*Chase 33*

984 21 2
                                    

Nica POV

"Hey.. you okay?"- nakangiting tanong sa akin ni Kiel.

Napangiwi ako at wala sa sariling inayos ang buhok. Natawa naman siya sa akin at nilapitan ako tsaka hinawakan ang kamay at bahagyang pinisil.

"Hey.. relax babe, hindi ka naman kakainin ng mga magulang ko."- nakangiting sambit niya.

Ngumiwi ako at huminga ng malalim. Andito kami ngayon sa bahay nila, paano kase may biglang tumawag sa Mommy nya nung nasa condo nya kami at kinailangang umalis ng Mommy nya kasi about sa business nila yon kaya ang sabi ng Mommy nya dito nalang daw kami mag usap sa bahay nila.

"D-di ko maiwasang kabahan eh.. b-baka magalit sila sakin, lalo na ang Mommy mo."- nag aalalang saad ko.

Totoo naman e.. hindi naman sa pang jujudge pero natatakot ako sa mga pwedeng sabihin ng Mommy nya sa akin.

'What if, sabihin niyang layuan ko si Kiel?'

'O kaya sabihin niya sa mukha ko na hindi kami bagay ng anak niya?'

O kaya ipahiya niya ako with matching buhos ng tubig sa mukha ko.. katulad ng mga napapanood ko sa mga drama. Di ko ata kaya ang ganoong kahihiyan, lalo na kung sa magulang ng taong mahal ko mang gagaling. 😢

Napasinghap ako sa gulat ng bigla akong halikan ni Kiel. Agad ko siyang tinulak at tumingin sa paligid, baka makita kami ng Mommy niya 😨😨

Nang macheck na walang tao ay agad ko siyang sinamaan ng tingin at sinuntok sa tiyan niya, kaso ako lang nasaktan. Ang tigas.😒

"S-siraulo ka! Baka may makakita sa atin! Lalo na ang Mommy mo, sasakalin talaga kita."- gigil na asik ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako. Grr.

"Nah.. it's okay, Mom will surely---"-

"Ehem.."-

Agad kaming napatingin ni Kiel sa likod niya ng may marinig kaming tikhim.

Kusang kumabog ang dibdib ko ng makita ang mga magulang ni Kiel na nakatayo sa entrada ng bahay nila.

"Hindi pa ba kayo papasok? Baka lumamig na ang mga pinahanda kong pagkain."- ani ng Mommy niya.

"M-magandang araw ho."- kabadong bati ko sa kanila. Tumingin ako sa Daddy niya, binigyan ako nito ng isang ngiti at tango kaya medyo kumalma ako.

Napatingin naman ako sa Mommy niya at di ko maiwasang mapalunok. Naikuyom ko ang kamao ko sa sobrang kaba, pero agad din itong kumalma ng maramdaman ko ang paghawak ni Kiel sa kamay ko.

Tumingin ako sa kanya at ganun din siya sa akin, bahagya siyang ngumiti at tumingin sa mga magulang niya.

"We're coming in Mom."- casual na sagot nito.

"We'll wait the both of you in the dining area."- aniya at niyaya ang asawang pumasok sa loob, pero bago pa man makapasok ang mag asawa ay lumingin sa amin ang Daddy niya at nagsalita.

"Kanojo wa kawaii desu. Naisu.."- nakangiting anito.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

Ano raw? 😳

"Wakatta wakatta yo, arigatou."- ngumiti lang ang Daddy nya at pumasok sa loob.

Napatingin ako kay Kiel dahil sa sinabi nito.

Japanese siguro yon? Siguro nga.. may lahi nga pala silang Japanese. 😒

" Nihongo yon, let's go?"- tanong sa akin ni Kiel.

Chase By The Sex Addict (COMPLETED/UNDER REVISION)Where stories live. Discover now