanila na super hirap. Hahaha! example? Like ... makipagbreak sila sa mga girlfriend nila na almost a year na nilang karelasyon at seryoso nilang minamahal.

Wala naman akong pakielam dun kaya wala silang choice kundi ang gawin ang utos ko dahil Dare and pinili nila.

Ewan ko ba ... nung ako na ang iddare nila .. siguro pinagkaisahan ako ng mga gunggong at ito ang pinagawa sa akin. Naalala ko pa ang sabi ni Frank.

"Diba wala namang babaeng tumatanggi sa charisma mo? Dapat maging isa si Mandy Moreno dun. May palugit ang pakikipagkaibigan mo sa kanya ... We'll give you 3 months to do the dare dahil alam naman naming hindi basta basta ang isang Mandy Moreno.."- nakangising sambit nya na sinagayunan naman ng mga gunggong kong kaibigan.

"Mandy Moreno? Yung weirdo sa school?"- natatawang tanong ko.

" Like seriously mga dude?! Bakit sya pa? Pipi kaya ang isang yun and we all know that  she's a loner and a total weirdo."- ani ko na may pagkasuya at sinamaan sila ng tingin.

OO... PLAYBOY AKO .. crush ako ng halos lahat ng babae na makakakita sa akin. OO GWAPO AKO.. OO GWAPO TALAGA AKO pero kung yung weirdo na yun ang haharapin ko baka pumangit ako -_- takte .. 

" Exactly dude."- nakangising sabi ni  Loren.

"Pero---"- 

"Oh, bakit may reklamo ka? Wala kaming reklamo sa mga katarantaduhang utos mo sa amin kaya do the same dude ...takot ka?."- natatawang sabi naman ni Hyun. 

Chase By The Sex Addict (COMPLETED/UNDER REVISION)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin