*Chase 31*

1.2K 22 11
                                    



Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nica POV 



Inis na napabuntong hininga ako habang nag aantay ng masasakyan pauwi dito sa labas ng school.

May mga kanya kanya 'daw' kasing gagawin sila Mika at Angeline kaya hindi sila makakasabay sa akin ngayon.

Tumingin ako sa cellphone ko at nakitang maraming missed calls at texts si Nico.

Hanggang ngayon kasi nangungulit pa rin ito sa akin at pinagpipilitan ang sarili. Marami siyang ginawa para makipagbalikan sa akin pero sorry siya, hindi ako tanga para balikan siya at hayaan siyang saktan ulit ako sa pangalawang pagkakataon, isa pa.. hindi na siya ang gusto at mahal ko.

Napabuntong hininga na naman ako dahil sa naisip.

These past few days ay lagi nalang akong nagnanakaw ng tingin kay Kiel at dun sa babaeng kasama nya. Si Mandy.

Oo na, inaamin ko na.

Gusto ko na sya..

Ah mali, mahal ko na si Kiel.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula, siguro nung time na may nangyari sa amin at umamin sya sa akin. Indenial lang ako dahil nga sa past nya na kabi kabila ang mga babaeng kinakama nya.

Syempre nag iingat lang naman ako na wag matulad sa kanila, ayokong maging isa sa mga babaeng kinakama LANG nya, kahit pa may nangyari na sa amin mas gusto ko pa rin na AKO na ang huli.

Gusto ko.. akin lang sya.

Napabuntong hininga ako sa naisip ko, napasimangot ako dahil nagmumukha akong nagseselos na girlfriend nya, ang selfish nung naisip ko pero yun ang totoong nararamdaman ko, gusto ko sa akin lang sya.. ayoko ng may kahati. Kahit sino naman sigurong babae ayaw ng may kaagaw sa taong mahal nila diba?

"Prinsesa ko.."- napalingon ako sa kanan ko ng marinig ko ang boses ni Nico. 

Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin sa kanya. Magulo ang dating maayos nyang buhok, bagsak ang balikat, gusot ang uniporme nya at halatang puyat. 

"Let's talk please.. ilang linggo mo na akong iniiwasan."- halos pumiyok na sya sa huli nyang sinabi.

Napabuntong hininga ako at nag iwas ng tingin.

'Ba't ngayon pa.. naman e..'

"Please prinsesa ko.."- nagmamakaawang sambit nya. Tumingin ako sa kanya ng masama dahil sa sinabi nya.

"Don't call me like that.. wala na tayo remember?"- mataray na sambit ko.

Napabuntong hininga sya at lumapit sa akin, di ako nakagalaw ng hawiin nya ang ilang hibla ng buhok ko sa aking mukha at marahang sinapo ang akong pisngi.

Chase By The Sex Addict (COMPLETED/UNDER REVISION)Where stories live. Discover now