*Chase 3*

7.1K 170 13
                                    

Nica POV

Dahil sa nangyari kahapon di ako nakatulog ng maayos sa pag iisip kung paano ako makakaiwas o paano ko maiiwasan si Kiel na magtagpo ang landas namin. Sa dami ng nangyari ay ayoko muna itong makita, gusto kong ipahinga ang utak ko mula sa mga problemang ginagawa niya.

Naglalakad ako ngayon sa kahabaan ng hallway ng building C. Malapit ito sa canteen at gym. Papunta ako ngayon sa canteen. Nagugutom na ako, OO na kung iniisip nyo na nagcut ako ng class... Tama kayo... di ako pumasok ng morning class dahil wala akong tulog.

"AAAAAHH!"-

*BLAAAG*

"Arrggh! Damn! Ang sakit!"- ungol ko ng may dumamba sa akin mula sa likod at natumba kami sa lupa.

"Hehe.. S-sorry..."- base sa boses nya ay alam ko na kung sino ito.

"Mika!"- sigaw ko sa inis kaya naman dali dali syang tumayo mula sa pagkakadagan nya sa akin at nagtago sa likod ni Angeline.

"Bwisit ka.. Gutom na nga ako tapos dinamba mo pa ako! Aray."- hinawakan ko ang tuhod ko ng makaramdam ako ng sakit mula dito.

*whistle*

"Nice view Nica...uggh!"- manyak na sabi ng isang lalaki kaya agad akong tumayo para di na nila makita ang cycling ko. Mga bastos.

Maiksi kasi ang skirt ko kaya sure akong nakita ang cycling ko

"Ano Carl... Nakita mo ba?"- excited na tanong ng kaibigan nito. Sinamaan ko sila ng tingin.

"Oo pre.. Grabe.. Ang kinis nya. No wonder Kiel was after her."- kagat labi nitong sabi habang nakatingin parin sa akin ng malagkit.

"Mga bastos! Lumayas nga kayo! Alis!"- pangtataboy ni Mika sa kanila.

Lima silang lahat.. Yung tatlo ay nakajersey.. Basketball player ata sila. Tapos yung dalawa naman nakauniform, mga nakangisi sila at malalagkit ang tingin .... sakin.

Di nila pinansin ang pangtataboy ni Mika.

"Nica .. Baka naman ...pwede... Isang gabi lang. Sige na."- manyakis na sambit nito at dinilaan pa ang labi nya na tila nakakita ng nakakatakam na pagkain sa katauhan ko.

Agad na kumabog ang dibdib ko sa nerbyos at takot sa pwede nilang gawin.

"Yun oh! Hahahaha! Pumayag kana Nica! Tapos next ako ha?"- sabi pa nung isa tsaka sila nagngisian na tila may masamang balak kaya lalo akong kinabahan.

"Oyy.. ako muna bago ikaw."- singit pa nung isa na nakajersey at tsaka sila nagtawanan.

Akala mo nagtatalo lang sila sa isang pagkain kung sinong unang titikim. Mga manyakis.

"Mga bastos!"- sigaw ko at binato sa kanila yung bag ko. Tinamaan yung unang nambastos sa akin sa mukha. Carl ata yung pangalan.

"Bwisit. Masakit yun ah!"- galit na sigaw nya.

Nginisian ko sya at tinaasan ng kilay. Kahit na sobrang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko pinahalatang natatakot na ako.

"Gusto mo isa pa?"- agad kong kinuha yung bag ni Mika pero napigilan ako ng may humawak sa magkabila kong braso. Agad na nanlaki ang mata ko sa gulat dahil hindi ko namalayan ang paglapit ng mga ito sa pwesto ko.

Shit!

"Ano ba?! Bitawan nyo si Nica!"- sigaw ni Mika, nagpupumiglas ako pero ang lalakas nila. Shit naman oh!!

Asan na ba ang mga tao? Dapat nakakalat na sila dito dahil lunch time na. Kinain na ba sila ng lupa? Arrgh!

"Tulong! Bitawan nyo kami!"- sigaw nila Angeline... Pati pala sila ay hinawakan na ng mga gago.

Chase By The Sex Addict (COMPLETED/UNDER REVISION)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora