*Chase 32*

1.3K 27 9
                                    

Kiel POV

Titig na titig ako kay Nica ngayon na natutulog sa kama ko.

Dinala ko sya sa condo ko at kanina pa ako nakatingin sa kanya.. pinagmamasdan ang bawat paghinga nya at ang bawat paggalaw ng ibat ibang parte ng mukha nya.

Ang cute nya pala kapag natutulog.

Nang makitang kumunot ang noo nito ay agad akong umayos ng tayo, senyales kasi ito na magigising na sya. Ayoko namang magpanick sya dahil mabubungaran nya akong nakatitig sa kanya.

Kailangan namin mag usap.

Napapangiti pa rin ako habang paulit ulit na bumubulong sa akin ang mga katagang kailan man ay di ko inasahang sasabihin nya.

Ang tagal ko ring naghintay bago nya sabihin sa akin ng mga salitang iyon, at hindi naman ako nabigo dahil narinig ko iyon kahapon.

'I-i love you.. Kiel'

'I-i love you.. Kiel'

'I-i love you.. Kiel'

'I-i love you.. Kiel'

Parang sirang plaka iyon na paulit ulit kong naririnig habang nakatitig sa kanya.

Hindi talaga ako makapaniwalang narinig ko iyon.. at ang hindi ko pa inaasahan ay yung halikan nya ako bago nya sabihing mahal nya ko.

Tangina.. nakakabading man pakinggan pero.. kinilig ako.

Ramdam ko ang paggapang ng init sa buo kong mukha papunta sa mga tenga ko.

'Tangina! Inamin ko ba talagang kinikilig ako don?! Fvck!'

Napatalikod ako tsaka inis na ginulo ko ang sarili kong buhok at malakas na napabuntong hininga.

"Ehem.."-

Napaigtad ako sa malakas na pagtikhim ng taong nasa kama ko. Gulat ko syang tinignan pero tinaasan lamang nya ako ng kilay at binigyan ng nagtatakang tingin.

"Mukha kang tanga dyan, alam mo ba yon?"- pang aasar nito.

Napa-tsk ako at napatalikod sa kanya. Nakagat ko ang ibabang labi ko at inis na napapikit.

'Tangina talaga! Nakita nya akong mukhang tanga na namumula! Fvck shit!'

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko sya hinarap.

"Nasaan ako?"- tanong nito bago pa man ako magsalita.

"Nasa condo ko."- tipid kong sagot.

Napatango tango naman sya habang nililibot ng tingin ang buong condo ko.

Lumapit ako sa kama at umupo sa tabi nya. Napatingin sya sa akin, akala ko ay sisigawan nya ako o kaya ay magagalit sya dahil dinala ko sya dito pero iba ang nakikita ko ngayon.

Her eyes look sparking and smiling at me.

Fvck.

Naiilang na umiwas ako ng tingin sa kanya. Baka kasi nagkakamali lang ako sa mga nakikita kong kinang na nasa mata nya.

"Y-you look.. comfortable here, hindi kaba magagalit sa akin dahil dinala kita dito sa condo ko?"- nagtatakang tanong ko.

Ngumiti sya na ikinagulat ko kaya lalo syang napangiti. Napatanga ako sa kanya pero umiling iling lang sya sa naging reaksyon ko habang nakangiti pa rin.

She open her arms like she want me to hug her.

I look at her confuse.

'W-what the hell?'

Chase By The Sex Addict (COMPLETED/UNDER REVISION)Where stories live. Discover now