*Chase 29*

1.3K 26 3
                                    

Nica POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nica POV

Nasapo ko ang ulo kong masakit kasabay ng pagkababae ko at buong katawan ko. Gulat na napatingin ako sa tabi ko ng makarinig ako ng ungot ng isang tao.

Nakagat ko ang ibabang labi ko ng makilala kung sino ito.

'So, hindi talaga ako nananaginip kagabi. Bwisit.'

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko, ramdam ko lahat ng ginagawa nya kagabi pero ayaw naman syang tutulan ng katawan ko at gustong gusto ko ang pinaggagawa nya sakin kaya di ko din sya masisisi dahil mali rin ako. Isa pa ayoko muna magalit sa kanya ngayon dahil sobrang sakit ng buong katawan ko. Tsaka na siguro pag ok nako ulit.

Inalis ko ang kamay nyang nakapulupot sa bewang ko at sinubukang tumayo.

"A-aww.."- nakaupo ako ulit sa kama ng subukan kong tumayo. Para akong inararo ng buong araw.

' We really had sex.'

Namula ako sa sarili kong naisip. Inis na umungot ako dahil sa kagagahang ginawa ko, bakit ko pa nga ba tinatanong kung ilang beses naming ginawa yon? Wala akong maalala bukod sa katotohanang bumigay na ako sa kanya.

Hinanap ko ang damit ko at nakita ko itong nakapatong sa sofa, at medyo malayo sakin. Napatingin ako sa long sleeve na nasa sahig, mukhang kay Kiel ito kaya no choice ako kundi gamitin muna yun pang takip sa katawan ko.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa pintuang nakita ko, naiihi nako. Paniguradong sobrang hapdi ng pagkababae ko pag umihi ako. Tangina.

" Nica."- muntikan nako matumba sa pagkakatayo dahil sa biglang pagsasalita ng demonyong Kiel nato.

"A-ano ba?! Bat nanggugulat ka! Aww.."- napangiwi ako sa sakit at sumandal sa pader. Nakakainis..

Nakatingin sya sakin ng nagtatanong, napalunok sya ng makita ang suot ko kaya sinamaan ko sya ng tingin. Umiwas sya ng tingin at bumuntong hininga bago muli akong tinignan ng wala ng pagkailang.

Di ko namalayang nakalapit na sya sakin at dahan dahan akong binuhat. Di na ako umangal dahil sobrang sakit talaga ng katawan ko sumabay pa ang hang over ko. Wengya.

" Where you going?"- tanong nya sakin habang buhat buhat ako. Para bang balewala lang ang bigat ko sa kanya dahil cool lang sya habang buhat ako. Tsk. Whatever.

"CR."- tipid na sagot ko.

Ayoko muna makipagtalo sa kanya, masyadong pagod ang katawan at isip ko ngayon kaya ligtas muna sya.. sa ngayon.. pero pag ok nako humanda sya saking hudas sya.

Dinala nya ko sa loob ng CR at pinaupo sa toilet, sandali nya pa akong sinulyapan bago lumabas ng banyo ng walang isang salita.

Bago yun ah, di man lang nya ako kinulit. Anong klaseng demonyo ang sumapi sa hinayupak na yun.

Chase By The Sex Addict (COMPLETED/UNDER REVISION)Where stories live. Discover now