*Chase 35*

951 21 3
                                    

Nica POV

"Ano ba?!!"- asik ko sa kanya ng hilain niya ko papasok sa condo niya.

Mabilis niyang sinarado ang pinto at sumandal doon habang masamang nakatingin sa akin. Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ng hilo, agad niya akong hinawakan sa braso ko na agad ko namang inalis at masama syang tinignan kahit na nagdodoble siya sa paningin ko.

Aish! >_<

"Ikaw!!"- turo ko sa kanya.

Tumaas ang kilay niya, at tinignan ako ng nagtatanong.

"Bakit ang gwapo mo?"- ani ko.

Bahagya siyang nagulat pero agad ding napangisi ng matauhan sa sinabi ko. Lihim akong napamura dahil sa sinabi ko.

'Ano bang pinagsasabi mong babae ka ha?! Dapat galit ka sa kanya! Magalit ka!!'

"Well.."- mayabang na sagot nito.

Ngumisi naman ako at lumapit sa kanya, napaayos sya ng tayo ng ilapit ko ang mukha ko sa leeg niya. Rinig ko ang malakas na tibok ng puso niya.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, pero nagkukusa ang buong katawan ko sa lahat ng ginagawa ko.

"Hmm.."- pag amoy ko sa leeg niya. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya dahil sa ginawa ko. Kumapit ako sa leeg niya at---

"A-aaaraaayyy!!"- gulat na sigaw niya ng kagatin ko siya sa leeg niya.

Agad niyang inalis ang ulo ko sa leeg niya at gulat akong tinignan.

"A-anong problema mo?! Ba't nangangagat ka?!!"- inis na sigaw niya sa akin.

.
.

Kiel POV


Agad akong natigilan ng makitang nagtubig ang mga mata niya. S-she's about to cry--

"B-ba't sinisigawan mo'ko?! Ayaw mo na saken?!"- asik niya at padabog na umupo sa sofa at tsaka----

"Ihateyou! Ihateyou! Umalis ka dito! Layas! Ayaw kong makita yang panget mong mukha! Layas!!"- sigaw niya at pinagbabato ako ng throw pillow na nasa sofa.

Wala naman akong nagawa kundi ang umilag ng umilag sa mga ibinabato niyang unan ang kaso-- sa pagkabusy kong umilag sa mga ibinabato niyang unan hindi ko naiwasan ang huli niyang ibinato sa akin-- >_<
.
.
.
"A-anong nangyari diyan sa noo mo? Ba't may bukol ka dyan?"- naguguluhan niyang tanong habang pinagmamasdan ang bukol ko sa noo.

"A-araayy! Masakit! Hss!"-  i hissed when she suddenly touch it.

"Sorry.. hehe. Ano ba kasing nangyari diyan?"- aniya pa niya na tila gulong gulo kung bakit ako may bukol sa noo.

Nakasimangot akong nagkwento sa kanya ng nangyari kagabi. Akala ko nga magagalit siya dahil kinuha ko siya doon sa pub na pinanggalingan niya pero parang balewala lang naman iyon sa kanya, pinagtatawanan pa ako pero ng makitang seryoso ako ay agad siyang napasimangot.

"Hehe.. t-talaga? S-sorry.."- aniya ng matapos akong magkwento.

She looks really guilty pero may namumuong ngiti sa kanyang labi pero halata namang naguilty siya sa ginawa niya kaya di ko maiwasang mapangisi ng lihim at nakaisip ng kalokohan.

"Honestly, ang sakit sakit pa rin ng bukol na'to kaya kailangan may gawin ka para mapatawad kita."- umarte pa kong nasasaktan habang napapadampi ang kamay ko sa bukol ko.

Umismid naman sya at tinaas ako ng kilay, tila nagdududa ang naniningkit nyang mga mata kaya di ko maiwasang mapangiwi. Mukhang alam nyang nagpapanggap lang ako, hays.. sayang.

Chase By The Sex Addict (COMPLETED/UNDER REVISION)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum