Kabanata 2

140K 4.8K 1.8K
                                    


Thea

She finished up her tequila habang iginagalaw ang ulo sa maingay na musika.

Anak ng teteng. Hindi siya mapakali kapag magkaaway sila ni Saint pero iniwanan siya nito kahapon! Ang bad trip lang dahil hindi siya nito tinulungan sa assignments niya at hindi talaga siya inamo.

Tiningnan niya ang cellphone niya at naiinis siyang walang mensahe roon ang kumag. Niloadan niya naman ang gago ng pang-isang buwan ah. Baka ipinan-text na sa ibang babae ng hayop.

"Go and do that booty call, Bitch!" Inalayan na naman siya ng kaibigan niyang si Akina ng isang shot ng rhum cola. Napaka-bad influence talaga ni Akina, imbes na nag-aaral siya sa condo niya, niyaya pa siyang lumabas dahil nasa BGC din pala.

Kaibigan niya si Akina since elementary bago pa dumating si Saint pero siya at si Saint lang ang naging magkaclose. Kagaya niya ay gaga rin si Akina at sakit ng ulo ng mga magulang. Nagkahiwalay sila ng school noong college dahil hindi nito trip sa Benilde. Nagdrama pa itong si Saint lang naman ang kailangan niya para mabuhay kaya maiwan na raw siya sa Benilde at ito naman ay sa USTe.

"I won't do that, Kin. Nakakabadtrip lang talaga." Kumagat siya ng chicken wings at saka muling uminom ng alak. Napapikit siya sa pait. Hindi niya alam bakit ba siya umiinom 'e, hindi pa naman Friday.

"Tsk, malambot puso sa iyo ni Saint. Tite lang ang matigas don pagdating sa iyo."

"Alam mo, hayop ka."

"Alam mo, padilig ka na lang ng pepe sa iba para hindi kayo gumaganyan. Akala mo naman magjowa!" Akina rolled her eyes heavenwards. "Look, kita mo 'yon? Masarap 'yon si Bene, natikman ko na 'yan 'e." Pagmamalaki pa ni Akina na itinuturo iyong bagong pasok lang sa club na merong mga kasama.

Typical college fck boys ang gustong-gusto ni Akina. Samantalang gusto niya ang good boys, mas malapit sa langit.

"I have no appetite."

"Yan! Palibhasa ang mga tipo mo iyong low-key malilibog." Tumayo si Akina at malanding kumaway doon sa mga dumating. Napupuno na ang club kaya parang gusto niya na umuwi. Mas gusto niyang mag-orgasm with Saint kapag ganitong may pasok kinabukasan para maaga siyang nakakatulog, ligtas pa sa hangover.

"Hey, Benedict! It's me, Akina."

Ginaya niya pa ang sinabi ni Akina na mabilis namang nilapitan nung Benedict pero mukhang hindi ito matandaan, "Akina? From?" Medyo pasigaw iyon dahil malakas ang music. Napangisi siya sa kaibigan na nabigla yata na hindi na ito maalala. Iba rin talaga ang ego ng mga gandang-ganda sa sarili.

"Oh, gaga, hindi ka raw masarap kaya limot na agad." Side-comment niya, mahina siyang sinipa ni Akina sa legs, sinimangutan niya ito.

"Yeah, I mean sa may Morato. You bought me a drink." Gusto niyang palakpakan si Akina sa magandang pagkakangiti nito, for not giving up, for even trying! Kapag nag-umaga na at naipasok na ang tite, swerte na kung maalala ka pa nito bukas. That's why you don't hook up in clubs if you want your ego to be boosted.

Tumunog ang cellphone niya at nagkandakumahog siyang i-unlock iyon nang makita ang pangalan ni Saint.

Saint: San ka?

Thea: Revel

Mabilis siyang nagsasabi kay Saint ng whereabouts dahil noong minsan na hindi ay nagpunta pa ito sa Baranggay para ipahanap siya. Basta alam naman ni Saint kung nasaan siya ay nananahimik na ito. Siguro nangangailangan lang ng signs of life. Ganon naman iyon. Kahit galit, thoughtful pa rin. Kaso ayaw niya itong galit! Maliban na lang sa galit sa pagitan ng hita nito ha.

Temptation Island: Broken TiesWhere stories live. Discover now