Kabanata 24

99K 4.9K 2.8K
                                    


Thea

Thea sighed while reading the articles about her as Doctor Bombshell, side by side with the cover of the magazine, and side by side with her photo as Doctor Ysmael. It spread like wildfire. Maraming tumaas ang kilay lalo na ang mga kababaihan.

Masyado namang judgemental ang mga ferson! 

They hated her for being so outspoken about sex and helping women with their sexual anxieties yet there she is, showing everyone what she got in a sex magazine. Showcasing her body as if she is the standard, one of the 'sex symbols. Na wala palang kahirap-hirap sa sex ang babaeng kagaya niya na pinagnanasahan dahil sa kanyang katawan na nakahubog ayon sa 'standards'. How hypocritical is she to talk about topics as if she can relate to them when obviously she can't?

"Andyan ka na naman, nagbabasa ka na naman ng mga write-ups! Tumigil ka nga, Thekla! Makakalimutan din yan ng mga tao at makakamove on. Sa isang buwan, iba na naman ang cover girl, may bago na namang pag-uusapan." Hinila ni Fox ang cellphone niya pero inilayo niya iyon sa kaibigan at itinago. Bumaluktot muli siya sa couch at ginulo ang kanyang buhok. Malakas na napabuntong-hininga si Fox at umupo sa kabilang dulo ng couch, naaawang tiningnan siya.

"It is okay to sulk, Thea, but remember, hate is a projection of people who hate themselves deep inside."

"Tomoooh! Inggit na hindi maamin!" Singit ni Sloane na panay ang kain ng iniluluto ni Luke na lumpia. They've been with her since the viral magazine cover exploded and did not leave her since. "Ang mga basher talaga, naghihintay ng tamang pagkakataon para magkamali ka at makapagbato ng mga salita na mapanakit. What do they think of content creators? Walang pakiramdam?"

"Minsan kahit wala kang ginagawa basta ka na rin lang babatuhin. Like, girl, are you really affected with the cover? Meron bang namatay when Thea appeared on the magazine? Meron bang hindi nakakain?" Padabog na ibinagsak ni Luke ang plato sa lamesa, pinapakita ang suporta sa kanya sa pamamagitan ng pagkainis. Mabuti at kahit papaano ay sinuwerte siya sa mga kaibigan at kapatid. Pinilit niyang ngumiti.

"Ang ganda pala ng dede ko dati, ano? Lagi kasing namamassage." Hinawakan niya pa ang boobs niya at nag-imagine. "Ngayon parang lumiit ng kaunti."

"Gaga ka talaga 'e! Hindi ko malaman kung dadamayan ka o babatukan." Binato siya ni Fox ng unan. Malungkot siyang napangiti.

"Thanks, guys. I feel a little bit better."

"Better?" Pinanlakihan si Sloane ng mata, "You mean nagbago na ang isip mo? You will get Monasterio Publishing instead of posing as their covergirl? Don tayo sa mas malaking salapi! Doon tayo sa gold!"

Hindi makapaniwala si Sloane na tinanggihan niya ang terms na iyon. She said she could've used that money for more important things. But to her, nothing is more important than giving Saint a taste of his own medicine.

"Hindi nagbago ang isip ko. Nakita na rin naman ng lahat..."

"Kaya okay na, ganon? Gusto mong kunin ang korona na pinakamatandang covergirl ng Big Bad Boys Magazine?" Si Fox.

"Hayop ka. Kaibigan ba talaga kita?" Umirap siya.

"Huwag mong kukwestiyunin ang friendship natin, Thekla Angeline at ang tagal kitang pinagtiyagaan!" Mataray na baling ni Fox, "I am just saying, you know that you are not supposed to be the cover. Your rights were violated, and instead of suing the magazine, hinayaan mo pa silang pagkakitaan ka! Ikaw, mahal mo yon si Saint ano? Kaya hindi mo kayang kasuhan. Landi mo!"

"Luh, slut-shaming!" Mahina niyang sinipa sa binti si Fox, "Minahal ko si Saint dati but that's not my reason! I want to pose to represent the majority."

Temptation Island: Broken TiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon